Move Sixty

3.1K 93 18
                                    

Chapter 60

 

Zairus’ POV

“SIYA”

 

Napatingin ako ngayon sa pinto kung saan andoon yung tinutukoy ni Kristen.

Yung pinsan ko…

Si Zayden.

~*~

 

Nakasandal na lang ako ngayon sa pader habang pinapanood sina Kristen at yung mga kaibigan niyang nagkekwentuhan ngayon.

Tumingin ako sa labas at nakita kong andoon si Zayden kaya nilapitan ko.

May hawak pang bulaklak.

“Tol, pakitapon mo yang mga bulaklak na dala mo. Hindi pa siya patay.”, sabi ko.

“Magkakilala ba kayo?”, tanong ni Zayden.

Ay hindi, hindi ko siya kilala kaya girlfriend ko siya, hindi ko kilala si Kristen kaya ko siya binisita dito, hindi ko siya kilala kaya nag-aalala ako sa kanya! Ptngna! Common sense bro! Ang gandang magmura!

“Kilala ko siya. Saan mo siya nakita kanina?”, cold na sabi ko.

Napangiti naman si Zayden.

“Natumba kasi siya kanina sa kalsada nung pauwi ako. Tapos nung tinignan ko siya ng mabuti, napansin kong si Kristen pala siya.”, sabi niya. “Grabe, ang dami niyang pinagbago. Gumanda siya”

 

Sinamaan ko ng tingin si Zayden. “Kilala mo siya?!”, tanong ko.

Tumango naman ito. “Oo naman. Classmate ko yang si Kristen noong elementary at nung firt year highschool kami bago ako tumungo ng Amerika”, sagot nito. “At tsaka, siya nga pala yung unang babaeng dinala ko sa Grania Hill.”, dagdag pa nito.

Natahimik na lang ako. Mas nauna pala niyang dinala si Kristen sa Grania Hill.

“Matagal ko nang gusto si Kristen. Bata pa lang tayo noon. Naalala mo pa ba? Siya yung binubully mo dati. Kaya nga lagi tayong nag-aaway kasi pinagtatanggol ko siya”, sabi ulit ni Zayden.

Tumango na lang ulit ako at pilit pinapakalma ang sarili. Ayaw kong kaawayin ang pinsan ko.

Hindi kami pwedeng magkagusto sa iisang babae. Hindi pwedeng may kaagaw ako kay Kristen.

Gusto kong magalit! Simula bata kami, si Zayden ang lagi kong kaagaw kay Yasmine kasi siya ang gusto ni Yasmine tapos ngayon, si Kristen naman?! Nahiya pa siyang gustuhin lahat ng babae sa mundo! Bwsit!

 

“Bro, lakad mo naman ako kay Kristen. Alam ko namang kaibigan mo lang siya di ba? Di ba?!”, tanong ni Zayden.

My Sway, His Moves (COMPLETED)Where stories live. Discover now