52. Keila (Edited)

6.9K 230 33
                                    

Isang linggo na ang lumipas simula nung nasa bahay kami nina Kuya Kayne. Sa loob ng isang linggo, maraming nangyari. Tulad ng pag-kakasangkot ng mga ibat-ibang away, bilang isang Death na mahilig sa gulo at pagpatay, bumalik na nga ako bilang isang Death.

Hindi rin ako nagpapakita sa kanila o nagpaparamdam. Mas nakakabuti siguro yun.

I am riding my motorbike heading to Hayashi Empire na nandito lang sa Pilipinas.

I wanted to quit but I cant. Siguro titiisin ko muna si Master J, pero kung gagawin niya ulit ang ginawa niya sa pamilya ko, sisiguraduhin kong ako ang papatay sa kanya.

Nang maipark ko ang motorbike ko, agad akong pumasok sa mansyon. Para lang din akong nasa Japan dahil parehas lang sila ng style sa mansyon na nandoon sa Japan.

Agad akong dumeretso sa second floor kung saan ang office nito at nadatnan ko yung lalakeng kasama namin sa party. Sino ba tong lalakeng ito at bakit kasama siya ni Master J?!

Malamig  ang tinging ipinukol niya sa akin, ganun din ang ginawa ko. Kaya tumalikod na ako at aakmang bubuksan ang pinto para umalis sa lugar na ito. Wala rin naman si Master J dito at itong lalake lang ang nandito.

"Bakit mo pa sila kailangang iligtas hindi mo naman sila totoong pamilya?" Biglang sabi nito sa akin.

Galit akong napalingon dito. He's wearing a black half mask kaya nakikita ko kung paano ito ngumisi.

'Alam niya ang nangyari sa pamilya ko?'

I composed myself first before talking to him.
"Its none of your fucking business," Malamig kong tugon dito.

Nagulat nalang ako nang bigla itong tumawa. 'Bloody hell?!'
"I'm sorry but, you're my business, Death"

"What the bloody hell are you saying?" Pero hindi niya ako pinansin bagkos ay nagsalita ito na siyang ikinagalit ko.

"Alam mo bang gusto ka naming patayin?" At ngumisi ito.

Hindi na nakapagtataka na maraming taong gustong patayin si Death. Pero ano naman kaya ang ibig nitong sabihin?

Nanatili lang akong nakatingin sa kanya. I want to punch him right here, right now. Isang salita mula sa kanyang bibig, hindi na ako magdadalawang isip na sugurin ito.

"But we can't kill you right now dahil may kailangan pa kami-" Hindi na niya naituloy ang kanyang sasabihin nang sinuntok ko ito at hinawakan ang kwelyo ng kanyang damit.

"Fuck you to hell! Sabihin mo sa akin ang mga nalaman mo! Or else-"

"Or else, what Death? Papatayin mo ako? I'm sorry but I wont let you," Pagkatapos niyang sabihin yun, bigla na lang akong napalipad sa pader dahil sa lakas ng kanyang pagkatulak sa akin.

"Shit!" Mura ko dito dahil sa matinding sakit na naramdaman ko sa aking likuran.

'Bloody hell! Ang sakit nun!'

"Ang dali mo palang talunin!" Sabi nito sa akin habang nakapameywang. Napatiim-bagang naman ako. Tumayo naman ako at agad na dinukot ang tatlong daggers sa bulsa ng jacket ko at hinagas sa direksiyon
ng lalake.

Nasalo naman niya ang dalawa pero ang isang dagger ay hindi, kaya nasugatan ang kanang pisngi nito.

'Sayang naman at hindi sa maskara niya ito natamaan!'

Pinahiran naman niya ito at galit na napatingin sa akin at agad itong sumugod. Sinuntok niya ako sa aking mukha ngunit nailagan ko naman ito, ilang ulit pa itong nagpakawala ng suntok na naiilagan ko naman.

DEATH: The Bloody QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon