Chapter 40

1K 39 19
                                    

This is the last chapter. Thank you for reaching this far and sticking with me until the end! SLMT and mahal ko kayo!!!

---

Chapter 40.

“SHOULD I DRIVE you to the airport, honey?”

Napahinto ako sa paghila sa dalawang maleta ko at saka napaangat ng tingin kay Tita na kalalabas lang mula sa kusina, kung saan kasama niya si Mama na nagluluto ng agahan, na ngayon ay napatingin na rin sa direksyon ko.

Ngumiti ako sabay umiling. “Hindi na po. Magta-taxi na lang ako papunta ro'n.”

“Ayaw mo bang kumain muna?” tanong ni Mama kaya napabaling ako ng tingin sa kaniya. “Dinamihan ko pa naman ang niluto ko. Gusto mo baunin mo na lang?”

Nang ngumiti siya sa akin, parang natunaw ang puso ko at napangiti na rin ako.

Her condition has improved a lot. Hindi pa siya totally cured, but she's getting better. Kung dati hindi niya napapansin ang presensya ko at naaalala lang ang teenager na Trisha, ngayon kilala niya na ako at alam niyang ako nga si Trisha na anak niya.

One of the reason I don't regret coming here.

Tumango ako kay Mama. “Sure. Damihan mo na lang din ang ilalagay sa baunan, Ma. Pagkauwi kong Pinas, ipapakain ko rin kay Jahsmine 'yong iba, na-miss ka raw niya, eh.”

Natawa si Mama. “Sure! I'll just get a larger lunch box para sa inyong dalawa. Siguraduhin mo lang na kakainin mo, ah!”

Napasunod na lang ako ng tingin kay Mama habang nakangiti siyang gumagalaw sa kusina. And while looking at her, a sigh of relief and happiness escaped my lips.

Na-miss ko ang ganitong Mama. 'Yong palaging energetic at nakangiti. Ilang taon ko ring hindi nakita ang side na ito ni mama na malapit ko na ngang makalimutan kung ano nga ba ang hitsura ni mama kapag nakangiti.

“Ikaw, Tati? Ayaw mo kumain?” tanong ni Mama kay Tita.

Napabuga na lang ng hangin si Tita. “I can't. Lahat ng niluto mo hindi pwede sa akin. I'm on a diet, Ate.”

Pabirong napairap si Mama. “Diet, sus! Hindi ka naman model, kaya kumain ka na.”

Napasimangot na lang si Tita. “Whatever. Tinulungan na kita sa pagluluto. I need to go to work now, hinahanap na ako ng mga employee ko ro'n.”

Lumapit si Tita sa akin at hinalikan niya ang pisngi ko. “Bye, Trish, honey! Have a safe trip!”

Ngumiti ako. “Ikaw rin, Tita. See you later!”

Binalik ko ang paningin ko kay Mama at saka ako lumakad papalapit sa kaniya. Habang sinasalin niya pa sa baunan ang mga pagkain, nag-usap kami tungkol sa iba't ibang bagay. Nakwento ko na sa kaniya ang boyfriend kong si Justin kaya tinatanong niya na rin ako kung magkikita ba kami ro'n pag-uwi ko at dapat mag-send ako ng picture sa kaniya.

Totoong pumupunta nga si Justin dito every once in a while, at nakilala niya na si Mama at nakausap last year. 'Yon nga lang, dahil busy na siya, hindi na naulit. Hanggang video calls na lang muna. Mama's fond of Justin. I mean, who wouldn't? He's a total nice guy and you can't just help falling for his charms.

Umalis na kaagad ako ng bahay pagkatapos makuha ang pinapabaon ni Mama at nag-taxi lang ako papuntang airport. I am both excited and nervous while on my way there and every second na papalapit na nga ako sa destination ko, mas bumibilis lang ang tibok ng puso ko.

Because finally, after seven years, I'm finally going back. I'm finally coming home.

During my first months here, nahihirapan pa akong mag-adjust. Everything was so new to me and maraming culture shocks na nangyari sa akin but I managed to get used to all of them. As soon as I got here, pinroseso kaagad ni Tita ang mga kailangan para ma-enroll ako sa isang university at doon ako nag-aral bilang teacher na nagma-major sa music.

Broken Strings || ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon