11. Keila. (Edited)

11.1K 346 5
                                    

I'm here at my condo. Magga-gabi na at wala man lang akong pagkain sa ref. 'Anong kakainin ko?'

Napag-isipan ko namang mag grocery sa mall. Dumeretso na ako sa banyo at naligo pagkatapos ay nagbihis.

I'm wearing a black leather dress, black leggings and a red boots. Nagdala na rin ako ng daggers at pocket gun incase lang naman.

Magcocommute lang ako dahil bukas ko pa makukuha ang mga sasakyan at big bike ko.

Nandito na ako sa tapat ng mall. Pumasok na ako at dumeretso sa grocery section. Lahat ng mga kakailanganin ko for 1 week na stock ng pagkain ay binili ko. At pagkatapos ay binayaran ko na.

Napagpasyahan ko rin na sa condo ko nalang kumain. Nakakapagod maglibot dito sa mall. Lumabas na ako sa mall at naghihintay ng masasakyan nasa semento naman ang mga pinamili ko, may apat na malalaking plastic bags.

Umatras naman ako dahil may van na nagparking sa tabi ko. Pagkabukas nito bumaba ang isang lalaki na naka checkered polo. And napagtanto na it was 'Clynn!'

"Keila!" Bati niya pagkakita niya sa akin.

"Clynn" Tawag ko rin sa kanya at tinanguan ko siya. May sumunod na bumaba sa van, and it was

"Yow ,nerd!" Bati ni Winston sa akin. Malamig lang na tingin ang ipinukol ko sa kanya. Bumaba rin si Fynn, at si Kaiser na galing sa front seat, and also Yurii na siguro siya ang nagmamaneho.

Tinanguan lang nila ako at tinanguan ko lang rin sila.

"Anong ginagawa mo dito sa mall, nerd?" Tanong sa akin ni Winston. 'Okay, nerd na ang tawag sa akin, tss'

"Pumapatay ng kamukha mo"
Straight kong sabi sa kanya.
Napatingin naman silang lahat sa akin.

"Gwapo ba o panget?" Pagsasakay ni Winston.

"Mukhang alien" Sagot ko sa kanya.

"Pffft..." Lahat sila ay nagpipigal ng tawa pwera kay Winston.

"Strike one" Sabi ni Kaiser habang naka-iling.

"Pauwi ka na ba?" Tanong sa akin ni Clynn.

"Yeah" Tumango naman ako.

"Kumain ka na?" Tanong niya ulit.

"Hindi pa"

"Good. Sama kana sa amin" Sabi niya sa akin. Tiningnan naman niya si Yurii. Tumango lang itoa

"Nah," Response ko sa kanya.

"Sama ka na" Si Kaiser. Napatingin nalang ako sa kanya. Hindi ko maipaliwanag yung sa may bandang tiyan ko. Parang may gumagalaw. 'Gutom lang siguro'

"Ilagay mo lang yang pinamili mo sa loob ng van" Sabi naman ni Yurii. Kinuha naman ni Kaiser yung mga pinamili ko at inilagay sa loob ng van.

"Ayy! Isasama natin siya?" Tanong ni Winston sa kanya. Ang tahimik naman ng kapatid ni Clynn.

DEATH: The Bloody QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon