47. Hannah Yuu (Edited)

7.3K 230 28
                                    

Nandito ako ngayon sa loob ng kwarto ko nagpapahinga. Kakauwi ko lang galing resort nila Yurii. Imbes three days kami roon, naging two days na lang dahil sinumpong na naman soli Tita Selene, nahihirapan itong huminga. That time din ay dumating si Tito Jeremy, ang Daddy nina Yukii at Yurii. Alalang-alala pa nga ito sa kanyang asawa. Hindi ko rin makalimutan ang mga nalalaman ko.

****
"Yaya, what really happened to Mom?" Tanong ni Yukii. Kakatapos lang naming kumain at nasa sala kami ngayon. Wala pa rin sila Kaiser at Keila.

'Saan na kaya ang dalawang yun?'

"Eh, Sir Yukii nadatnan ko lang si Ma'am Selene na naka-upo sa lupa at umiiyak" Paliwanag naman ng tagabantay ni Tita Selene. Bakas ang pagtataka at pagka-awa ang nasa mukha ng kambal.

"Wala ba siyang kasama doon?" This time si Yurii na ang nagtanong. Nanatili lang kaming tahimik nina Clynn, Fynn at Winston. Pero bakas pa rin sa mukha namin ang pag-aalala. Hindi naman maiiwasan yun, isa si Tita Selene sa mga nakilala kong may mabuting kalooban, but with her condition hindi nito kayang alagaan sina Yukii at Yurii, same as Tito Jeremy minsan na lang sila magbonding mag-ama. According to my Daddy na best friend nito si Tito Jeremy, nagpakabusy ito sa trabaho. Pero hindi nawawala sa mesa nito ang litrato ng kanilang pamilya. Nadadatnan ni Daddy na palaging tinititigan ang kanilang family picture, doon daw ay kompleto sila.

"May nakita po akong babaeng papalayo, pinagmamasdan nito ni Ma'am Selene." Agad making napatingin sa nag-aalaga kay Tita Selene. Babae? May possibility nga si Keila yun! Siya lang din naman ang lumabas kanina.

DEATH: The Bloody QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon