Chapter 21

876 36 0
                                    

Chapter 21.


“T-TRISHA?”

NAPAKURAP AKO at napakurap nang marinig ko ang pangalan ko na lumabas sa bibig niya. Makalipas ang ilang taon, narinig ko ulit ang pangalan kong lumabas sa bibig niya.

K-Ken...

Naagaw ang atensyon ko nang tumunog ulit ang elevator at unti-unting sumara. Mabilis namang ihinarang ni Ken ang kaniyang kamay sa pinto kaya bumukas ulit ito. Iniwas ko na kaagad ang mga mata ko at saka yumuko.

Tumikhim ako bago ngumiti sa kaniya. Umakto akong hindi ko siya kilala. “Ah, salamat po.” Nag-bow ako sa kaniya bago itinulak ang cart palabas ng elevator.

“T-Teka lang...”

Hindi ako huminto kahit narinig ko siya. Kinagat ko na lang ang ibabang labi ko at saka ako nagpatuloy sa paglalakad papuntang Janitor's room. Nagdadasal ako na dana 'wag niya akong sundan hanggang doon.

Malalaki ang hakbang ko papuntang Janitor's room at noong nasa tapat na ako ng pinto ng room, mabilis kong pinihit pabukas ang siradura at saka ako pumasok. Pagkasara ko ng pinto, napasandal ako roon, nanghihina ang mga tuhod at nanginginig.

Pinakiramdaman ko kung may tao ba sa labas. Nang wala naman akong naramdamang presensya ng tao, napapikit ako at napabuga ng hangin sabay dumausdos ang katawan ko at nasalampak ang pwet sa sahig. Ipinagdikit ko ang mga tuhod ko, niyakap 'yon, at saka ko ipinatong ang noo ko roon.

Hindi ko gustong magkita kami ulit. Hindi sa ganitong paraan.

Akala ko talaga wala na 'yong dati niyang epekto sa akin pero pakiramdam ko mas lumalala nga lang ngayong nagkita na nga ulit kami makalipas ang ilang taon.

Marami nang nagbago sa hitsura niya. Nag-mature na siya. Hindi ko man natingnan nang maayos ang mukha niya kanina, napansin ko pa rin ang piercing sa kaliwang taenga niya. Ang buhok niya rin ay hindi na natural na itim, kun'di dark brown na. May itim na cap din siyang suot. Naka-gray na plain t-shirt sa ilalim ng itim na hoodie jacket.

Marahan kong inangat ang mukha at isinandal ang ulo sa pinto, nakapikit pa rin ang mga mata.

This day has been really exhausting for me. Gusto ko nang umuwi at matulog.

--

NAPASINGHAP AKO nang naibuga ni Jahsmine ang kapeng nasimsim niya. Napapikit pa ako dahil may kaunting tumalsik sa mukha ko.

“Ano?! U-Ulitin mo nga ang sinabi mo!?”

Napabuga na lang ako ng hangin. “Nakita ko si Ken sa trabaho ko kagabi.” Inabot ko ang tissue at saka ko pinunasan ang mukha ko.

Eksaheradang nalaglag ang panga niya bago niya itinakip ang kaniyang kamay sa bibig. “Oh, my god! So kamusta naman?”

Napatitig ako sa kaniya nang ilang segundo. Inangat niya naman ang isang kilay niya kaya sumagot na lang ako.

“Siyempre tumakbo ako,” sagot ko sabay yuko sa tissue na fino-fold ko. “Hindi ko alam ano ire-react that time. Hindi ko in-expect na magkikita kami pagkatapos ng mga nangyari noong highschool.”

“'Tapos? 'Tapos? Ano reaction niya?”

Hindi ko na nasagot si Jahsmine dahil may dumating na customer na kaagad ko namang nilapitan.

“Ikaw Jahs, umalis ka nga d'yan!” sita sa kaniya ni Honey sabay hampas ng pamaypay sa braso niya. “Maraming customer, umalis ka d'yan sa counter, 'wag mo guluhin ang empleyado ko, at umupo ka na lang doon sa table at hintayin si Trisha matapos sa shift niya!”

Napanguso si Jahs. “Ito naman si Honey. Kapag tinatrato mo pa rin ako nang ganiyan, mawawalan ka ng isang loyal at regular na customer!”

Pinilit ni Honey si Jahsmine kaya um-order na lang ng isa pang slice ng chocolate cake si Jahs bago umalis na lang. May klase pa kasi siya mamayang 1PM at hindi siya puwedeng um-absent dahil may hinahabol siyang grades at may quiz din sila mamaya.

Nagpatuloy ako sa trabaho ko. Hindi na rin naman ganoon ka-busy rito sa café at marami naman kaming nagtatrabaho rito.

Nasa kalagitnaan ako ng pagtitipa para sa receipt ng isang customer nang may dumating din na isa pa at sa tapat ko mismo huminto.

“Good morning! What would you like—” Natigilan ako nang pag-angat ko ng tingin, isa na namang pamilyar na mukha ang bumungad sa akin.

His eyes also widened when he saw me, but it was quickly replaced with joy. He smiled at me. “Adeline! It really is you!”

Napakurap ako.

Jusko. Hindi ko inaasahang makikita ko silang dalawa sa loob lang ng isang linggo? Wala pa nga ring 24 hours noong nakita ko si Ken, ngayon naman si Justin?

Ang kaibahan nga lang, magkaiba ang naramdaman ko sa kanilang dalawa. The last time I saw him was during our movie date and that was, what, years ago na rin?

Anong klaseng tadhana ba 'to?

Sino na naman ba ang kasunod na makikita ko na nanggaling sa highschool memories ko?

“J-Justin?”

He chuckled. Napatitig na lang ako sa kaniya.

He also matured, obviously. Mas gumwapo siya ngayon. His hair was still the same dark brown hair. Pero may nakikita akong bakas ng kaunting makeup sa mukha niya, dumagdag pa ang suot niyang itim na plain choker, at ang may glitter na damit sa ilalim ng gray na hoodie jacket.

“It's been years!” aniya. His smile suddenly changed into an awkward one. Yeah, alam ko kung bakit. “Mind if... we can talk for a bit?”

“Oh, uhm... Oo naman.” Nilibot ko ang paningin ko para hanapin sa café si Honey pero wala siya. I think nasa kitchen siya ngayon at tumutulong sa mga niluluto ro'n. “Pero hindi pa tapos ang shift ko. Makakapaghintay ka naman ba?”

Mabilis naman siyang tumango. “Oh! Sure! Kailan ba matatapos ang shift mo? I still have 30 minutes remaining for our break.”

Tumango rin ako. “Sakto. Mamayang 1PM matatapos ang shift ko rito.”

“Okay. I'll wait until then.” Ngumiti siya.

And he did wait for me to finish my work.

Nasa loob lang siya ng café at um-order lang siya ng isang slice ng cake habang naghihintay. Medyo nagtataka ako nang may iilang customer ang napapatili sa tuwing nakikita siyang mag-isang nakaupo sa table na malapit sa counter. A girl even asked for a picture.

Is he a celebrity now or what?

Nang natapos na ang shift ko, nagbihis na kaagad ako. Wala naman akong trabaho ngayon sa convenience store kaya may oras akong makipag-usap kay Justin.

Pagkalabas ko sa back door ng café, naroon na si Justin at nakasandal sa poste. Nakasuot na siya ngayon ng cap at may puting mask. Nang nakita niyang lumabas ako, umayos kaagad siya sa pagkakatayo at saka bahagyang ibinaba ang mask na suot.

He smiled at me. “Let's go?”

Ngumiti lang din ako pabalik at saka tumango.




Broken Strings || ✓Where stories live. Discover now