53. Hannah & Keila

7.3K 218 19
                                    

Nandito kami ngayon sa clinic at binabantayan namin si Keila. Talagang nagulat kami kanina pagkarating namin sa room at nakita naming nakasubsob si Keila sa upuan niya.

I am so happy-wait, we are so happy dahil sa wakas nagpakita na siya sa amin, huli ko itong nakita ay yung nasa resort kami nina Yurii. And now, she's here, mababakas sa mukha ni Yurii ang saya pagkakita niya kay Keila, sa kanyang kapatid. Though, I dont know the whole story kung bakit halos isang linggo hindi nagpaparamdam si Keila sa amin.

Kaya dahil sa excited kong mayakap ulit at masilayan ang napakagandang mukha ni Keila, napatili ako at tinawag ang pangalan nito. Pero agad ding nawala ang masayahing mukha ko nang mag-angat ito ng tingin.

Nakita namin kung paano ito natumba sa kanyang upuan, at sa isang iglap bitbit na siya ni Kaiser, at nagmamadaling magtungo dito sa clinic.

Pinagmamasdan ko ang mukha nitong napakaamo, kapag natutulog. Alam kong sanay na si Keila na makaramdam ng mga sakit dahil sa mga sugat, pero hindi pa rin maiwasan na hindi nasasaktan pag nakikita kong may sugat ito. Tulad ngayon, may mga pasa ito sa mukha na halatang bago lang at may sugat rin ito sa kanyang balikat na siyang dahilan kung bakit, medyo maputla si Keila ngayon. Sabi ng nurse maraming dugo ang nawala sa kanya. But because of Yurii, nasalinan agad siya ng dugo.

At alam kong iisa lang ang namuong tanong sa utak namin.
'Saan nakuha nu Keila ang mga sugat na natamo nito?'

Nais sana ni Yurii na sa hospital dalhin si Keila, ngunit nagsalita si Clynn na mas nakakabuti daw kong dito na lang sa clinic and also hindi rin naman daw seryoso ang naging sugat nito and also kaya naman daw ng nurse.

Hanggang ngayon nakatitig pa rin si Yurii kay Keila habang hinahawakan ang parte ng kanyang braso na tinurukan ng needle para makapagsalin siya ng dugo at mababakas sa mga mata nito ang pag-aalala at takot. Takot na baka mawala ulit si Keila, si Miyuki na kanilang nakakabatang kapatid.

"Saan ka pupunta, Kai?" Tanong ni Clynn sa biglang tumayo na si Kaiser na bakas pa rin dito ang pag-aalala towards Keila. Alam ko naman ang nararamdaman ni Kaiser, na mahal nito sa Keila. At masasabi kong, ako ang number one fan nila!

"May kukunin lang," Pagkatapos niyang sabihin yun, umalis na ito. At nakakabinging katahimikan na naman ang bumalot sa silid na ito.

Ilang minuto na ang lumipas simula nung umalis si Kaiser kaya naisipan kong basagin ang katahimikan.
"Magiging okay lang naman si Keila, right?"

"Yup. Maliit lang yan kumpara sa mga sugat na natatamo niya dati," Sagot naman ni Clynn. Hindi naman ang sugat niya ang tinutukoy ko, ang pagiging Fujiwara nito. Nakwento kasi sa akin ni Daddy na hindi pa rin daw natatanggap ni Keila ang lahat.

Napatango na lang ako. Nakita ko rin kung paano kumuyom ang dalawang palad ni Yurii. Bakit naman kaya?

Maya-maya biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Kaiser na may dalang mga damit.
"Aanhin mo yan?" Takang tanong ni Winston.

"Kakainin ni Kaiser," Mahinang sambit ko dito, at naramdaman ko namang may nakatingin sa akin. Pagtingin ko nakatingin silang lahat sa akin.

"Bakit?"

"Nambabara ka ba Hannah?" Taas kilay na tanong sa akin ni Winston, inirapan ko lang ito at hindi na pinansin.

"Siguraduhin mo namang hindi ko maririnig!" Hindi ko na lang ito pinansin. Pasalamat ka at maha- crush kita!

'Crush lang, ha?!'

Nakita ko namang inihagis ni Kaiser ang dala nitong damit sa akin at sinalo ko naman ito.
"Bihisan mo si Keila," Sabi sa akin ni Kaiser.

DEATH: The Bloody QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon