43. Keila (Edited)

8.1K 232 13
                                    

Nagising ako dahil sa ingay na nagmumula sa labas ng kwarto ko. Pumunta ako sa banyo para mag-ayos. Natigilan naman ako nang may naalala.

'Paano ako nakarating dito sa kwarto?'

Last time I remembered nakatulog ako sa balikat ni Kai-'Wait! Did he carry me? Oh shit!'

Pinilig ko ang ulo ko. Naiimagine ko lang, alam kong namumula na ako. 'Malala na ito,' Hindi na lang muna ako papasok sa school. May mga gagawin pa ako.

Pagbaba ko nagulat ako sa nadatnan ko sa sala. May mga bag akong nakita na nakalatag sa sahig.

"Aabsent ulit tayo?" Narinig kong tanong ni Hannah.

"Okay lang yan, matalino naman tayo" Hirit naman nitong si Winston. May alam ba silang hindi ko alam?

"Sorry to ruin your imagination Winston, but to remind you, you failed in Mathematics" Natatawang turan ni Fynn. Parang gusto kong matawa sa sinabi ni Fynn. Naturingang successful ang pamilya pero ang anak? Kalokohan.

"Dude! Akala ko ba secret lang natin yun? Wag mong sabihin yan kina Mom and Dad!" Hindi ko alam kung natatae o ewan ang mukha ni Winston. Napa-iling na lamang ako sa mga nakikita ko. Seeing them like this? Parang masaya na ako. Parang pinapagaan nila ang loob ko kahit wala man lang silang ginagawa.

Nanatili pa rin akong nakasandal sa pader, habang tinitingnan sila. Si Hannah na may inaayos sa hawak niyang bag, si Fynn at Winston na nagkukulitan. 'Best tandem ang dalawang toh!'

"Hoy Clynn! Hindi ka pa ba tapos magluto? Gutom na si me!" Sigaw ni Winston habang nakatingin sa may kusina.

Kaya pala wala siya sa sala dahil nagluluto. Napahawak naman sa batok nito sa Winston ng paluin ito ni Fynn.

"Bumili ka kaya ng pagkain mo?! Ang takaw, takaw mo!" Singhal ni Fynn.

"Hindi na kasi ako nakapag-almusal. Sisihin niyo si Kaiser! Atat lang makapunta dito, namimiss daw nito si Keila!" Pagkarinig ko sa sinabi ni Winston, kumuha ako ng dagger sa drawer na katabi ng sinasandalan kong pader at binato sa gilid ng mukha ni Winston"-Oh shit!"

Napanganga silang lahat dahil muntikan na si Winston. Sinadya ko naman na sa gilid ng kanyang mukha para hindi masugatan ang makinis nitong pisngi. Tumarak ang dagger sa sahig.

"A-ano-pa-paano-Sino ang may gawa nun?!" Hysterical nitong sigaw habang nagpalinga-linga sa paligid. Ganun din ang ginawa ng iba pwera lang Yurii na nakatingin sa pwesto ko. Sinundan naman ito ng tingin ni Kaiser.

"My bad, nadulas sa kamay ko" Habang bumababa sa maikling hagdan dito sa unit ko. Nakita kong napailing si Kaiser, pero si Yurii seryoso pa rin ang tingin nito sa akin.

'Problema nun?'

"Na-nadulas? Muntik na yun, ah! Sa akin pa talaga?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.

DEATH: The Bloody QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon