Chapter 25

946 42 11
                                    

Chapter 25.

THE SHOOT ENDED so late at night. Nararamdaman ko na ang sakit ng likod ko pero kailangan pa rin naming kumilos at magligpit. Gusto ko na matulog nang more than nine hours kung pwede lang, kaso may trabaho pa rin bukas, eh.

Napabuga ako ng hangin habang naglalakad na may bitbit na isang karton na puro wire. Hindi naman marami ang nasa loob, pero siguro dahil pagod na ako, mabigat na siya para sa akin.

I huffed after putting the box above the pile of two more boxes. Nameywang ako at hinayaan munang mag-regain ng kaunting energy ang katawan bago bumalik ulit para kunin ang iba pang boxes. A co-worker asked to help me at pumayag naman ako kaya sabay na kami.

Niro-roll ko pa lang ang ibang wire at pinapasok sa box nang makita ko sa peripheral view ko ang dalawang tao na kanina pa nagbibigay sa akin ng feeling na uneasiness. Pasimple akong sumulyap sa kanila na nasa malayong gilid ko.

Nakatayo sila sa tapat ng van kung saan ang SB19 ay lulan. Ken said something to Margaux that made her smile, pero seryoso pa rin si Ken. Nang hawakan ni Margaux ang braso ni Ken, nag-iwas na kaagad ako ng tingin at pinagpatuloy na ang ginagawa ko.

I'm here for work, not to spectate them.

Habang nagro-roll kami ng wire at pinapasok sa box ang iba pang mga gamit, lumapit sa amin ang head ng cleaning crew at sinabihan kaming bilisan na namin para makauwi na agad dahil gabing-gabi na. Mag-aaya pa sana ng dinner 'yong isa kaso gabi na rin daw at baka malayo pa ang uuwian ng iba kaya next time na lang daw.

Nang natapos na kami sa pagliligpit, sumabay lang kami sa van ng iba pang crew at staff pabalik sa building ng ShowBT. Bukod sa doon ko sinabing ibababa ako, may ibang gamit din kasing kailangang iwan muna sa building habang on-going pa ang shoot.

“Thank you, Trisha!” sabi ng head ng cleaning crew after niya ibalik sa akin ang susi ng storage room. “Mabuti na lang talaga at pumayag kang maging parte pansamantala ng crew namin.”

Ngumiti ako. “Ayos lang po. Kailangan ko rin kasi ng dagdag na kikitain.”

He sighed. “Sige. Uwi na kami, ah?” paalam niya sabay turo sa van kung saan nakasakay na 'yong ibang kasama namin sa cleaning crew. “Sure kang dito ka lang? Hindi ka na namin ihahatid sa inyo?”

Umiling kaagad ako. “'Di na. May gagawin din kasi ako rito sa ShowBT.”

“Trabaho ba ulit?”

Tumango ako. “Late na nga, eh.”

“Naku, Trisha, uso magpahinga.” Tumawa siya. “Alis na kami, ah? Good night at ingat ka!”

Mahina akong natawa bago tumango ulit. “Kayo rin. Good night! Bye!”

Napasunod na lang ako ng tingin sa kanila nang umalis na sila. Nang nakaalis na sila nang tuluyan, napabuga ako ng hangin bago pumihit at lumakad na papasok sa building mula sa backdoor. Pumasok muna ako sa storage room para kunin ang mga gagamitin ko sa paglilinis ng sahig at glass wall bago ako lumabas ulit at sinimulan na ang trabaho ko rito.

Pagod na ako. Pakiramdam ko kung hihiga ako ngayon sa sahig, kahit wala pang isang minuto tulog na kaagad ako.

Nasa may hagdanan na ako papuntang second floor. Aakyat na sana ako habang kinakaladkad ang de gulong na balde at ang iba pang gamit para makapaglinis sa second floor, pero napahinto ako nang may nakasalubong akong pababa ng hagdan.

Napakurap ako nang titigan niya ako. Kaagad akong gumilid para makadaan siya, pero lumapit lang siya sa akin at mas tinitigan ako.

“Why are you here?” tanong niya. “Do you also work here?”

Broken Strings || ✓Where stories live. Discover now