33. Keila (Edited)

7.9K 256 14
                                    

"I can't believe it na nagawa mo yun kay Leyson!"

"So?"

Kanina pa talak nang talak si Hannah tungkol sa lalakeng nagngangalang Leyson. Iwas daw ang mga estudyante sa kanya dahil sa nakakatakot daw nitong presensiya. I just rolled my eyes at her.

"Anong so? Pano kung ikaw ang mabully-" Pinutol ko na ang dapat niyang sasabihin.

"Really, Hannah? Did you forgot what can I really do?"
Nanlalaking mga mata ang naging reaksiyon nito. Na parang may naaalala ito.

"Hala! Oo nga noh? Your devil pala!" At mukhang na realize naman niya ang kanyang nasabi kaya naghabol ito ng "Joke" at nag peace sign, inirapan ko lang ito.

"Lets go," Yaya ko sa kanya. Sumakay naman kami sa kotse ko. We will visit Fynn.

Hindi naman dala ni Hannah ang kotse niya at wala pa ang kanyang sundo kaya itong kotse ko ang ginamit which is pinagsisihan ko.

"Oh my G, Keila! First time mong nag-yaya na dito ako sa kotse mo sasakay!"

"If you have a car, why on earth will I invite you to ride my car?" Taas kilay kong tanong sa kanya. Nag-pout naman ito at inirapan ko lang.

"Grabe ka na naman,"

Binilisan ko ang pagtakbo dahil hindi naman traffic.
"Waaaahh! Keila naman, eh! Dahan-dahan sa pagmaneho! Gusto mo sigurong pumunta sa langit!" Tili nito habang nakahawak sa magkabilang bahagi ng kanyang inuupuan.

"Sad to say, God will not accept nor enter me to his kingdom." Malamig kong sabi sa kanya na siyang nagpatahimik kay Hannah pero hindi mawawala sa kanyang mukha ang takot. Napakaputla nito na parang may gustong ilabas sa kanyang bibig. 'Oh shit! Not here!'

"I swear Hannah, don't you dare " Hindi ito nagsalita bagkus ay pinipigilan niya ito at nakahawak ang kanyang dalawang kamay sa bibig nito.
Iling lang niya ang naging tugon.

Instead of 5-6 minutes ang biyahe going to the hospital naging 3 minutes nalang. Dali-daling bumaba si Hannah na hawak ang kanyang bibig. Sinundan ko ito at ayun sumuka.

Pumunta ako sa isang drug store at bumili ng tubig. Binigay ko yun kay Hannah at kinuha naman niya yun.

"Hindi na talaga ako sasakay sa kotse mo," Agad niyang sabi sa akin nang mahimasmasan na ito.

"Good to hear that," Nginisihan ko ito at nauna ng maglakad. Narinig ko pa itong nagsalita bago sumunod sa akin.

"Mean Keila"

Nang makarating na kami sa kwarto ni Fynn, kumatok na muna kami bago pumasok sa loob. Nadatnan namin si Fynn na nag-aayos habang tinutulungan siya ni Tita Fina.

"Good afternoon po, Tita Fina" Bati sa kanya ni Hannah. Nginitian naman kami ni Tita Fina. She said we will call her Tita Fina.

Tiningnan kami ni Fynn at nang magtama ang paningin namin, dali naman itong umiwas.
'Problema nun?'

"Maupo kayo, ija" Umupo naman kami.

DEATH: The Bloody QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon