66. Keila

3K 55 5
                                    

"Silver, where are they?" Agad kong tanong pagkatapos kong makababa sa motor. Isinaayos ko ang maskara at kinuha ang aking silencer.

[Nasa labas ng mansyon, they are fighting]

Pagkarinig ko agad akong pumasok at nadatnan silang naglalaban. Naka-itim ang mga Hayashi at may maskara na itim. Habang ang Fujiwara ay naka-itim din pero puti ang maskara nila.

Habang ako naman, Im wearing overall black jumpsuit na fitting sa akin and my red mask, makikita ang mga mata ko at ang ilong hanggang leeg ay natatabunan ng aking pulang maskara. Nakalagay sa gilid ng bewang ko ang katana. Sa legs naman ang mga maliliit na weapon, like daggers, shurikens at baril.

Nagtatago lang ako sa mga malalaking drums habang nag-aaway ang dalawang clan. May bumabaril galing sa puno which is miyembro ng Fujiwara, mayroon ding mga kalaban sa ilang palapag ng building. Tumutulong ako sa pagbabaril, inaasinta ang mga kalaban na nagtatago sa building. Hindi ko alam kung may nakapansin sa akin. And I dont care.

[Master, 1:00 o'clock]

"Got him,"

[The right area is clear.]

Pagkasabi ni Silver, agad akong tumakbo pakanan, at sakto naman dito ang sikretong daan patungong underground kung saan matatagpuan ko si Kuya Kayne.

[Master, hindi na abot sa underground ang mga naka connect na mga cctv.]

"Its okay. Sabihan mo na lang ako pag may paparating,"

[Aye, aye, Master!]

"Thanks,"

[Just be careful, Master]

Hindi ko na sinagot si Silver, dahil pati ako mismo hindi alam kung ano mangyayari. Nakita ko na ang hagdanan at bumaba na ako. Pinakiramdaman ko ang lugar, maraming tao. Hindi ko alam kung ilan basta marami. Its now or never. Dahan-dahan akong lumabas, sakto namang walang nagbabantay sa side ko. Lahat nka abang sa main door. Just a bunch of weaklings.

"Ako ba ang hinihintay niyo?" Habang nakasandal sa pader at hawak ko ang tatlong dagger na nakaipit sa gitna ng mga daliri ko.

"De-Death!" Nagkibit-balikat lang ako sa kanila. And a span of 1 second, agad nakabulagta ang lalaking nangunguna. Napasinghap naman ang iba at sumugod. Inuwestra ang dalawa pang dagger na nakaipit sa pagitan ng mga daliri ko, itinapos ko ito sa dalawang susugod sa akin. Sapul sa noo. Nginitian ko ng malademonyo ang natitira pa.

Napahinto sa pagsugod at bakas ang takot sa mga mukha.
"Oh, scared like a cat?" Binilang ko sila at nasa labinglima. "Fifteen second,"

Nadagdagan ang takot sa kanilang mukha matapos kong sabihin ang oras. They know whats the meaning once I will mention time.

Ako na ang unang sumugod dahil parang naestatwa ang mga kalaban ko. Using my katana, I wagged it at agad naputol ang ilang bahagi ng kanilang katawan. In just fifteen seconds, lahat ng kalaban ko ay nakabulagta at bawat isa sa kanila nahihiwalay ang ibat ibang parte ng kanilang katawan. Im back being the merciless queen.

Agad akong nagpunta sa kuwartong pinaglalagyan ni Kuya Kayne. Walang katao-tao, Im trying to open the door but its lock.

"Shit!"

[Anong nangyari, Master?!]

"You wanna unlocked it?" Agad akong napatingin sa nagsalita at itinaas ang susi ng kwarto. She looks like Death, we have the same clothes and mask, ang tindig parang ako, ang mga mata nito, she looks like me!

DEATH: The Bloody QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon