3. Keila. (Edited)

14.4K 387 3
                                    

Nagulat talaga ako sa sinabi niya sa akin. Kung nakita lang niya ang naging reaksiyon ko, alam kong matatawa siya, pero nakamaskara kami pareho.

Nasa loob na ako ng eroplano, at pumikit na lamang. Hindi na ako naka-maskara, pag-kaalis ko sa mansyon tinanggal ko na ito.

Hindi ko alam kong gaano na ako katagal naka-pikit. Hindi ako makatulog. Siguro sa excited na makarating sa Pilipinas.

Makikita ko kaya uli siya? We haven't communicate yet. I miss him so much. I miss them too. Pagkadating ko talaga dun sa Pilipinas sila ang una kong pupuntahan.

Napukaw nila ang atensyon pagkatapos nilang i-announce na maglaland na kami sa NAIA Airport. Pagkalapag agad ng eroplano naghanda naman ang mga pasahero upang bumaba pati na rin ako.

Pagkababa ko agad kong nadama ang mainit na sinag ng araw at malakas na hampas ng hangin sa aking mukha. Buti nalang naka shades ako at hindi ako mapupuwing. I took a glanced of my watch and its already 8:45 in the morning. Nagugutom na rin ako.

I sighed bago lumakad papasok sa airport. Meron na man sigurong makaka-inan dito.
Nagpalinga-linga ako at agad pumunta sa nakita kong kainan. Agad akong pumwesto sa table at nag-order.

Pagkalapag ng pag-kaing inorder ko agad ko na itong nilantakan. Marami-rami rin ang inorder ko at naubos ko naman lahat. Sa gutom ako at masarap amg pagkain nila dito! And its been a long years nung huli akong kumain ng putaheng pinoy.

Pagkatapos kung kumain, umalis na ako at dumeretso sa sakayan. Pumara ako ng taxi at sinabihan ko siya na ihatid niya ako sa isang condominium. Commute na muna ako ngayon, nasa Japan ang mga kotse at motor ko, pari na rin ang mga weapons ko. Though may dala ako, gamit rin ang connections nakapasok ako sa airport. Ilang araw pa bago maihatid ang sasakyan ko.

"Nandito na po tayo Ma'am" Sabi ng taxi driver. Binayaran ko na ito at bumaba. Tiningnan ko ang building na tutuluyan ko pansamantala. Star Condominium. Okay na to, pansamantala lang naman to.

Pumasok na ako at nag check-in, pinuntahan ko na ang kwarto ko at nagbihis agad. Pupunta pa ako sa sementeryo. Lumabas na ako at agad ulit pumara ng taxi papuntang sementeryo. Pagkatapos akong maihatid, bumili na rin ako ng bulaklak at kandila.

Nasa harap na ako ng kanilang puntod. Inilagay ko na ang mga bulaklak at sinindihan na rin ajg mga kandila.

Twelve years had passed. The memories are still fresh. Kung paano sila walang awang pinatay at binawian ng buhay.

***

(Twelve years ago, Philippines)

"Mommy, where are we going?" Sabi ng batang si Keila. Hawak niya sa magkabilang kamay ang kanyang mga tinuturing na magulang.

"Punta tayo sa park, diba yan yung gusto mong mangyayari, sweety?" Sabi ng kanyang ina. Nanlalaki naman ang mga mata ng batang si Keila. Matagal na niyang hinihiling na mamasyal sila sa park at dapat kasama ang kanyang ama at ina pati na rin ang kanyang itinuturing na kapatid, pero sa kasamaang-palad nasa States ito kasama ang kanyang Lola.

DEATH: The Bloody QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon