36. Keila (Edited)

7.8K 249 27
                                    

"Leyson?" Takang tanong ko sa kanya pagkakita kong umupo ito sa kaharapang silya sa table ko.
Seryoso at malamig ang mga matang nakatingin ito sa akin.

"Who are you?" Malamig nitong tanong sa akin.

Tinaasan ko lang ito ng aking kanang kilay.
"Seriously? Pinuntahan mo ako para tanungin kung sino ako?"

"Just answer me," 'Aba! Kung maka-utos ang lalakeng ito!'

"What if I don't?"

Mabuti na lang talaga wala pang mga estudyante dahil maaga pa naman.

"You sneak out in the Master's Laboratory"

Pagkarinig ko sa sinabi nito, ang kaninang nang-iinis kong aura ay napalitan ng panlalamig. And now we are coldly staring each other.

"Nakita mo pala," Hindi ko man lang naramdaman ang presensiya niya kahapon. 'I think he's not ordinary gangster. Ni wala ngang nakalagay sa info nito kung sino ang nagpapasok sa kanya'

Tiningnan niya lang ako ng masama, pero hindi naman ako natinag.
"Just call me Keila, Leyson Grey"

Bahagyang nagulat pa ito ng banggitin ko ang pangalan nito.
Aalis na sana ito pero pinigilan ko muna.

"Wait Grey, lets have a deal"

Nakakunot-noong napatingin sa akin. Balak pa niyang umalis na, nang nagsalita naman ako.

"I know who you are-"

"Kakasabi mo palang kanina"

'Owh? Pilosopo pala ang taong toh!'

"I mean a lot"

Pagkasabi ko nun, mabilis pa sa alas-kwatrong nakarating sa akin, kukwelyuhan na sana niya ako ngunit bago pa ito makahawak sa akin tumilapon ito dahil sa isang malakas na suntok. Gulat akong napatingin sa may gawa ng suntok.

And there he is, standing in front me, he's staring his blue eyes at me. Iniwas nito ang tingin sa akin at binaling kay Leyson na nakatayo na at hawak ang panga nitong nasuntok.

"Don't you dare to hurt her again, Grey. Or else-"

"Hell I fucking care," Tiningnan niya ng malamig si Kaiser at pagkatapos ay sinamaan niya ako ng tingin bago umalis.

"Kaiser-"

"Ba't ang tagal niyo? Lets go,"
'Bakit ba mahilig pumutol ng sasabihin ang mga tao ngayon?'

Napatingin ako sa taong kakarating lang. Si Yurii pala.
Magsasalita na sana ako pero nagulat ako ng nauna ng umalis si Kaiser.

'Anong nangyari dun?'

"What's wrong with Kaiser?" Nagtatakang tanong ni Yurii habang pinasadahan ng tingin ang likod ni Kaiser na palabas ng cafeteria.

"I dunno,"

DEATH: The Bloody QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon