50. Keila (Edited)

6.8K 207 17
                                    

Habang papalabas ng Black Mansion, pinunit ko ang slit ng long gown ko at tumambad dito ang maputi kong mga binti. Naka red cycling rin naman ako. Nang makahanap ng motor, agad ko itong pinaandar gamit ang pagkokonek ng mga wires. I dont have my car or motorbike with me. Kaya pasensiya na sa nagmamay-ari nitong motor.

Pinaharurut ko ito. Wala na akong paki-alam sa speed rules na yan. All I want is, maging safe sana sila Kuya Kayne. Sisisihin ko talaga ang sarili ko kapag may mangyaring masama sa kanila.

'And I dont have an idea, kung sino ang mga armadong lalaking susugod sa bahay nila Kuya Kayne. Fuck!'

And about Silver, binabantayan niya sina Kuya Kayne. At tama talaga ang ginawa ko. Kahapong nag-uusap kami, nakaramdam ako ng kaba. Kaya naisipan kong ipadala siya dito sa Pilipinas at bantayan sila Kuya Kayne dahil sila ang unang naisip ko.

'And now totoo nga!'

Medyo malayo-layo ang lugar nila Kuya Kayne, pero minuto lang ang tinagal bago ako makarating.

Ipinark ko ang motorbike sa may dikalayuang pwesto sa bahay nila Kuya Kayne. Malalim na ang gabi kaya mahihimbing na ang tulog ng mga tao dito. Tiningnan ko ang bahay at naaninag ko sa may gilid ng bahagi ng bahay na may nag-aaway. Tatlong naka-itim na mga tao at si Silver.

Agad akong pumunta sa bahay at inakyat ang hindi gaanong kataas na pader. Pagkalapag ko sa lupa agad akong tumakbo sa kinaroroonan nila. Pero pagkarating ko doon, natalo na ni Silver ang mga armadong lalake.

"Silver!" Tawag ko dito. Lumingon ito sa akin at tumakbo palapit sa akin.

"Master buti at nandito ka na!" Hinihingal na sabi nito sa akin. Gaano ba karaming mga armadong lalake ang sumugod dito at hingal na hingal ito?

"Marami pa ba?"

"Shit!" Pagmura nito. Sinamaan ko ito ng tingin.
"May mga lalakeng nakapasok sa loob! Pero may babaeng nakikipag-away din, muntik na nga niya akong patayin!" Maybe he's referring to Jun? 'Fuck this!'

Who the hell are they? Bakit sila sumugod dito? Anong kailangan nila?!

"Tulungan mo si Jun sa loob ng bahay," Saad ko dito. Nangunot naman ang noo nito. Hindi ko nalang muna ito pinansin at pinagpatuloy ang dapat kong sasabihin. "Papasukin ko ang kwartong kinalalagyan ni Mommy"

Napalunok ito bago tumango. Tatakbo na sana ito para pumasok sa loob nang pinigilan ko muna ito.

"Spare one life. We can use him," Yun lang ang sinabi ko at pinapunta ko na ito sa loob.

Habang ako naman ay umakyat sa isang puno ng mangga na malapit lang sa kwarto ni Mommy. May bintana kasi roon, at duon ako papasok.

Pagkatapat ko, agad ko itong binasag at pumasok na sa loob.
"Shit! Sino yan?" Rinig kong sigaw pagkalapag ko sa sahig.

"Ako ito, Kuya Kayne" Sabi ko sa kanya.

Nanlalaking mga matang tiningnan niya ako.
"Ke-Keila?! A-anong ginagawa mo diyan? Hindi ka na sana pumunta pa dito!" Tarantang sigaw sa akin ni Kuya Kayne. Bakas dito sa sakanya ang pag-alala.

I can say that I'm contented of having them.

"Okay lang po kayo? Si Mommy? How is she?" Naramdaman kong kumilos ito, maya-maya bumukas ang ilaw.

"Ye-yeah, may mga-What the hell are you wearing?!" Gulat nitong turan sa akin pagkakita sa suot ko.

Hindi ko na ito pinansin at nagtungo sa kama kung saan nakahiga si Mommy.

DEATH: The Bloody QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon