39. Keila (Edited)

7.6K 226 28
                                    

"K-Kaiser...." Bahagyang natauhan ito at tiningnan niya ako. I can see in his blue eyes, that he is hurt or something. 'Why?'

"So-sorry, mukhang naka-abala ako sa inyo. Bye" And with tumalikod na ito at umalis.

Habang ako, hindi makagalaw, ina-absorb ang kanyang sinabi.
"Wala ka bang balak habulin yun? Namis-interpret niya"

"Wh-What?"

"Our looks, you know" Iniwan ako ni Clynn sa pinto, at ako tiningnan ang itsura ko.

'Fuck!' Isang maluwag na t-shirt at maikling cotton short, si Clynn, boxer short lang. 'No! Wala kaming ginawa!' Hindi ko alam kung bakit ako lumabas, pero natagpuan ko ang sarili kong tumatakbo habang hinahanap si Kaiser. Nadatnan ko ito sa tapat ng condominium.

"Kaiser!" Tawag ko dito. Hindi ito lumingon.

"Kai!" Tawag ko ulit this time, lumingon na ito, nakasakay na sa kanyang motor habang inaayos ang kanyang helmet.

Kunot-noong napatingin ito sa akin. 'Ba't ang gwapo ng lalaking to?!'

Hinihingal akong humarap dito.
"What are you doing here?"

"Duh! Hinahabol ka, diba obvious?" Napataray ako ng wala sa oras. Lalong napa-kunot ang noo nito.

"At ganyan ang suot mo?" Kung pwede lang sana masaksak ng mga katana, kung meron man saksakin niyo na ako. Napa-iwas ako ng tingin, alam king namumula na ako.

Hinubad niya ang kanyang jacket at ipinatong niya sa akin.
"Pumasok ka na sa unit mo, naghihintay siguro si Clynn sayo" Muntik ko ng makalimutan ang pakay ko kung bakit ko ito hinabol.

"What you are thinking right now, its not- I mean you are wrong! Wala kaming-"

"What are you talking about?"

"K-kasi-" Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at bakit kailangan ko pang mag-explain. Pero sabi ng puso ko, I need to.

"Sige na, pasok ka na pinagtitinginan ka na ng mga lalake dito"
Inilibot ko naman ang paningin ko. 'He's right'

"Wanna come?" Yaya ko dito. Diba nga, pumunta siya sa unit ko, pero hindi ko naman alam ang dahilan. Nandito lang rin naman siya, niyaya ko na.

Nagdadalawang-isip siyang nakatingin sa akin. Hinawakan ko ang kamay niya at inakay patungong unit ko.

Nadatnan ko si Clynn na nag-aayos ng kakainin namin at sakto talagang tatlo ang inihanda nito. 'Hindi ko parin nakakalimutan ang nangyari kagabi. Tss!'

"Dude, buti naman at bumalik ka" Turan agad ni Clynn. Hindi naman naka-imik si Kaiser, hinila ko lang naman ito.

"At ikaw naman Keila, wag kang lalabas ng ganyan ang sout mo" Habang tinuturo niya ang suot ko.

DEATH: The Bloody QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon