34. Hannah Yuu (Edited)

7.8K 241 8
                                    

Nakahalukipkip ako ngayon dito sa room, konti pa kaming nandito sa room. Wala pa rin si Keila, minsan nangunguna pa yun sa akin.

Speaking of Keila, I cant understand her. Minsan ang cold-cold nito, may araw ring kung maka-ngisi parang may kalokohang gagawin. Ang sarap niyang dalhin sa albularyo, really. Para malaman ko kung sino sa kanila ang tunay na Keila.

Nakakagulat rin kahapon nung tinanong niya sa akin ang about kay Leyson. Nakapagtataka nga, eh. Pero kung may gusto si Keila kay Leyson, parang ang creepy nilang tignan mas gusto ko pang si Kaiser, eh. May spark kaya sila, the way they looked at each other, then si Kaiser lang ang parang sinusunod ni Keila. 'Ewan ko sa kanila!'

Maya-maya lang may narinig akong paparating. Tiningnan ko ito at nagulat.

'After almost a week nagpakita na rin sila! At kasama nila si Fynn'

"Namiss ko tong room na ito!" Si Winston pag-kaupo nito sa kanyang upuan.

"Gago! Minsan ka nga lang lumitaw, eh." Segunda sa kanya ni Fynn. Mabuti na lang talaga at ayos na ito. Nagkatinginan naman kami at nagtanguan naman kami.

"Uyy, Hannah nandiyan ka pala!" Pagkapansin ni Winston sa akin. Binati rin ako nila Yurii, Kaiser at Clynn. Nginitian ko lang sila.

"Si Maxene?"

"Hindi ko pa nakikita, eh" Nginitian lang ako ni Kaiser. Itong si Kaiser, feel ko sinalo niya lahat ng kagwapohan sa mundo o di kaya, siya ang producer nito. Napaka-perfect nito, having a blue eyes na talagang malulunod ka, suplado sa ibang babae, but when it comes to her sister and especially to Keila, pinapansin niya kami. Mabait rin naman ito at caring.

Enough with Kaiser, mapatay pa ako ni Keila. 'Ang tagal naman ng babaeng yun! Akala ko ba namimiss niya ang Black Royalties?!'

"Hannah saan si Keila?" Ngayon naman si Clynn ang naghanap.

"Hindi ko nga alam, eh" Napakamot nalang ako sa ulo ko.
Nung una akala ko si Clynn at Keila, nararamdaman ko kasing iba ang tinginan nila yun pala, dati na pala silang magkakilala, and they are best of friends. Minsan nga nahuhuli ko si Kaiser na tutok na tutok sa kanilang dalawa pag nag-uusap ang magkaibigan, feel kong nag-seselos ito.

Natapos na ang class namin ngunit wala paring Keila ang nagpakita. Tinawagan na ito ni Clynn, pero sabi niya hindi daw ito sinasagot ni Keila. Hiningi ko na rin ang number nito. She's my bestfriend kaya dapat lang na may number ako sa kanya. Nafe-feel ko namang kaibigan na rin ang turing nito sa amin.

Nagyaya ang Black Royalties na sabay kaming mag-lunch hanggang ngayon hindi pa rin namin nakikita si Keila. Kanina pa rin nag-aalala si Kaiser.

"Clynn, hindi pa rin ba makontak?"

"Yup, but you don't need to worry, she can handle herself"

"Clynn is right" Sang-ayon naman ni Fynn na siyang nagpatigil sa kanilang pag-kain. Tinitingnan siya nitong nagtataka.

"Nabugbog lang may paki-alam na? Wow dude!"

"Tsk!" Inirapan naman niya si Winston.

DEATH: The Bloody QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon