44. Keila & Hannah Yuu (Edited)

7.1K 223 10
                                    

Akala ko ang Black Royalties, si Hannah at ako lang ang nandito sa resort. Pagkapasok namin sa loob masasabi mo talagang mayaman ang nagmamay-ari, mga palamuti na galing ibat-ibang bansa, ang kahoy na sahig na napakakintab, mga sopa, it was a two-story house at may maluwag na pool. Sa harap ng pool ay may dagat at ang buhangin ay napaka-puti at masasabi mo talagang pino ito.

"It was our family resort, minsan lang to napupuntahan namin pagmay-oras." Sabi sa amin ni Yurii. First time rin dito ng kanyang mga kasamahan.

"Do you mean we are your family now?" Tanong ko dito. Napatigil naman sila at mataman akong tignan at si Yurii parang iba ang titig nito sa akin. Seryoso itong nakatingin sa akin at sumagot.

"Yes, exactly. You are part of our family Keila" Sabi nito sa akin, parang iba ang pagkasabi nito sa akin. Si Hannah nakangiti.

'Ako lang ba ang nakapansin? Parang ako lang ang sinabihan niya.'

Napa-iwas nalang ako ng tingin at ibinaling sa ibang bagay. Dumeretso kami sa kusina, may pagkaing nakahanda kasama na yung mga niluto ni Clynn.

"Woah! Daming pagkain!" Bulyaw ni Winston at nauna ng umupo.

"Hoy Winston! Napakatakaw mo talaga! Hindi ka na nahiya!" Singhal sa kanya ni Hannah.

"Wala naman talagang hiya ang lalakeng yan, Hannah" Segunda naman ni Fynn.

"Sinabi mo pa, Fynn" Sabay tawa ni Hannah.

"Bespren, oh! Pinagtutulungan nila ako!"

Tinaasan ko ito ng kilay.
"Nasaan yung T-square ko?" Tanong ko dito.

"Sabi ko nga, walanghiya ako" Nagpout ito. Hinahanap ko lang naman ang T-square ko sa kanya, anyari Winston? Nagkibit-balikat na lang ako at lumabas dahil nakalimutan ko ang cellphone sa kotse ko.

Pabalik na sana ako sa loob ngunit napatigil ako ng may nagsalita.

"Miyuki, baby ikaw ba yan?" And there, I saw a girl sitting on her welchair. Nakatingin sa akin habang may ngiti sa labi. And alam ko kung sino ito. Ang babaeng nasa litrato, ang babaeng dahilan kung bakit ako nasa mundong ito, pero ang babaeng nagbigay rin sa akin.

"Mama"

----

Nasa harap na kami ng mesa at hinihintay si Tita Selene, pati na rin si Keila na hanggang ngayon hindi pa rin bumabalik, hinanap na ito ni Kaiser.

Kasama namin ang kambal ni Yurii na si Yukii, ang Daddy naman nila na si Tito Jeremy, on the way pa daw ito.

Nitong mga nakaraang araw alam kong napansin ni Keila na tahimik ako, ang lakas kaya makaramdam ang babaeng yun.

Well, iniisip ko yung inutos ni Daddy sa akin.

"May isang paraan para mapatunayan nating siya nga si Miyuki," Sabi sa akin ni Daddy. Naniniwala talaga siyang si Keila ay si Miyu. Ako rin naman, may pagkahawig siya kay Tito Jeremy lalong-lalo na ang kanilang mata. They have the same eyes, ang kambal, si Tito Jeremy at si Keila.

DEATH: The Bloody QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon