45. Keila (Edited)

6.8K 206 7
                                    

"Mama"

"Baby Miyu, my angel" May nakita akong luhang tumulo sa dalawa niyang mga mata. Hindi ko na rin napigilang hindi umiyak, tumulo ang luha ko.

Ang mukha nito napaka-amo pa rin, parehong mukha nung nasa litrato. Dahang-dahan tumayo ito at lumapit sa akin, hindi pa rin ako natinag. Nakatayo at nakatingin lang sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksiyon ko, sasaya ba dahil sa wakas nakita ko na ang Mama ko? Na dahil yung dalawang lalakeng kasama ko sa litrato ay sina Yurii at Yukii, na sila pala ang kapatid ko? O magagalit dahil pagkakita ko sa kanya bumalik na naman yung araw na sinabi sa akin ni Mommy na binigay ako ng tunay kong magulang?

Hindi ko namalayan na nakalapit na pala ito sa akin, at hinawakan ang mukha ko. Napapikit ako dahil minsan ko na ring naisip na ano kaya ang pakiramdam tuwing hahaplusin ka ng iyong ina? Inaamin kong masarap, napakagaan sa pakiramdam.

Bigla na lamang sumagi sa akin ang sinabi ni Mommy sa akin. Binigay nila ako kina Mommy dahil daw sa utang. Ako ang nagsilbing kabayaran. Kaya nagawa ko itong natulak.
Nakasalampak na ito sa lupa.

Mayaman sila! Pero bakit nila akong hinawang kabayaran...

"Baby Miyu...." Umiiyak nitong sambit sa akin. Ang mga mata niyang sabik na mahawakan ako. Huminga ako ng malalim.

"I am not Miyu," Malamig kong sabi sa kanya. Umiling-iling ito at tumayo ulit. Hahawakan na niya sana ako, pero tinabig ko lang ang mga kamay nito.

"No, you're my daughter, my angel, my baby Miyu" Umiiyak nitong sabi sa akin.

"I am not your daughter, I'm not an angel, I am not your baby, I am Keila Maxene" Nasasaktan ang mga mata nitong nakatitig sa akin. I am being rude. Yes  I admit it. Pero masisisi niyo ba ako? Mas nangingibabaw ang galit ko kaysa pagmamahal, sa pagkaawa.

Tinalikuran ko na ito at nagsimulang lumakad. Narinig ko pa itong tinawag niya ako. Hindi ko na siya pinansin. Hanggang sa narinig kong may naging kasama na ito. Maybe, katulong nito.

"Ma'am Selene, ano pong nangyari sa inyo? Bakit po kayo umiiyak?"

"I saw her" Yun lang ang narinig ko.

Napadpad ako sa dalampasigan. Tama nga ako at napaka-puti at napaka-pino ng mga buhangin. Maaamoy mo ang dagat, the see breeze will make you calm. Pero ako, kahit anong gagawin ko, parang hindi ako makakalma. I felt guilty. I want to say sorry to her. But I can't.

Umupo ako sa ilalim ng puno. Maraming tanong ang sumagi sa isipan ko. Pero kahit anong gawing sagot ko, hindi ko pa rin ito maiiintindihan.

Ilang minuto na rin akong naka-upo, yung luhang dumaloy sa mukha ko, natuyo na.

May parte sa aking nakaramdam ng konsensiya.

'Nung nakita ko siyang umiyak, parang ako yung nasaktan'

At iba pa rin pala pag nakaharap mo ang tunay mong pamilya kaysa kinalakihan mong pamilya. Napakasaya ko nung natagpuan ko si Kuya Kayne, pero nung nakita ko si Ma-

'Wait, can I call her Mama? Tinawag ko rin naman siyang Mama kanina.'

Nung nakita ko siya, parang nawala lahat, nablangko ang isipan ko. Yung mga kamay niyang hinaplos sa mukha ko, naisip ko, iba pala ang pakiramdam pag ang tunay mong pamilya ang nasa tabi mo.

Si Yurii at Yukii.

'Should I call them Kuya?'

Ano kaya ang mararamdaman nila pag nalaman nilang isang mamamatay tao ang bunsong kapatid nila? Na galing ito sa kaaway nilang Clan?

Naputol ang pag-iisip nang may naramdaman akong presensiyang papalapit. Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko. Kailan kaya ako magkaroon ng tahimik na buhay? Napatawa na lamang ako sa aking isipan.

'You are Death. Hindi magiging peaceful ang buhay mo.'

"Nandito ka lang pala," Sabi nito sa akin. Dumilat ako at tiningnan siya.

"Why are you here?"

"I was- I mean, they are looking for you" Sabi nito sa akin. Huminga muna ako ng malalim at itinuon ang pansin sa kalmadong dagat.
"Can I sit beside you?" Tanong nito sa akin. Tumango lang ako at naramdaman kong tumabi siya sa akin. Ilang minutong katahimikan ang bumalot sa amin at maya-maya narinig ko siyang nagsalita.

"You can count on me if you want to share your problem"

"Alam mo talagang problemado ang pagmumukha ko, nuh?" At tumawa. Yung may bahid ng lungkot at pait. And I know napansin niya yun.

"Sa maliit na panahong magkasama tayo, parang alam ko na yung ekspresyon sa mukha mo" Hindi ko alam kung nadulas lang ba si Kaiser o prangka lang siyang tao.

"Yeah. Coz' you're always staring at me" Tiningnan ko ito at sana hindi ko nalang ginawa. Nagtama ang mga paningin namin. Ito na naman ang puso kong mabilis tumibok pag nakikita ko siya.

'Malala na talaga to!'

Nakita kong namula ito at iniwas ang tingin sa akin. Napangiti naman ako nito.

"I can't help it, you are just too beautiful" Pinarinig lang ba niya yun o hindi sinasadya. Minsan hindi ko naiintindihan si Kaiser.
Hindi ko nalang yun pinansin.

"Ang lalim ng iniisip mo kanina, ano yun?" May chismoso pala itong si Kaiser.

"Is it hard to forgive, Kaiser?" Ito ang unang pumasok sa isip kong pwedeng itanong sa kanya. Bumuntong hininga muna ito bago sinagot ang tanong ko.

"No. Just simply accept it, but the hardest thing if you forgive that person is to forget what he or she did" Napaisip ako sa sinabi nito.

Tama siya, hindi mahirap ang magpatawad pero mahirap kalimutan ang kasalanang nagawa nito. Kung may forgive, may karugtong itong forget.

Kung mapapatawad ko si Mama, dapat bang kalimutan na rin yung nangyari? Yung ginawa niya sa akin? Its too hard to forget, kaya I cant forgive her. Now. Sorry to say this, but hindi ko pa talaga kayang magpatawad sa kanya, sa kanila.

"I get it" Lumingon ako sa kanya at saktong lumingon rin siya. Nginitian ko siya, totoong ngiti ganun rin ang ginawa niya sa akin. Sa ngayon parang nakaramdam ako ng katahimikan, and again si Kaiser na naman ang dahilan nito.

Pero agad ring nawala nang makatanggap ako ng mensahe galing kay Master J.

You need to come back here in Japan. We have something to discuss. ASAP.

-Master J

Ano at para saan na naman ba ito?

*******

DEATH: The Bloody QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon