56. Hannah Yuu

7.1K 199 38
                                    

Matapos akong maihatid ng Black Royalties dito sa Fujiwara Mansion, agad akong pumunta sa sala. Since, nakapunta na rin naman ako dito, kilala na rin ako ng mga katulong.

Alam naman nating magkaibigan sina Daddy at Tito Jeremy which is Daddy nila Yurii at Yukii, and wait, pati na rin pala si Keila na si Miyuki Selene Fujiwara pala.

Hanggang ngayon kinakabahan pa rin ako. Pagkarating ko sa room kanina at wala man lang Keila ang nadatnan ko, kaya dumeretso ako sa cafeteria para sana kumain. Pero nang makita ko ang hitsura ng cafeteria ay talagang binalot ako ng matinding kaba, dahil sa basag na salamin at nakita ko rin ang bag ni Keila sa isang mesa na katapat lang sa nabasag na salamin, kaya medyo nakutuban ako.

Ilang minuto lang din ng nakabalik ako sa room bitbit ang bag ni Keila at ang tanging maririnig mo sa room namin ay ang about sa cafeteria kung ano ba talaga ang nangyari.

Sakto rin na dumating ang Black Royalties kaya natahimik ang mgaakaklase namin. Pumasok rin sa isipan ko na baka kasama nila si Keila, pero nung nalaman kong hindi nila kasama. Ayun nga, dinala ko sila sa cafeteria at nagmatigas ako ng ulo para makasama sa Mini Forest.

At hindi ko inaasahan ang makikita doon. Though hindi yun ang unang beses kong makakita ng bankay, remember nung niligtas ako ni Keila? Yung first meeting namin? Medyo hindi ko nakayanin dahil may panang nakatarak sa noo nito. I'm thankful because Winston is there, and yinakap niya ako para hindi makita yung bangkay.

'Kinilig kaya ako!'

Naputol ang pag-iisip ko dahil may narinig akong magsalita.
"You're Hannah, right?"

Napatingin naman ako sa lalaking nagsalita at narealize kong ito pala ang kapatid ni Keila. Hindi ko matandaan ang pangalan pero tumango ako at sumagot.

"Yes po, Kuya..."

"Call me Kayne, Kuya Kayne" Pagpatuloy nito sa dapat kong sasabihin ko. Nginitian ko naman si Kuya Kayne.

Ang gwapo naman pala ni Kuya Kayne! Crush ko na ito!

"So, where's Keila?"

Nabigla naman ako sa tanong niyo sa akin. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko, teka sasabihin ko bang, nawawala? Hinahanap pa nila Yurii?

"Ah-eh, si Keila po ba? Uhmm. Ano-" Magsisinungaling ba ulit ako kagaya ng pagsisinungaling ko sa nurse sa Crimson? Naman, eh!

Naghihintay naman ng sagot si Kuya Kayne, pero agad kaming napalingon sa utaas nang may nagsalitang babae.

"Maxwell, paubos na ang gamot ni Tita Kayla, bumili ka doon. Sasamahan ka ni Silver' Isang babae na pababa sa hagdanan at may kasama itong lalake.

I guess he's Silver, naalala ko naman ang sabi ni Winston sa akin. Akala ko ba panget ito? May ibubuga naman eh. Pero mas lamang naman si Winston.

Pero bakit ko ba siya naiisip? Dapat si Keila ang iniisip ko, eh.

"Ganun ba?" Tumayo na muna ito at nagtungo sa babaenh nagsalita at may kinuha.

"Uyy, may chiks ka pala diyan, Kuya Kayne! Pakilala mo naman!" Sigaw nung Silver. Napayuko naman ako ng makitang kinindatan ako nito.

Napa-aray naman ito ng binatukan siya ng babae. Pasensiya naman at nakalimutan ko ang pangalan, ikalawang beses pa lang naman kami nagkita.

"Flirt with her, Keila will kill you." Atsaka tuluyan ng nakababa sa hagdanan at nagtungo sa direksiyon ko.

"Sige na, tara na Silv! Jun, ikaw na muna ang bahala kay Hannah" Sabi niya dito at tiningnan naman niya ako pagkatapos niyang tingnan si Jun. Base na rin sa pagkarinig ko.

DEATH: The Bloody QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon