59. Keila

2.6K 47 5
                                    

Minamasdan ko lang ang mga naglalaban. Nasa gitna si Night at may hawak na dalawang katana. Ang mga matang walang ibang makikita kundi galit at pag-aalala.

Are you going to kill your brother?!

Umalingawngaw ang boses ni Grey sa utak ko. Napakagat labi na lamang at iniling ang ulo ko. I have no choice, I love Kuya Kayne so much. He is my family. Sila nlang ni Mommy amg natitira sa akin.

How about the Fujiwara?

No! Galit ako sa kanila. Galit ako sa mga magulang ko. Dahil sa kanila nawalan ako ng karapatang mabuhay ng normal, nawalan ako mg karapatang makapiling sila. Hindi ko sila mapapatawad. Hindi.

Napahigpit ang hawak kong katana at tinanaw muli ang mga naglalaban. Kunti nalang ang natitira at si Night halatamg pagod na ito na dahil hingal. May mga sugat at pasang natamo.

Si Night lang ba ang nandito?  Ang Black Royalties?

Wala ni isang Black Royalties ang nakita ko. Posibleng si Night lang talaga ang sumugod dito. Nababaliw na ba ito? Seriously, sa Empire pa talaga ng Hayashi? Hindi ba ito natatakot?

Nang maubos ang mga kalaban nito, nakita ko itong napaluhod. Aabot din sa sangdaan ang mga nakalaban dito. Hingal ito at tumutulo ang ang mga pawis. Nakatukod ito sa hawakan ng katana hanang nakaluhod ito. Lumapit ako sa kanya habang ang katana ay nasa balikat ko.

"The one and only Night, good to see you again," Napaangat ito ng ulo at tumayo. Mahigpit nitong hinawakan ang katana at galit na nakatingin sa akin. Hindi ako nito nakilala dahil sa maskarang sout ko. He knows me as Death.

"Where.is.Miyu?!" Galit nitong sabi. Nag-aapoy ang mga mata nitong nakatingin sa akin. May sakit akong madarama dito sa puso ko, pero iniwaksi ko lang ito.

"Theres no Miyu here," Malamig kong sagot. Lalo pa itong nagalit nang ngumisi ako.

"Where the fuck is she?! Give her back to us!" Umalingawngaw ang boses nito. Tahimik at kami lang ang nasa labas ng palasyo. At alam kong nanonood si Master J.

"Hindi siya babalik sa inyo. Hinding-hindi,"

"Kukunin namin siya sa inyo. Magkamatayan man" And with that, walang atubiling sumugod ito sa akin. Nakahanda na rin ako, ipinuwesto ang katana.

Ijihampas nito ang katana sa akin, ngunit nasalag ko ito gamit ang katana ko. Dalawang katana ang hawak kaya ang isa daretso itong inihampas sa akin, pero nakalayo ako agad.

Sumugod uli ito. Hampas lang ito ng hampas ako naman salag ng salag. Hindi ako makatiyempo dahil mabilis ang mga galaw nito at magkabilaang katana ang hawak nito. Nakakita ako ng tiyempo para sipain ito. Nang masipa ko sakto naman iwinasiwas niya sa akin ang katana nito at natamaan ang paa ko. Natumba naman ito dahil sa lakas ng sipa ko sa kanya.

Napangisi ito nang makita akong napangiwi at may sugat. Tiningnan ko lang ito at ako naman ang sumugod habang nakasalampak pa ito sa lupa. Hindi ito agad naka depensa, at nagpagulong pakanan para makaiwas sa katanang tutusok sana sa kanya ngunit daplis lamang ang nakuha nito. Ako naman ngayon ang napangisi. At nakita kong galit na nakatingin sa akin at sa sugat nito. Agad akong tumalon nang sumipa ito paikot. Pagkatayo nito, nakuha nito ang isang katana at sumugod ulit sa akin. Pareha na kaming may tig-iisang katana.

Nagkakalansingan ang aming mga katana. Nagka-ekis-ekis ang mga katana namin. Wala talagang magpapatalo sa amin. Tinitingnan ko lang ito sa mata. Galit ang nakapaskil doon. Ako, walang emosyon pero sa kaloob-looban ko, gusto ko ng tumigil at hayaan itong patayin ako. Pero hindi, naghihintay si Kuya Kayne sa akin. I need to be strong and alive.

But how about Yukii? He is also your brother, Keila.

Im pre-occupied kaya napasalampak ako sa lupa pagkatapos akong nasuntok.
Damn it! Napadaing ako sa sakit. Tumulo ang dugo sa gilid ng labi ko. Pinunasan ko lang ito at tumayo. Tiningnan ko ng masama ang gumawa nito at nakitang siya naman ang ngumisi. Walang pag-aalinlangan sinugod ko ito, ako naman ngayon ang humahampas ng katana, siya naman ang nag dedepensa. Mabilos ang naging kilos ko at hindi niya ito naagapan kaya nasugatan ko ang katawan nito. Alam kong malalim ito dahil sa dugong umagos at napunit nitong damit. Napakagat lang ako sa aking labi.

Im feeling guilty!

Noong una palang yung panahon na wala pang Black Royalties o Hannah sa puso ko. Gustong-gusto ko makalaban si Night ng Fujiwara Clan. Ngayong nakalaban ko na ito at kaharap, gusto kong bawiin amg mga sinasabi ko. Hindi ko kayang pagmasdan itong nasasaktan at ang masakit, ako ang gumawa, ako na ang kapatid nilang matagal ng hinahanap. Sila na walang ibang hangad kundi ang makita at makapiling ang kanilang kapatid na si Miyu. If theres no Kuya Kayne in the hands of Hayashi, hinding-hindi ko gagawin ito. Hindi mangyayari ito. Seeing him hurt, doble ang sakit na nararamdaman ko. Because I know him but I chose to fight with him. Siya, hindi niya ako kilala. He only knows me by my codename.

"Ibigay niyo na siya sa amin," Sabi nito sa akin na agad kong ikinalingon. Ang mga mata nitong nagmamakaawa.
"Kay tagal namin siyang hinanap." Napakagat labi ako nang makita kong tumulo ang luha nito. I cant stand seeing him cry. Tumalikod ako. Hindi ko kaya, baka hindi ko mapigilan ang sarili kong lapitin ito at yakapin.

"She's already gone. Please go away," I left him without looking at him. And I know hes staring at me to death. It feels like his stares can kill me. I can feel hes really mad.

"I will come back again, at that time I will get her, even if it cost my life.-" Nangggalaiting sabi sa akin. "-and I will kill Death, I will kill you" And he walk away. While me, hinayaang tumulo ang luhang kanina ko pang pinipigilan.

Thinking about Night at Kuya Kayne. How will I save him?

Isang malakas na sampal ang nagpagising sa akin, dahilan na matapon ang maskarang sout ko. It was Master J who slapped me. Nandito ako sa office nagbabakasaling pakikinggan ako ni Master J na oakawalan si Kuya Kayne.

"Its not Death Im facing right now!" Yeah. Im not Death, Im Keila Maxene.

"You can kill him but you just let him walk away!"

"He has wounds," Tumawa lang ito na parang hindi makapaniwalang nasabi ko ito.

"You know what I can do, Death!" Napapatawang sabi nito sa akin na oarang may ipinahiwatig.

"You will regret, this!"

"Anong gagawin ko?!" Kinakabahang tanong ko dito. Hindi maganda ang kutob. Wala akong ibang maisip kundi si Kuya Kayne.

"Well, I already told you who will you choose. But you let Night live, then this will lead me to kill your brother" Malademonyo itong tumawa. Habang ako napaupo nalang sa sahig at napasapo sa ulo. Napaiyak ako.

I need a plan.

------

DEATH: The Bloody QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon