30. Fynn Teiko (Edited)

7.2K 242 10
                                    

Nakahiga ako ngayon sa lupa, iniinda ang mga sipa na binibitawan nila sa akin. Kahit masakit kailangan kong maging malakas. Ako ang lalake, at dapat protektahan ko sila Hannah, kahit ayaw ko kay Keila may natitirang kabutihan pa rin naman ako. At inaamin ko, hindi ako ganun kalakas kapag hindi ko kasama ang buong Black Royalties at isa pa may mga hawak silang tubo kaya hindi malayong magugulpi nila ako.

"De-demonyo! Demonyo!"

Kahit mahirap man idilat ang mga mata, nagawa ko parin. Namamaga ang mga matang tiningnan ko ito. It was blurry kaya iniling ko muna ang ulo ko. Unti-unti kong naaninag ang paligid. 'Sh-shit!' Kahit maga ang mga mata, nagawa ko pa ring ipalaki amg mga mata ko.

"K-Ke-Keila!" Hirap kong sambit sa pangalan nito. 'Hi-hindi yan totoo!' May hawak itong ulo at sa unahan naman niya ay kay katawang wala mg ulo. Tumutulo pa ang dugo nito. 'She's a demon!'

I can't believe this shit happened! I know that Keila is a cold hearted woman, pero unti-unti kong napapansin na gumagaan ang kanyang emosyon kapag nakakasama niya ang buong Black Royalties at si Hannah.

Speaking of Hannah, she's looking at Keila. She's pale as a vampire! Parang nakakita ito ng demonyo. 'Hindi parang! She's now looking at a girl with a devilish smile!'

May sinabi ito pero hindi ko man lang narinig, parang nabingi ako dahil sa hampas na nagawa sa akin. Nakita ko na lang na papasugod na ang mga lalaking nambugbog sa akin patungo kay Keila. Nanatiling nasa pwesto lang si Keila habang hawak pa rin ang ulo. Gusto ko sanang puntahan si Hannah pero hindi ko na kaya pang tumayo.

Akmang susuntukin na sana ito ng isang lalaki, but Keila just tilt her head in the left side. Unang pagkakita mo palang Kay Keila halatang hindi ito ordinaryong babae lang. Nailagan niya ang tatlong dart na inihagis ko sa kanya. Alam kong si Keila rin ang naghagis ng dart kay Winston, ewan ko lang sa leader ng Death Gang kung sino ang pumatay, pero malakas ang kutob kung si Keila iyon, nung una hindi ko yun naisip, pero sa nakikita ko ngayon posibleng siya ang may gawa. Itinuon ko ang pansin ko kay Keila. Pinapalibutan siya ng mga lalake kasama na ang kanilang boss may mga dala silang tubo. 'Hindi talaga mawawalan ng cheater'

Pero si Keila nanatili pa ring nakatayo. Maya-maya ibinaling niya ang kanyang pansin kay Hannah na tulala, narinig ko na lang siyang sumigaw.

"Get your fucking ass up now Hannah!"

Dali-dali namang napatayo si Hannah at tumakbo patungo sa knaroroonan ko.

"F-Fynn..." Naiiyak niyang tawag sa pangalan ko.

"I-I'm o-okay" Nauutal kong tugon sa kanya kahit na masakit na ang katawan ko, hinawakan niya ang ulo ko at inilagay sa kanyang binti. Kinuha niya ang kanyang panyo at pinunasan niya ang mga dugong nagkalat sa mukha ko.

"S-stop crying, hi-hindi pa a-ako mamamatay" Umubo naman ako na may kasamang dugo.

"Wag ka ng magsalita diyan! Magpahinga ka basta wag kang matutulog! Keila can handle them,"

Speaking of Keila, binaling ko ulit ang paningin ko sa kanya. 'Shit! A-ang brutal ng ginawa niya!'

Ang boss na lang ang naiwan mababakas sa mukha nito ang takot.

"Si-sino ka?!" Sigaw ng boss kay Keila habang naglalakad paabante si Keila at paatras naman ang boss.

"Nah, your worst nightmare" At ngumisi ng malademonyo si Keila.

"Yo-oure a demon! Demonyo ka! A-anong ginawa mo sa kanila?!" Galit at may halong takot sa boses ng boss. Tiningnan ko ulit ang sinapit ng mga kasamahan nito.

May naputulan ng kamay, paa at higit sa lahat may nagkalat ng mga ulo. At ngayon ko lang napansin na may hawak na katana si Keila. 'Sa-saan naman nanggaling ang katana?!'

Ibang Keila na ang nakikita namin ngayon. She's a devil! Hindi ko akalain na pumapatay si Keila. Mas masahol pa siya sa demonyo.

Nababahiran ang kanyang mukha ng mga talsik ng dugo. Mga kamay niyang puro dugo ng kanyang kalaban, wala man lang galos itong natamo.

"Sh-she's not Keila! Nakita ko na siyang pumatay noon pero hindi ganito!" Nagtataka akong napatingin kay Hannah. 'A-anong ibig niyang sabihin?'

Nararamdaman kong nahihirapan na akong huminga. Tig-dadalawa na ang tingin ko sa paligid.

"Fynn!" Ginagalaw ni Hannah ang katawan ko, pero hindi ko na talaga kaya. Unti-unti akong pumupikit. Hindi ko na talaga kaya. I give a last glance to Keila.

Sinasakal na niya ang boss habang nagpupumiglas sa pagkahawak ni Keila. Biglang nabitawan ni Keila ang boss sa pagkakasakal nito, at biglang may binunot ito sa bandang tagiliran. Isang pana, inilibot niya ang kanyang paningin na may hinahanap.

Pinilig ko ang ulo ko dahil kumirot na naman ito.

"Ke-Keila!"

"Keila!"

Pinilit ko pa ring idilat ang mata ko, nakita ko na lang na natumba si Keila sa lupa. Dahang-dahang inilagay ni Hannah ang ulo ko sa lupa at tinakbo nito ang karoroonan ni Keila.

I can't take this anymore.

'Dito na siguro ako mamamatay'

DEATH: The Bloody QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon