Chapter 35

708 35 2
                                    

Chapter 35.

TINAKPAN KO KAAGAD ang mga taenga ko nang tumili si Jahsmine. Hindi ko pa nga natatapos ang sasabihin ko, nauna na siyang mag-react.

“OMG! OMG! OMG!” Nagtalon-talon siya sa sobrang tuwa at parang maiiyak na siya. “Seryoso ka ba!? True 'yan!?” Tinakpan niya ang bibig niya para pigilang tumili pa lalo.

Napairap na lang ako. Sinabi ko sa kaniya ang planong gagawin ko mamaya at ang dahilan kung bakit ko gagawin 'yon. Ngayon ko lang napagtantong maling desisyon na sabihin sa kaniya ito.

“Oo nga! Kaya tumahimik ka na. Nakakaistorbo ka!” Pinaypay ko sa direksyon niya ang hawak kong inventory sheet para paalisin siya. Tinawanan niya lang ako.

“Grabe 'yon!” may halong singhap na sabi niya, nakahawak pa rin sa bibig niya. Hindi pa rin siya maka-move on sa sinabi ko. “Finally, after all these years, may papalit na rin!”

Napasimangot na ako. Busy pa ako sa paglilista ng stocks dito sa convenience store at dumating lang talaga siya para mang-istorbo. Wala raw silang pasok ngayon dahil may biglaang meeting ang profs ng department nila, kaya nagpunta rito at pinapakuwento sa akin ang mga nangyari kagabi sa gala night. Pagkauwi ko kasi kagabi, wala na rin siya sa bahay dahil hinahanap na siya ng parents niya at ako rin ang nagsabi sa kaniyang umuwi na siya tutal nakatulog na si mama no'n.

Mabuti na lang hindi ako ang sa cashier ngayon dahil maraming customer. Pero busy pa rin naman ako.

Maingay ang pagkakasipsip niya mula sa straw ng kaniyang malamig na Kopiko bago siya nagsalita. “Girl, sa totoo lang, masaya ako para sa 'yo. Kasi, alam mo 'yon... Finally, after so many years na puro lungkot ka lang, may rason ka na para sumaya. May nagbibigay na sa 'yo ng rason para maging masaya ulit.”

Hindi ako kaagad nakapagsalita dahil may dadaan para kumuha ng coke sa fridge kaya tumayo ako. “Hindi ko alam,” sabi ko nang hindi siya nililingon. “Natatakot ako. Baka kasi may kapalit ulit, kagaya ng dati.”

Mula sa repleksyon ng glass door ng fridge, nakita kong tumayo siya at napasimangot. “If it's worth the risk, go for it, girl! Gano'n dapat, 'di ba? Kaya go ka na kung alam mo namang worth it.”

“Trisha!”

Napabaling kaagad ako ng tingin sa manager namin na sumilip mula sa siwang ng pinto ng storage room. “Po?”

Tiningnan niya si Jahsmine na nasa likod ko bago siya sumagot. “Tapos ka na ba d'yan? Akin na ang sheet.”

“Ah, opo.” Sinulat ko muna ang huling items sa sheet bago ako lumapit sa kaniya at ibinigay ang sheet.

“Working hours pa, Trisha,” babala niya, tinutukoy ang pagkukuwentuhan namin ni Jahsmine.

I smiled apologetically. “Sorry po. Papaalisin ko na rin naman po siya. May klase pa po 'yan mamaya.”

Binigyan niya ako ng huling warning look bago siya pumasok ulit sa storage room at isinara ang pinto. Napabuga na lang ako ng hangin.

Pinilit kong palayasin si Jahsmine sa store dahil baka mapagalitan pa ako dahil sa kaniya. Inubos niya lang ang kape niya bago siya tuluyang umalis, pero wala pang limang minuto nag-message na agad sa akin at gusto pang ipagpatuloy ko ang pagkukuwento. Hindi ko na lang siya ni-reply-an dahil busy pa ako sa trabaho.

Pumasok bigla sa isip ko ang sinabi ni Jahsmine kanina. Worth the risk nga ba? Paano kung mahal ko sa buhay naman ulit ang kapalit nito, kagaya ng dati? Ayaw ko na maulit 'yon. Mas pipiliin ko na lang maging ganito habambuhay kung ang ibig sabihin nito ay hindi mawawala sa akin ang mga mahal ko sa buhay.

Broken Strings || ✓Where stories live. Discover now