Chapter 18

922 57 5
                                    

Chapter 18.

"CONDOLENCE, Trisha..."

Maraming nagsasabi sa akin ng condolence at minsan ay sinasabi pa nilang naaawa sila sa amin, pero ni isa sa kanila ay hindi ko sinagot. Nanatili akong nakatutulala at nakatitig sa kabaong kung saan nakahiga si Papa.

Hindi ko pa rin maiproseso sa utak ko na wala na si Papa. Naisip ko na sa daming pwedeng kunan ng buhay, bakit siya pa? Maraming masasamang taong pwedeng kuhaan ng buhay, pero bakit pa si Papa na sobrang bait?

Ang sabi ng pulis na nagpunta sa amin dito kahapon, hindi pa raw nahuhuli ang taong gumawa nito kay Papa. Kung nasaan man ang demonyong iyon ngayon, sana mas malala pa sa ginawa niya kay Papa ang mangyari sa kaniya.

I felt a hand rested on my shoulder and someone sat beside me pero hindi ko na tiningnan kung sino. Wala na akong pakialam.

"Trisha, kumain ka na," rinig kong sabi ni Jahsmine. Siya pala ang tumabi sa akin. "Buong araw kang hindi kumakain. Baka mapa'no ka n'yan."

Marahan akong umiling, nakatitig pa rin sa kabaong ni Papa. "Wala akong gana," mahina kong sabi. "Gusto kong mamatay."

"Trisha naman, eh!" biglang tumaas ang kaniyang boses. "Huwag kang magsalita ng ganiyan. Oo alam kong nasasaktan ka ngayon sa nangyari sa Papa mo, pero 'wag naman gano'n! Paano na lang ang Mama mo? Ako?"

Nang binanggit niya si Mama, napabaling kaagad ako ng tingin kay Mama na nasa kabilang row ng upuan. Umiiyak pa rin siya at yakap-yakap niya ang picture frame kung saan nakalagay ang litrato ni Papa. Seeing her so devasted made my tears stream down again.

Kung nasasaktan ako sa pagkawala ni Papa, mas lalo na si Mama. They'd been together for almost 30 years. They were childhood best friends, who became lovers in high school, and married each other after college. Maayos ang relasyon nilang dalawa, ni isang beses ay hindi ko sila naririnig na nagtatalo. Mama was alwasy dependent to Papa and so was I, kaya mahirap sa amin ngayon na wala na si Papa.

Tumayo ako at diretsong lumakad paalis doon. Narinig kong tinawag ako ni Jahsmine pero hindi ako lumingon. Tumakbo ako paakyat ng hagdan at diretso sa kwarto ko. I jumped on my bed and buried my face on the pillow and there, I cried my eyes and heart out.

Sinisisi ko na ang kahit sinong pumasok sa utak ko. Sinisisi ko ang boss ni Papa na hindi siya hinayaang mag-leave kahit isang araw para sa graduation ko. Sinisisi ko ang mandurukot na 'yon na kumitil sa buhay ng Ama ko. Sinisisi ko ang... Diyos dahil hindi niya pinrotektahan ang Papa ko.

Blaming others was the only way I thought that could make me feel better. Pero kahit anong paninisi pa ang gawin ko, hindi pa rin maibabalik no'n ang Papa ko.

Buong araw ay nasa kwarto lang ako at natutulog. Kapag nagigising ako, pipikit lang ulit ako. Hindi ako lumalabas kahit na kinakatok na nila ako at pinapalabas para kumain. Ayaw kong kumain dahil naaalala ko lang si Papa. Palagi kaming magkasabay kumain no'n at nagkukulitan sa hapag. Ayaw kong kumain dahil mas lalo lang akong masasaktan kapag maaalala ko si Papa.

While I was sleeping, I dreamt of Papa smiling and calling my name happily. He was saying thank you to me. He held my hand and guided me towards the large flower field but at the end of the field was a white light. He said sorry and I love you before he let go of my hand and stepped into the white light.

And then, I woke up, with my face and pillow wet because of my endless tears. Napayakap na lang ako sa unan at iniisip na si Papa 'yon. "I miss you, Papa..." I mumbled. "Why did you have to leave us so soon?" I closed my eyes and fell asleep again.

--

THE NEXT DAY, ililibing na si Papa. His wake was only three days since Mama couldn't take it if she'll see Papa inside a casket for longer.

Nakatayo lang kami ni Mama sa tapat ng kabaong ni Papa na nakaibabaw sa hukay. Minimisahan pa siya ng pari.

Mama was still crying, while I only stared at the casket with gloomy eyes. Naubos na yata ang mga luha ko. Pero masakit pa rin sa dibdib ko. Tatlong araw din akong umiiyak nang walang tigil.

After ng ginagawa ng pari, unti-unti nang ibinaba ang kabaong ni Papa at mas lalong lumakas ang hagulgol ni Mama. Naiyak na rin ang ibang nandito ngayon. Isa-isa kaming naghagis ng bulaklak habang unti-unting bumababa ang kabaong ni Papa.

This is it... iiwan mo na nga kami, Pa.

Napaluhod si Mama sa lupa habang yakap-yakap pa rin ang picture ni Papa. Kaagad na lumapit sa kaniya sina Jahsmine at ang Tita ko para aluin siya.

Napalunok ako habang pinagmamasdang hagisan ng lupa ang kabaong ni Papa at unti-unting natatabunan. Gusto kong umiyak, pero wala na yata akong mailalabas na luha. Nanatili akong nakatayo habang pinapanuod silang tabunan ng lupa si Papa at lagyan ng lapida.

Noong natapos na, umalis na silang lahat. Kami na lamang ni Mama ang naiwan doon.

"Ano na ang gagawin natin ngayon?" tanong ni Mama bigla sa nanginginig na boses. "Wala na ang Papa mo... Hindi ko na alam kung paano pa ako mabubuhay."

Napalingon ako kay Mama. Nakatulala lang siya at bahagyang gumagalaw ang katawan na para bang sumasayaw siya habang yakap-yakap ang picture frame. A needle pierced my heart.

"Buong buhay ko, inalay ko sa Ama mo. Siya ang kaligayahan ko. Siya ang mundo ko. Ngayong wala na ang mundo ko, mas mabuti na lang sigurong mawala na rin ako."

Namilog ang mga mata ko at napaawang ang mga labi ko. Mabilis akong tumakbo papalapit sa kaniya at niyakap siya. Kumurap ako at unti-unting umagos ang mga luha ko.

"Mama, hindi ako papayag," sabi ko sa nanginginig kong boses. "Nawalan na ako ng ama. Ayaw kong pati ikaw ay mawala sa akin!"

"P-pero wala na ang Papa mo--"

"Mama, nandito pa ako!" sigaw ko at kumalas ako sa pagkayakap sa kaniya. "Nandito pa ako. 'Wag mo rin akong iwan, Ma."

Hindi siya nakinig at nakatitig pa rin sa lapida ni Papa. Paulit-ulit niyang binibigkas na wala na si Papa at naiiyak na lang ako. Napayakap na lang ulit ako sa kaniya at mariing napapikit.

Kung hindi kaya ni Mamang maging matatag para sa amin, ako ang magiging matatag para sa kaniya.

Broken Strings || ✓Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang