Move Twenty

5.6K 122 25
                                    

Chapter 20

 

Kristen’s POV

                      

Isa lang ang masasabi ko. ANG BORING NG KLASE! Paano? ANG BORING KASI wala akong makausap (nagko-concentrate kasi si Denise na kumain e), walang nangungulit, at higit sa lahat, ang boring kasi wala akong seatmate. Nakakaloka nga e, nakaka-out of place.

Ten years after the fall of Troy, the victorious Greek hero Odysseus has still not returned to his native Ithaka.”

 

Napakamot na lang ako ng ulo kasi antok na antok na talaga ako. Actually, kaming lahat pala. Yung iba, pasimpleng kumakain, yung iba, nilalaro ang phone sa loob ng bag para hindi mahuli ng teacher. Ang tagal naman ng recess.

“Bubby”

Bigla ko na lang naalala yung code name na yan. Napaisip naman ako.

Bakit sa tuwing nandiyan si Zairus, gumagaan ang loob ko?

Bakit hindi na ako naiinis sa kanya?

Bakit lagi ko na siyang hinahanap?

 

“Eh kasi, ganyan ang in love, laging tulala!”, nagulat na lang ako sa biglang nagsalita. Si Christian pala. Ngumiti ito tsaka tumabi sa upuan ko.

“Saan ka galing?”, tanong ko, napansin kong wala kasi siya kanina e

“Nag-usap lang kami ni Principal Stan”,bulong nito sa akin. “May meeting pala ang student council mamaya sa SBA room.”, dagdag nito.

“Kasali pa ba ako?”

 

“Oo naman. Pasalamat ka nga kasi ipinagtanggol ka pa ni Zairus sa kaso mo e. Siya ang naki-usap kay Principal Stan na wag kang paalisin sa pagiging officer. At dahil uto-uto naman si Sir Stan, pumayag naman.”, mahabang sagot nito.

Nakahinga naman ako ng maluwag. Hays! Thanks to Zairus!

 

~*~

 

“Recess naaaa!”, sigaw ng lahat sa classroom. WAG KAYO! MGA GUTOM KAMI!

Pinuntahan ko naman agad si Denise at binigyan niya ako ng weird look.

“What?”, pagtataray ko.

“Alam mo, hindi naman masamang ngumiti e pero paki-bawasbawasan mo naman yang ngiti mo. Mukha kang rapist!”,sabi sa akin ni Denise. Aba’t nagsalita ang mukhang baboy -_-

“Masaya lang ako kasi hindi pa ako naalis sa pagiging SBA Officer!”, sabi ko with matching talon talon pa.

“Wheeh? Dahil lang don? Wag ka nga, lilindol!”,sabi ni Denise sabay palo sa ulo ko. “Seryosong tanong, Kristen, bakit ganyan ka?”

“Bakit ako ganito? You mean, bakit ako maganda? Siyempre, natural beauty ito no! Inggit ka na naman e.”, sabi ko. Hindi  na lang sumagot si Denise nun. Wala e, inggit e.

My Sway, His Moves (COMPLETED)Where stories live. Discover now