37. Black Royalties (Edited)

7.4K 239 22
                                    

Leader:

Yurii Fujiwara known as King

Members:

Kaiser Ferrer known as Spade

Clynn Teiko known as Ace

Fynn Teiko known as Diamas

Winston Flint known as Clover

Pagka-alis ng Black Royalties sa Mall ay agad silang dumeretso sa Fujiwara Empire. Pagkatapak pa lang sa empire marami ang humahawi kapag dumadaan sila, hindi dahil sa sila ay siga kundi pagbibigay galang sa isa sa heirs ng Fujiwara Clan at sa mga maimpluwensyang kalalakihan.

Ang Black Royalties ay kilala bilang kasali sa Top 5 groups sa ngalan ng Gangster and Assassins World.

Sa Crimson Academy, ang Black Royalties ang kinikilalang taga-bantay ng tinatawag nilang Master's Laboratory. Hindi sa naging gwardiya sila kundi, may malaki silang papel dito.

Naglalakad sila patungong conference room. Pagkarating nila doon, nadatnan nilang sila na lang ang hinihintay. Isa-isa silang umupo at pumwesto mahabang mesa, kasama ang limang officials sa ibat-ibang clans na sakop ng mga Fujiwara. Ito ay ang mga taga Shishin Clan, Takihashi Clan, Suzuki Clan, Minutso Clan at ang Ferrer Clan.

May lalaki ring nakatayo habang may hawak na folder sa kamay, lumingon ito, at nang makita nitong kompleto na ay agad itong umupo at tinitigan ang mga panauhin.

"I guess, some of you, already know the reason why we are here" Panimula nito at nilibot ang tingin sa mga kasamahan nito.

"Alam niyo naman na nilooban ang Shishin Empire, at ang pakay nito ay ang Golden Crest. He's a she. Nakita ko sa mga cctv kung paano niya nilagpasan at pinatay ang mga bantay sa Shishin Empire"

Habang nakikinig si Clynn or tatawagin nating Ace, ang kaninang naka-buka niyang palad ay napalitan ng pagkuyom, may ideyang pumasok sa kanyang utak kung sino ang tinutukoy nito.

"Babae ang nagtangkang kumuha nito?" Tanong ni Kaiser or Spade. Tumango naman ang lalaking nasa gitna
"Paano mo nalaman na babae?" Segunda agad nito.

"Because of her long hair" Sagot nito. Tumahimik naman ang lahat.

"Thats our problem,"

"What do you mean?" Segunda naman ni Yurii o King.

"Nakuha na nila ang Golden Crest"

Nang marinig nilang lahat ang sinabi ng lalaki ay walang kusang nagsalita, napakatahimik. Hanggang sa nagsalita ang isang official na galing sa Minutso Clan.

"Paano nangyari yun? Mga magagaling na tao ang nagbabantay-"

"Pwera na lang kung may traydor sa Fujiwara Clan"

Natahimik ang nagsalita galing Minutso nang putulin ito ng sa Ferrer Clan. Lahat sila ay nakatingin lamang sa kanya na parang sumasang-ayon ito.

DEATH: The Bloody QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon