12. Keila. (Edited)

10.5K 348 2
                                    


"Malakas ka paring kumain hanggang ngayon, Keila" Komento agad ni Clynn.

Napatingin agad ako kay Clynn. And I just shrug.
"Magkakasundo kayo ni Winston pagdating sa pagkain" Agad niya itong dinugtungan.
Nagkatinginan naman kami ni Winston at sabay na umirap.

"Siya nga pala, Keila, Clynn, panu kayo nagkakilala?" Napalingon agad kaming dalawa ni Clynn dahil sa tanong ni Kaiser. Tumingin si Clynn sa akin. I just shrug. 'Bahala siya kung ano ang sasabihhin niya, kakain muna ako'

Call me matakaw, malakas talaga akong kumain lalo na kapag sweets. Hindi naman daw tumataba sabi ni Clynn.

"Lumaki ako sa Japan, right?" Panimula ni Clynn. Nakikinig lang ako sa kanila.

"Nasa iisang bubong lang kami nakatira"

"So you mean na, magkasama na kayo since bata pa?" Tanong ni Fynn. 'Oh? Interesado rin pala siya'

"Yup" Tugon ni Clynn sa kanyang kapatid.

"Anong ginagawa mo dun sa Japan?" I think its Yurii.

"Nag-aaral" 'Yeah, right. Nag-aaral. Nag-aaral pano pumatay!'

Akala ko ba magkaibigan sila? Hindi ba nila alam na isang assassin itong si Clynn?

Tiningnan ko si Clynn. Nag-kibit-balikat lang ito.

"Diba bro, si Mr. Jacinto ang nagrecruit sayo na sumali ka sa Special Program dun sa Japan?" Tumango naman si Clynn. "So, same lang kayo ni Nerd na member rin sa SP?" Tanong ulit ni Fynn at ngumiti lang si Clynn.

'Who the bloody hell is Mr. Jacinto?' At anong sinasabi niyang recruit? 'Special Program? The hell!'

Wala bang sinasabi si Clynn about sa naranasan niya sa Japan?! 'Problema na ni Clynn yan!'

"How 'bout you, Keila?" Agad na tanong sa akin ni Kaiser.

"What about me?"

"Boring ang buhay niyan, Kaiser" Singit ni Clynn.

"Boring talaga, ganyan naman ang mga nerd diba?" Sabi ni Winston sabay tawa.

"Do you have a problem with me, lalaki?" Tanong ko sa kanya. Ano bang problema niya sa akin? And why I care? Tss.

"Wala naman" Sagot niya.

Marami pa silang pinag-usapan. Specially yung mga ka-fling daw ni Winston at ako, nakikinig lang, minsan tinatanong nila ako sinasagot ko naman. Gusto ko na sanang maunang umuwi pero hindi nila ako pinapayagan. I mean, Kaiser and Yurii, kasi daw delikado na at ihahatid nalang daw nila ako. Syempre, knowing Fynn and Winston, mag-rereact talaga ang dalawang yun, pero sa bandang huli wala na silang magawa pa. Ang init ng dugo ng dalawang yun sa akin.

DEATH: The Bloody QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon