38 Keila (Edited)

7.2K 224 13
                                    

Hanggang ngayon nasa isip ko parin ang pinag-usapan namin ng Daddy ni Hannah.

*****

"Keila, halika na, Daddy is waiting" Tawag sa akin ni Hannah. Nasa kwarto niya ako ngayon, habang naghihintay sa Daddy niya na umalis muna saglit.

Hindi ko magawang hindi iwasang maging mainis. Dahil sa paghihintay. Pero ipinagsawalang bahala ko na lamang yun. Bumaba na kami at agad na tumungo sa kanilang garden na may table na maraming pagkain. Hindi ko din maiwasang hindi kabahan, first time kong maimbeta ng isang magulang ng kaibigan ko.

Nabanggit rin ni Hannah na nasa Spain ang kanyang ina dahil sa trabaho nito.

"Hi, Dad" Hinalikan ni Hannah ang pisngi ng kanyang Daddy at agad na yinakap.

"Hello, sweety" Tugon naman ng kanyang Daddy at yinakap ito pabalik.

Iniwas ko ang tingin ko sa mag-ama, I remember them again. Naramdaman ko namang napatingin si Tito Hans sa akin.

"Keila, right?" Baling nito sa akin at tumango naman ako.

"Have a sit, darling" Sabi nito sa akin. Umupo naman kami, kaharap ko si Tito Hans at katabi ko naman si Hannah.

"Lets eat while talking, is it okay?" Tumango naman si Hannah at nagsimulang kumuha ng pagkain. Tiningnan naman ako ni Tito Hans, bahagyang tumango ako.

"Naku Keila, wag ka ng mahiya, alam kong gutom ka" Inirapan ko naman si Hannah at kumuha ng pagkain. Yeah right, I'm hungry, wala akong ganang kumain kanina, because of, you know.

"So Keila, how are you?" Tanong sa akin ni Tito Hans.

"I'm fine po, Tito Hans" Naramdaman ko namang napatingin si Hannah sa akin at nakataas ang kilay nito.

DEATH: The Bloody QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon