16. Keila. (Edited)

9.9K 300 2
                                    

'Mukhang mapapalaban ako nito ngayon'

Agad na sumugod sa akin ang babaeng makintab ang buhok at inambahan ako ng suntok sa mukha pero agad ko itong nahawakan.

"Get off!" Sigaw nito sa akin.

Nakaramdam naman ako ng kamaong paparating galing sa likuran ko. Yumuko ako at ang natamaan ng suntok ay ang babaeng hawak ko sa kamay.

"Oh my gosh! Grace!" Sigaw ng kaibigan niyang nakasuntok sa kanya.

"Ouch! What the fuck, Tine!" Impit na singhal na tinawag niyang Grace.

"She make ilag kasi!" Conyong pagpapaliwanag sa tinawag niyang Tine. 'Stupid'

"The two of you, make tulong naman!" Sigaw ng conyong babae sa dalawa pang natitirang kasamahan.

Sumugod naman sa akin yung babaeng may puting highlight sa kanyang buhok. Sisipain niya ako sa aking tagiliran, umiwas ako at hinawakan ang paang ginamit sa pagsipa niya sa akin at ibinalibag ito. Napa-daing ito sa sakit.

Tiningnan ko ang panghuling kasamahan nila. Kulot ang medyo mahaba niyang buhok. Pamilyar ang kanyang tindig. Parang nakita ko na siya. Pero hindi ko lang matandaan. Nagulat naman ako dahil bigla itong ngumisi, agad ko namang binalik ang malamig kong presensiya. Sumeryoso naman ang babae.

"Jun," Sabi ng babae. Napa-kunot naman ang noo ko.

"I'm Jun," Ulit nito. So, she's Jun? Tsk.

"Hell I care?" Malamig kong turan sa kanya. Napatawa naman ito. Tiningnan ko lang siya gamit ang malamig kong mga mata.
Tumalikod naman ito at nagsimulang maglakad tumigil naman ito pagkatapos ng ilang hakbang, habang ako naman ay nakatayo parin at pinagmamasdan siya. Lumingon ito sa akin at nagsalita.

"See you, when I see yah' Death" Pagkatapos niyang sabihin yun hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. 'Shit! Alam niya ang pagkatao ko!"

Sino ba ang babaeng yun? 'Who are you, Jun?'

****

Nakahalumbaba ako ngayon dito sa room. Hindi pa rin maalis sa isipan ko ang babaeng yun. Alam kong nakita ko na siya. But I cant remember.

"Bespren!" Napamura ako sa aking isipan ng bumungad sa akin ang boses ni Winston. Masyado na akong maraming iniisip hindi ko pala namalayan ang paglapit ng Black Royalties dito sa pwesto ko.

"What?" Malamig kong tugon kay Winston.

"Youre spacing out," Sabi ni Clynn.

"Are you okay?" May halong pag-alala sa boses ni Kaiser. Napatingin naman ako sa kanya. Only to find out mataman rin itong nakatitig sa akin. Napa-iwas naman ako ng tingin.

"May nangyari ba sayo kagabi?" Narinig ko namang tanong ni Yurii.

"Wala," Pagkatapos kung sabihin yun tumayo ako, kinuha yung bag at lumakad patungong pintuan.

"Bespren! San ka pupunta?" Narinig ko namang sigaw ni Winston. Nagtinginan naman ang mga kaklase namin. Nag-iwas naman agad sila ng tingin matapos ko silang binigyan ng masamang tingin.

"Its none of your fucking business," Magsasalita na sana ako pero, naunahan na ako ni Fynn. I just give him a cold stare.

"Fynn," Sabay na sabi naman ni Yurii at Clynn. 'Para namang hindi pa sila sanay kay Fynn,'

DEATH: The Bloody QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon