Chapter 27

813 39 6
                                    

Chapter 27.

THE SOFT THUD of a door that got closed woke me up. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang pamilyar na puting kisame na may ceiling fan na mabagal ang pag-ikot.

Hospital? Anong ginagawa ko rito?

Oh, right.

Medyo malabo pa ang paningin ko pero noong naging klaro na, dahan-dahan kong inikot ang paningin ko sa paligid.

Mag-isa lang ako rito. Mukhang nurse yata 'yong lumabas kanina. Nasa ibabaw ng side table ang cellphone ko katabi ng isang maliit na plastic bag ng prutas.

Napabuga na lang ako ng hangin bago pumikit ulit. Gusto ko sanang igalaw ang kamay ko para hawakan ang benda na nasa ulo ko pero masyado akong nanghihina. Nabagsakan ako ng sound system, I'm sure may iilang stitches ang noo ko. And as if on cue, kumirot nang kaunti ang parte na may tahi kaya bahagyang nalukot ang mukha ko.

Naibuka ko ulit ang mga mata ko nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Ibinaling ko ang paningin sa direksyon ng pinto at napaawang ang mga labi ko nang makita kung sino ang pumasok. Kung may sapat na lakas lang ako ngayon, baka kanina pa akong umalis sa kama at lumabas.

Nakayuko siya sa kaniyang cellphone. Nang iangat niya ang tingin niya at nagsalubong ang mga mata namin, huminto siya sa paglalakad at kaagad rumehistro sa kaniyang mukha ang pinaghalong gulat at pag-aalala.

“You're finally awake,” aniya sabay malalaki ang hakbang na lumapit sa akin. Umupo siya sa monobloc chair na nasa gilid ng kama. “Okay na ba ang pakiramdam mo?”

Siya pala ang bumuhat sa akin kanina noong bago pa ako nahimatay. Siya rin kaya nagdala sa akin dito sa hospital?

My heartbeat started to double. Hindi ko alam kung dahil ba 'to sa kaba o ano, but I'd like to think that this was just because I'm scared right now.

Napakurap ako at saka nag-iwas ng tingin. Umatras ang dila ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kaya marahan lang akong tumango bilang sagot.

Napabuga siya ng hangin. “Good.”

“G-Gaano...” I cleared my throat. “Gaano na ako katagal dito?” Binaling ko ang paningin sa labas ng bintana. Hindi na ganoon kaliwanag pero hindi rin ganoon kadilim para masabing gabi na.

“Maglilimang oras,” sagot niya. Tumayo siya at saka humarap sa side table. “You were totally knocked out.” Kinuha niya ang apple at saka sinimulang balatan 'yon.

Marahan akong napabuga ng hangin. I relaxed my body on the bed.

“Why are you here?” It was supposed to be a question that should've been spoken in my mind, pero nalabas sa bibig ko.

He stopped with what he was doing and turned his face towards me. “Why can't I be here?”

Hindi ako sumagot. Binalik ko na lang ang paningin ko sa direksyon ng bintana. Hindi ko ganoong makita ang nasa labas dahil sa kurtina na nakatabon sa bintana.

“You're confusing,” I mumbled. Hindi niya yata narinig dahil hindi siya nagsalita o nag-react.

Bumalik siya sa pagkakaupo sa monobloc chair. Nilapag niya sa tabi ko ang nabalatan nang apple at nahiwa na rin.

“You should eat,” aniya. “Hindi ka nakakain kanina ng tanghalian dahil sa aksidente.”

“Why are you doing this?” tanong ko, hindi pa rin siya nililingon.

“What can't I—”

“Ken...” Binaling ko na ang ulo ko paharap sa kaniya. I stared at his eyes na ngayon ay nagtataka na rin. “Hindi ba't may ibang bagay kang dapat na i-priorotize? Let's say, your girlfriend?”

Broken Strings || ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon