28. Keila. (Edited)

7.8K 255 2
                                    

Natapos ang exam na wala man lang kapawis-pawis. Alam ko na ang tinuturo ng mga instructor dito. Advance ang pinag-aaralan namin sa mansyon, kaya madali lang sa akin na sagutin ang mga katanungan.

Wala naman kaming susunod na exam at bukas pa ito, napag-pasyahan ng mga Black Royalties na gumala. Pero hindi pa natapos si Hannah sa kanyang exam. May gagawin rin ako at si Fynn ay umuwi daw at babalik rin naman dito sa school.

"Since tatlo naman kayong maiiwan dito sa school, sumunod na lang kayo sa mall." Napatingin naman agad ako kay Clynn dahil sa kanyang sinabi. Alam naman niyang ayaw ng kapatid niya sa akin. Tiningnan ko lang ito ng taas-kilay.

"What? For you to get closer with my brother,"

"I don't fucking care, Clynn Teiko!"

Malamig kong tugon sa kanya. Anong bang nasa isip ni Clynn, bakit gusto niyang mapalapit ako sa kapatid niyang may galit sa akin? Wala akong pak- 'Okay. Slight'

"Payag ka na bespren! Kayo lang kasing dalawa ang hindi close dito, eh." As far as I remember si Clynn lang ang close ko dito.

"Are we close?" Taas-kilay kong tanong kay Winston.

"Pfft..." Tiningnan ko naman ng masama si Clynn dahil nakita ko itong nagpipigil ng tawa. Pati rin pala si Kaiser at Yurri.

"Ang sakit bespren!" Napatawa naman ako. And I realize na dapat hindi ko nalang ginawa. Naka-tulalang napatingin si Yurri at Winston sa akin. Si Kaiser naman ay nakangiti, habang si Clynn ay patango-tango.

Problema nun?

"You must smile always," Napatingin naman agad ako kay Yurri nang bigla niya itong sinabi na sinang-ayunan nina Kaiser at Winston.

"Yeah, you look beautiful" Napa-iwas agad ako ng tingin pagkatapos sabihin yun ni Kaiser. Nababaliw na naman itong puso ko.

"Whatever," At umalis na ako, I cant take this anymore. 'Them, seeing my other side'

"Sunod kayong tatlo, Keila!" Narinig ko pang sigaw ni Clynn.

Nandito ako ngayon sa likod ng abandonadong building. Kanina ko pa ito nalaman na may mini forest pala dito sa likuran. Gusto kong libutin ang kabuuan ng Academy pero baka abutin ako ng araw sa laki ba naman ng paaralan na ito. I wonder sino ang founder nitong school?

Nilibot ko ang paningin ko dito sa mini forest. Walang estudyanteng napadpad dito bukod lang sa akin. Maya-maya lang may narinig akong kaluskos sa unahan. Tinago ko ang presensiya ko at dahan-dahang pinuntahan ang unahan.

Kinuha ko ang dagger na nasa loob ng leather jacket ko. Habang papalapit ako, nararamdaman ko na ang presensiya nito.

"Fuck! Ughh..." Rinig kong mura dito kasabay ng ungol na parang nasasaktan.

Hinanda ko naman ang hawak kong dagger. May naaninag akong taong nakasandal sa puno na parang gustong tumayo pero hindi niya kaya.

Pinagmasadan ko lang ito hanggang sa nagtagumpay na itong tumayo ng matuwid pero naka-alalay ang kanang kamay nito sa puno. Lilingon na sana ito ngunit tumakbo ako papalapit sa kanya. Agad ko itong hinawakan sa kwelyo at isinandal sa puno habang nakatutok ang patalim na dagger sa mukha nito.

DEATH: The Bloody QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon