Chapter 02

1.4K 72 4
                                    

Chapter 02.

“GITARA? MARUNONG ka ba?” nakakunot ang noong tanong ni Mama.

Natigilan ako at saka lang sumagi sa isip ko 'yon dahil tinanong ni Mama. Bakit nga ba nag-request ako ng gitara kahit hindi naman ako magaling do'n. Hindi ako magaling sa music in general.

“Pwede naman niyang pag-aralan 'yon,” sagot ni Papa kay Mama. “Napag-aaralan naman lahat ng bagay. Kung gusto niya ng gitara, edi gitara na.”

Napangisi ako. Perks of being a daddy's girl.

Hindi na nakipagtalo pa si Mama at hinayaan na kami ni Papa tungkol sa gitara. Umakyat na ako no'n papuntang kwarto ko para magbihis. Bumaba lang ako noong kakain na ng dinner. Pero pagkatapos din ng dinner, bumalik na rin ulit ako sa kwarto ko.

‘Birthday mo na next week,’ basa ko sa utak ko sa message ni Jahsmine sa akin sa facebook. ‘Ano? May handaan ba?’

Dumapa ako sa kama at hinila papalapit ang laptop para makapagtipa kaagad ako ng reply sa kaniya.

‘Mukhang wala muna this year. Hindi ka pa tumataba. Di ka pa pwedeng ihawin.’

Mabilis naman siyang nag reply na may kasamang angry emoji sa dulo, ‘Minumura kita, Trish, sagad hanggang bone marrow.’

Mahina akong natawa bago nagtipa ulit ng pang reply sa kaniya. Humaba pa ang chat namin dahil lumabas ang pagiging dakilang chismosa niya nang bigla niyang nabanggit ang isang sikat na student sa school namin na lumipat daw ng school dahil may tinatagong sekreto.

Makalipas ang ilang minuto, nag-offline bigla si Jahsmine. Na-bored ako kaya kung sinu-sino na lang ang inii-stalk ko, hanggang sa pumasok sa utak ko si Kenji.

“Kenji Suson,” wika ko sabay tipa ng pangalan niya sa search bar, then I pressed the enter key. May mga lumabas, pero ni isa sa mga account na 'yon ay hindi siya. Napanguso ako.

I tried ‘Ken Suson.’ Napangiti ako nang unang lumabas sa results ay ang account niya. Kaagad kong kinlick ang kaniyang account. His profile picture was his side profile. Nakaupo yata siya 'tapos ang back ground niya ay naka-blurred na view ng dagat. He was wearing a white plain t-shirt in the picture. His cover photo was, I think, the same view of the sea in his profile.

Nagpatuloy ako sa pag-scroll. Napanguso ako dahil puro profile picture niya lang nakikita ko. Looks like I need to add him and he needs to accept my request para makita ko mga post niya.

Nahiya pa rin ako sa ginawa ni Jahsmine kanina. Bakit niya naman kasi tinawag 'yong tao? Sana lang talaga nakalimutan na ni Ken ang mukha ko. Nakakahiya!

I was hesitating to click the Add button for a minute. I gathered all of my courage before I hastily clicked the button, then I closed my laptop and rolled on the bed, facing the ceiling of my room.

Napahawak ako sa dibdib ko nang maramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko. Hanggang sa unti-unti na akong napangiti at nagpapapadyak sa kama dahil sa pinaghalong kilig at kahihiyan.

Bwiset. Ba't ako kinikilig kahit wala namang nakakakilig sa ginawa ko? Hay, naku.

Bumangon na lang ako at nag-half bath. Pagkatapos ay nagbihis na ako ng pantulog at saka natulog na.

Broken Strings || ✓Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu