Chapter 33

654 33 0
                                    

Chapter 33.

I KEPT RUBBING my hands together. Ngayong araw, malamig yata ang panahon. Hindi humuhupa ang lamig ng mga kamay ko at parang magpapawis pa nga. Napabuga ako ng hangin bago kinagat ang ibabang labi.

“Adeline...”

“Yes?” Kaagad akong nagbaling ng tingin kay Justin na nakaupo sa tabi ko. May driver siya ngayon kaya magkatabi kami ngayon dito sa likod.

He chuckled. “Calm down.” Hinawakan niya ang mga kamay ko at saka marahang pinisil. Medyo gumaan ang loob ko, pero hindi pa rin 'yon sapat para mawala ang kaba na nararamdaman ko.

“Kinakabahan ako. Baka anong sabihin--”

“Sssh,” he cut me off. “I said, calm down. 'Wag mo na isipin kung ano ang sasabihin nila. You're beautiful, okay? And you're doing fine. And besides, I'm here. I won't let anything bad happen to you.”

Hindi na ako nakapagsalita. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Nanatili akong nakatitig sa kaniya. Nginitian niya naman ako sabay hinaplos ang pisngi ko nang marahan.

“Calm down, okay?” ulit niya at tumango na lang ako bilang sagot.

Paano ako kakalma sa ganitong sitwasyon? Sigurado akong may masasabi ang mga taong makakakita sa akin doon mamaya. Kasi sino ba ako? Hindi ako sikat na artista, hindi mayaman, hindi ako galing sa kilalang pamilya. Isa lang naman akong ordinaryong tao na naghahanap-buhay para buhayin ang sarili at ang ina, pero pupunta ako ro'n bilang date ni Justin.

Buong byahe, nakahawak lang si Justin sa kamay ko at kinakalma ko. He kept on uttering comforting words and it kinda worked. He cracked corny jokes that made me laugh at kahit sandali, nakalimutan ko kung saan kami papunta at kung ano ang gagawin doon.

Nang huminto na ang kotse sa tapat ng hotel kung saan ang venue ng gala, nawala kaagad ang ngiti ko lalo na nang pagkasilip ko sa labas, nakita ko ang mga nakaabang na mga reporters at fans sa likod ng barricades. Bumilis kaagad ang tibok ng puso ko, nanlamig ang buong katawan. Napalunok na lang ako.

“Hey...” Hinigpitan ni Justin ang pagkakahawak niya sa kamay ko kaya napabaling ako ng tingin sa kaniya. He smiled at me softly. “Let's go?”

Wala na akong choice. Tumango na lang ako kahit gustong-gusto kong magpaiwan na lang dito sa loob ng kotse.

Binitawan niya ang kamay ko at nauna na siyang bumaba. Naghiyawan kaagad ang mga fans at nagsipitikan ang mga camera ng reporters na naroon. Bumigat ang paghinga ko at mas lalong bumilis ang tibok ng puso. Napahawak na tuloy ako sa dibdib ko at saka nag-breathing exercise para pakalmahin ang sarili. Kung patuloy akong kakabahan, baka pumalpak pa ako at makasira pa lalo sa imahe ni Justin.

Sana kinapalan ni Jahs ang makeup ko para hindi ako makilala ng mga tao pagkatapos nitong event.

Nakatitig lang ako kay Justin at pinagmamasdan siya habang humahakbang papalapit sa pinto, at nang buksan niya ‘yon, nasilaw kaagad ako sa mga flash ng camera na bumungad sa akin.

“Oh, gosh! May girlfriend ka na, Justin?!”

“Wait, who's that girl? Not gonna lie, she's beautiful! And her gown, oh, gosh...”

“I don't know her. Artista ba ‘yan?”

Mariin akong napapikit bago yumuko nang humakbang ako palabas ng kotse. Ginamit ko ang bag ko bilang pangharang sa mga flash ng camera at para na rin matakpan ang mukha ko mula sa cameras at mga taong nakatitig na ngayon sa akin.

Broken Strings || ✓Where stories live. Discover now