Chapter 37

702 29 3
                                    

Chapter 37.

SINABI KO KAY Justin na pwede na kaming maging official dahil settled na ang lahat. I explained to him everything that Ken and I talked about. I didn't hide anything from him.

We started dating. Our relationship was kept private, dahil 'yon ang gusto ko. He's still an idol at sikat pa. Ayaw kong maging dahilan ng ikakasira ng pinagpaguran nila. Ayos lang din naman sa kaniya. Our relationship was private, pero at the same time, hindi rin naman kami nagtatago.

A week after we officially dated, it was announced that Justin has a non-showbiz girlfriend na hindi niya naman itinanggi pero hindi niya sinabi kung sino. Thankfully, marami namang fans nila ang suportado ang relasyon namin.

Hindi kami madalas magkita dahil na rin sa busy kaming pareho sa mga trabaho namin, but we do find ways to meet at least twice a week to spend time with each other. Nagiging busy na rin ako dahil ang dami ko palang kailangan bayaran at dagdag pa na paubos na ang gamot ni Mama. Justin offered to help, pero tinanggihan ko dahil hindi niya naman obligasyon ang Mama ko kahit pa boyfriend ko na siya.

“You shouldn't overwork yourself, Adeline.”

Napaangat ako ng tingin kay Justin, na ngayon ay sumisimsim na sa kaniyang kape habang nakapako sa akin ang mga mata niyang puno ng pag-aalala.

Nasa cafe kami ngayon ni Honey. Oras pa ng shift ko pero dahil nga kasama ko si Justin, hinayaan lang ako ni Honey kahit hindi na raw ako magtrabaho buong araw.

Napabuga ako ng hangin at isinalampak ang mukha sa lamesa.

“Paubos na ang meds ni Mama, at kailangan ko pang ibigay kay Aling Ninita ang sweldo niya para sa buwang ito,” marahang sabi ko.

“Pwedeng ako na lang ang bumili sa gamot ni Tita,” sabi kaagad ni Justin kaya napaangat ako ng tingin sa kaniya. “Magkano ba ang gamot niya, at anong brand?”

Napasimangot ako. “Hindi ba sabi ko sa 'yo 'wag na. Kaya ko naman, eh.”

He sighed. “Adeline, babe, ano pang silbi ko bilang boyfriend mo kung hindi mo naman ako hahayaang tulungan ka?”

“Maging pogi ka lang d'yan, okay na 'yan.”

He chuckled at my response. Totoo naman, kahit manatili na lang siyang pogi, ayos na sa akin. Kapag nakikita ko ang mukha niyang napakaaliwalas at pogi, nababawasan kahit papaano ang stress ko at nakakalimutan ko saglit ang mga problema ko.

“But, really...” Dumukwang siya papalapit, itinuko ang isang braso sa lamesa habang ang isa naman ay inabot ang ilang hibla ng buhok ko na nasa noo, at saka 'yon hinawi at inipit sa likod ng tenga ko. “There's nothing wrong with asking for a little help, Adeline. Alam kong nakayanan mo naman nang ilang taon, but you have me now. I can help you.”

My heart skipped a beat. When he showed me his radiant smile, I felt my cheeks burning. He's too damn good, and hindi ko tuloy alam kung deserve ko ba ang taong ito o hindi.

May sasabihin na sana ako pero may biglang tumikhim sa gilid namin, kaya napabaling ako ng tingin doon. Malisyosang inulit ni Honey ang pagtikhim at tinakip pa sa bibig niya ang hawak na menu, at saka siya malisyosa ulit na sumulyap sa akin.

“Sorry to interrupt your baby time, but need pa mag-work ni Trisha dahil dumadami na ang customers na pumapasok,” aniya at saka siya tumikhim ulit. Naghagikgikan naman ang iba pang waitress pati ang barista namin.

“Dapat sa mga may jowa tinatanggal sa trabaho, eh,” pabirong sabi ng barista namin at saka ulit sila nagtawanan. Nakitawa na rin sa kanila si Justin.

Broken Strings || ✓Where stories live. Discover now