10. Keila. (Edited)

10.6K 332 1
                                    

"Hulihin niyo ang babaeng yan!" Sigaw ng kanilang leader. At isa-isang sumugod ang kanyang tatlong kasamahan patungo sa akin.

Pinaghahampas ko lang ang leeg ng tatlong lalaki. I hit there nerves. Within three seconds, nakatulog na ang tatlo. 'Weakling. Tss'

"Pa-pa-paanong nangyari yun?!" Gulat na tanong ng leader.

"A-ang bilis niyang kumilos!" Sabi naman ng natitirang kasamahan niya.

"Weakling" Komento ko.

Tiningnan ko ang leader at ngumisi dahil nakita kong gulat at nakanganga kasama ang isa pa niyang natitirang kasamahan.

"Yun lang? Hindi man lang ako pinagpawisan" Nakangising sabi ko sa kanila.

"Chamba lang yun, Nerd!" Matapang na sagot ng leader.

Sinenyasan niya ang isang natirang kasamahan niya na sumugod. Napalunok naman ito bago sumugod.

Patakbong sumugod ito at aambahan niya sana ako ng suntok pero bago lumapat ang kamao sa mukha ko. Sinipa ko na ito sa dibdib dahilan ng pagsuka ng dugo at nawalan ng malay. 'Owh, napalakas!'

Galit na galit ang leader sa kanyang nasaksihan.

Tiningnan ko ang babae sa gilid, tulala lang ito. Parang ngayon pa lang ito nakakakita na merong nagbugbugan.

"Si-sino k-ka ba?" Utal na tanong niya sa akin.

"Just a nobody, I guess" Kibit-balikat kong sagot. Humakbang ako papalapit sa kanya.

"W-wag k-kang lu-lumapit!" Sabi niya sa akin habang siya ay humahakbang paatras. 'What a coward, leader!'

"D-diyan ka lang!" Patuloy pa rin ako sa paglapit. Kinakabahan na ang nakapaskil sa kanyang mukha.

"Nah, fight with me" Utos ko sa kanya. Napansin ko namang may dudukutin siya sa kanyang likuran.

"Ihahagis ko to sayo!" Sabi niya sa akin sabay pakita sa kanyang pocket knife.

"Then, hit me" Matapang na sabi ko sa kanya. Humakbang uli ako at inihagis nga niya ang pocket knife na hawak niya.

And it was a wrong move! 'Shit! May babae pala sa likuran ko!' Pag-iiwasan ko ang kutsilyo, I'm sure yung babae ang matatamaan.

Naramdaman ko nalang na may tumarak sa tagiliran ko. I feel the blood in my hand. Binunot ko ito hindi ko na ininda ang sakit at tiningnan ko ang leader gamit ang malamig kong mga mata.

"Sinabi ko naman sayo na wag lalapit" Depensa niya agad sa akin.

"So?" Malamig kong tugon sa kanya.

"You better run, now" Sabi ko sa kanya.

"H-huh?" Kinakabahang tanong niya sa akin.

"Run" Asik ko sa kanya habang nilalaro ang kutsilyong hawak ko na nabahiran na ng dugo ko.

"A-anong ga-gagawin mo?!" Takot niyang tanong sakin. Humakbang ako papalapit sa kanya habang may ngisi sa labi.

DEATH: The Bloody QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon