62. Keila

2.8K 55 3
                                    

"Hindi niyo man lang sinabi sa akin ang totoo!" Hinampas nito ang mesang nasa harap habang ang mga Black Royalty nakatungo lang, pati na rin si Yukii. Tinitigan ko ito, bakas parin ang pasa sa mukha at may bandage na nakapalibot sa kamay nito. Nakonsensiya ako.

"Kung hindi ko kayo narinig, hindi ko pa malalaman ang mga nangyayari!"

"Now tell me, where is my daughter?!" Galit ito. Napatigas ako sa kinatatayuan ko. Alam na niya. Alam na niya na nandito ako. Kaya ko bang makita ito? Anong sasabihin ko?

"She's in here room," Sagot ni Kaiser.

"No, she's here" Nagulat ako nang naramdaman pala ni Yukii na nandito ko. Na nakikinig sa pag-uusap nila.

"Pumasok ka na, Miyu." Si Yukii. Kinakabahan na ako. Anong gagawin ko? Magpapakita ba a- Clynn pulled me papasok ng silid.

"Fuck!" Singhal ko dito pero huli na, nasa harapan ko si Jeremy Fujiwara ang totoo kong Ama. Naninagas akong napatingin sa kanya.

Mataman niya akong tiningnan, hindi ko mabasa ang isip nito. Mga matang nagtutubig dahil sa namuong luha. Nagdadalawang iisip kung lalapitan ako. Habang ako nakatayo lang, kinakabahan sa kung ano ang susunod na nangyayari. Nakamasid lang sa amin ang iba.

Hanggang sa lumapit ito sa akin at niyakap mg mahigpit. Pumikit ako pinipigalan ang luha. Gusto kong magtanong kung bakit nila ginawa sa akin yun. Kung bakit ako binigay o ginawang pambayad. Hindi ko alam kung ano talaga ang totoo. Gusto kong malaman pero walang boses ang lumalabas sa bibig ko.

"Miyu, my Darling." Sabi nito. Naramdaman kong nabsa ang balikat ko. Umiiyak ito.

"Thanks God, you already here"
Gusto ko itong yakapin pabalik para na akong estatwa ngayon hindi makakilos dahil na rin sa mahigpit na yakap. Humiwalay ito at hinawakan ang magkabila kong braso,  kita ko pa ang mga luhang lumandas sa pisngi nito.  Mataman ko lang itong tiningnan.

"I cant believe it, anak" Inuwestra niya akong maupo. Pinunasan niya muna ang kanyang mukha bago tumingin pabalik sa akin.  Nakita ko namang lumabas ang Black Royalties at si Yukii lang ang naiwan.

"H-how are you?"

"Im fine," Iniwas ko ang paningin ko sa kanya.  May pumasok, si Yurii may dala itong bottled water at binigay sa kanyang ama.  Hindi ito pinansin at nakatanaw lang sa akin. Nakangiti lang itong nakatanaw sa akin habang nagsasalita.

"Alam mo Miyu, hindi ako makapaniwala, when your Mom told me na nakita ka niya sa resort, she's so very happy. After a long years, nakita ko siyang ngumiti. If your Mom knows this, Im sure iiyak na naman yun,  what about... We will surprise your Mo-" Nawala ang mga ngiti nito pagkatapos ko itong pigilan sa mga sinasabi.

"Why? Bakit niyo nagawa sa akin ang nangyari ilang taon na ang nakalipas? Bakit.... " I cant take it anymore. Parang kinalimutan na nila ang kasalanan sa akin. Oo, masaya ito dahil nakita na nila ako, paano naman ako? I need exolanation kung bakit nila nagawa sa akin yun.

"Miyu.... " Tanging nasabi lang nito. Tahimik lang ang dalawa ko pang kapatid.

"Bakit niyo nagawa sa akin yun?! Anak niyo ako! Sarili niyong anak?!" Hindi ko na napigilan ang emosyon ko. Sunod-sunod ang mga luhang lumandas sa aking pisngi, nanginginig ang mga tuhod ko, tuluyan na akong napasalampak sa sahig nang hindi ko na makayanan pa.

DEATH: The Bloody QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon