Chapter 19

949 45 7
                                    

A/N: hi! So uhm, I decided to finally update a chapter for this story. Been wanting to go back to my first genre (which is fanfic) and it took one comment from a reader para ipaalala sa akin na nag-eexist nga pala ang story na 'to at kailangan na dugtungan lmao.

--

Chapter 19

“OOF! I'M SORRY, I'm sorry.”

Mahinang natawa si Alisha. “Naku, ayos lang, Sir Ken!”

Namilog ang mga mata ko at unti-unting bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Hindi ko inaasahang magkikita kami ulit, at sa ganitong sitwasyon pa.

Nang nalipat ang kaniyang paningin sa akin, kaagad kong iniwas ang mukha ko at nakagat ko na lang ang ibabang labi ko.

“Oh, and who's this?” rinig kong tanong niya kay Alisha.

“Ah! Bagong hire po na magtatrabaho rito sa company, Sir Ken!” sagot naman ni Alisha. Bahagya akong napaigtad nang hawakan niya ang braso. “Actually po, siya si—”

Her words wer cut off and I was saved by my phone nang bigla itong nag-ring. Kaagad akong tumalikod at sinagot ang tawag.

“H-Hello?”

“Trisha!” It was the manager from the convenience store kung saan ako nagtatrabaho ng part time. “Nasaan ka ba? Kapag hindi ka pa rin pupunta rito within ten minutes, pasensyahan na lang, tatanggalin ka na namin sa trabaho.”

Nakagat ko ang ibabang labi ko. “I-I'm sorry, po. Papunta na po ako d'yan ngayon.”

“Siguraduhin mo lang talaga, Trisha. Mabait ako sa 'yo dahil naaawa ako sa sitwasyon mo, pero may hangganan din ang pagiging considerate ko sa isang tao.” 'Yon ang sinabi niya bago niya ako binabaan ng tawag.

Napabuga na lang ako ng hangin bago humarap ulit kay Alisha. Napakurap ako nang makitang siya na lang mag-isa, wala na si Ken.

“N-Nasaan na si... Sir Ken?” tanong ko.

“Umalis na. May gagawin pa sa loob, eh,” sagot niya. “Hayaan mo. Next time, ipapakilala kita nang maayos sa kaniya pati na sa ibang kasama niya!”

Tumango lang ako bilang sagot. “Alisha, I'm sorry, kailangan ko na palang umalis. May part-time pa pala ako ngayon.”

“Oh, sure! Basta 'yong trabaho mo rin dito, 9PM magsisimula, ah!”

“Okay. Thank you!”

I tapped her shoulder bago ako mabilis na tumakbo palabas ng company. Naghintay ako ng taxi sa labas pero walang dumadaan, kaya tumakbo na lang ako papunta sa pinakamalapit na pasadahan ng traysikel. Sa awa ng diyos, may isang traysikel akong nasakyan papunta sa convenience store na pagtatrabahuan ko.

Pagkarating ko sa store, napagalitan pa ako ng manager dahil hindi ako agad nagpunta noong tinext niya akong pumasok at tumao muna sa store dahil umalis si Sir Teddy. Sinabihan din ako ng manager na last warning ko na lang daw 'to, at tatanggalin na ako sa trabaho kung uulitin ko pa ang ngayon.

Around 6PM, natapos ang shift ko sa convenience store. I was so exhausted dahil busy ang store tuwing Sabado dahil may mga teenagers na naglalagi rito, lalo na ang mga may date.

Bumili muna ako ng uulamin namin ni Mama sa isang karenderya bago dumiretso na pauwi. Wala na akong oras at energy para magluto, kaya bumili na lang ako ng sa karenderya.

“Magandang gabi, Aling Ninita!” bati ko nang pagkapasok ko ng bahay ay naabutan ko si Aling Ninita na nasa sofa, nakaupo.

Tumayo naman siya kaagad at humarap sa akin. “Ay mabuti naman at nakauwi ka na, Trisha!”

Broken Strings || ✓Where stories live. Discover now