Chapter 26

847 38 7
                                    

Chapter 26.

HINDI KAAGAD AKO nakapagsalita. Nanatili akong nakatitig sa kaniya. Sa tingin ko ay dinalaw siya ng hiya kaya nag-iwas kaagad siya ng tingin sabay awkward na tumawa at napakamot sa batok niya.

He... still likes me?

Napakurap ako. Hindi pa rin talaga maproseso ng utak ko na may gusto pa rin siya sa akin. I mean... akala ko infatuation lang 'yong dati dahil mga bata pa kami no'n at sobrang bilis niya lang akong nagustuhan pero... gusto niya pa rin ako hanggang ngayon?

“Y-You don't have to give me a response,” bawi niya kaagad. Nag-angat siya ng tingin sa akin at saka ngumiti. “Sinabi ko lang para gumaan ang pakiramdam ng dibdib ko.”

Napakurap ulit ako.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.

“Uhm...” He bit his lower lip. “Good night. See you tomorrow!”

Pinagmasdan ko lang siya nang pumasok na ulit siya sa kotse niya at pinaandar 'yon. Napasunod na lang din ako ng tingin sa papalayo niyang kotse at noong nawala na nga sa paningin ko, saka lang nag-function ang utak ko.

When my brain finally processed his words, unti-unting bumilis ang tibok ng puso ko. Napabuga na lang ako ng hangin bago pumihit na at lumakad na pauwi. His sudden confession occupied my mind na hindi ko na namalayang nasa tapat na pala ako ng bahay namin.

Pumasok na lang ako sa bahay at dumiretso na sa kwarto ko. Kahit pagod na pagod ako, hindi kaagad ako nakatulog nang gabing 'yon dahil ang utak ko ay naiwan pa sa nangyari kanina.

After his sudden confession... I don't know how should I face him tomorrow. But for now, matutulog na lang muna ako.

--

NAILAYO KO KAAGAD ang cellphone mula sa taenga ko nang biglang tumili si Jahsmine. Narinig ko pang may kumalampag sa kabilang linya habang patuloy pa rin siyang tumitili at tumatawa.

“Ano ba! Kumalma ka nga!” sabi ko sa kaniya.

Inipit ko ang cellphone sa pagitan ng taenga at balikat ko habang hinahalo ang niluluto ko gamit ang sandok sa kanang kamay at nakahawak naman sa handle ng kawali ang kaliwa.

“Grabe 'yon, girl! Ilang taon na ang lumipas pero ikaw pa rin crush niya? Ay, naku, kung ako sa 'yo, 'no, kay Justin ka na! Halatang tatratuhin ka nang tama!”

Napabuga ako ng hangin. Luto na ang pagkain kaya pinatay ko na ang stove at saka nilipat sa malaking bowl ang pagkain. Nilapag ko muna sa ibabaw ng lababo ang kawali at ang sandok bago ako umupo sa tapat ng lamesa at nilapag sa tapat ni Mama ang ulam.

“Jahs naman...” Sumandok ako ng kanin at nilagay sa plato ko. “Hindi naman 'yon gano'n kadali. Syempre, ayaw ko namang umasa 'yong tao.”

She groaned. “Grabe ka, Trish, ang kunat mo naman masyado. Ayaw mo talaga kay Just? Kay Ken ka pa rin?”

“Jahs,” may pagbabanta sa boses na tawag ko sa pangalan niya.

“What? Totoo ba?” balik niya naman. “Girl, uso ang mag-move on, 'no? Ilang taon na? Kinalimutan mo na ba mga ginawa niya sa 'yo no'ng highschool? Hindi ka naman siguro mahilig sa red flag, 'no? Sa mixed signals giver?”

Napabuga na lang ako ng hangin. “Kailangan ko nang ibaba ang phone. Aalis pa ako para magtrabaho. Bye.”

“Hoy! Teka—”

Hindi ko na siya pinatapos at pinatay ko na agad ang tawag. Nilapag ko lang sa tabi ang cellphone ko bago ako nag-angat ng tingin kay Mama. Nakatitig lang siya sa pagkain niya at napansin niya yatang nakatitig ako sa kaniya kaya nag-angat siya sa akin ng tingin. When her cold, expressionless eyes met mine, I felt a slight pang on my chest.

Broken Strings || ✓Where stories live. Discover now