Chapter 31

830 39 10
                                    

Chapter 31.

AFTER OUR DATE, hinatid na ako ni Justin pauwi dahil sinabi ko sa kaniyang sa bahay niya na ako idiretso. Gusto niya pa sanang pumasok at magpakilala kay Mama, buti na lang lumabas si Aling Ninita at sinabing natutulog si Mama. Pero bago rin nakaalis si Justin, ilang tukso mula kay Aling Ninita rin ang natanggap namin at natutuwa pa siya.

Kinagabihan, isa na lang naman ang trabaho ko at 'yon ang pagiging janitress ko sa building ng ShowBT. Medyo malamig kaya nakasuot ako ng itim na hoodie jacket papunta ro'n.

Nasa stock room na ako at nilalabas ang mop at drum nang marinig kong tum unog ang cellphone ko. Kaagad ko iyong nilabas mula sa bulsa ng hoodie ko at tiningnan kung ano ang dahilan. May text akong natanggap mula kay Justin.

From: Justin

You working right now?

The side of my lips rose to form a small smile. Kaagad akong nagtipa ng reply.

Me:

Yeah. Ikaw rin ba?

From: Justin

Unfortunately, yes :( And I'm at home, I'm not in the company studio, kaya I won't be able to see you :(

Me:

Then that's better. Work hard. Magtatrabaho na rin ako. Istorbo ka, haha.

Pagkatapos i-send ang message na 'yon,  pinindot ko ang Airplane Mode button bago pinatay ang cellphone at binalik sa bulsa. I need to work fast so I can go home early. Hinila ko na agad ang mga gamit papuntang lobby para doon magsimulang maglinis.

May mga nag-overtime palang employees, kaya kapag nadadaanan nila ako nang pauwi na sila, binabati nila ako bumabati naman ako pabalik. May iba namang bago pa lang ako sa paningin nila kay may iilang katanungan sa akin na sinagot ko naman bago sila tuluyang lumabas.

While mopping the floor, I just realized na mag-iisang buwan na pala akong nagtatrabaho rito. Kahit wala pa nga, iniisip ko na kaagad kung saan ko igagastos ang unang sweldo na matatanggap ko sa trabahong 'to. Mama's meds would consume half of my salary, but it doesn't matter. Siya naman talaga ang rason kaya ko mas piniling magtrabaho nang iba't ibang trabaho para magkapera at makabiling gamot para sa kaniya. She's the only family I have, I can't afford to lose her, too.

Medyo nakaramdam ako ng pagod, at tapos na rin naman akong linisan ang buong lobby kaya naisipan kong umupo muna sa sofa. Ihinilig ko ang ulo ko sa headrest ng sofa at saka marahang pumikit. Inaantok na rin tuloy ako, pero nagising kaagad ako nang maramdaman ang pag-vibrate ng cellphone ko at ang mahinang tunog ng ringtone ko.

Thinking it was Justin, kaagad komg nilabas ang cellphone ko mula sa bulsa at saka nakangiting tiningnan ang message, pero naglaho kaagad ang ngiti ko nang ibang pangalan ang nakita.

From: Kenji

I heard footsteps from the lobby. Nandiyan ka ba?

Oh, right. I almost forgot I got his number from Alisha. Hindi na sana ako magre-reply, pero parang ang rude naman kung hindi, kaya nagtipa na lang ako ng reply.

To: Kenji

Oo. Cleaning. Nasa taas ka?

Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko dahil sa tinanong ko. Obvious namang nasa taas siya, Trisha.

Napakurap ako nang may reply kaagad siya sa message ko.

From: Kenji

Okay. I'm coming down. Wait for me.

Bahagyang namilog ang mga mata ko at napaawang ang mga labi, at dumoble ang kabog ng dibdib ko. Teka, pupunta siya rito? Bakit naman? Napamura na lang ako sa utak ko.

Broken Strings || ✓Where stories live. Discover now