Chapter 32

761 32 4
                                    

Chapter 32.

THE NEXT DAYS, naging busy na kami sa aming mga buhay. Busy ako sa trabaho at kay Mama, sila naman ay busy sa kanilang kabi-kabilang TV guestings para i-promote ang ire-release nilang bagong kanta.

I haven't seen Ken since that night. Pero si Justin, he visited me at Honey's cafe twice. The first one, he just ate breakfast. The second time, he reminded me na tapos na ang pinatahi niyang damit na susuotin namin sa gala night na mangyayari na nga bukas ng gabi.

I've grown comfortable around Justin, and there were days where I'd expect him to come and I'd get disappointed when I remembered he couldn't come because he also has work to do and he's busier than I am.

And speaking of gala night na papalapit na, kinakabahan ako. Of course, lahat ng pupunta ro'n, kung hindi man mga artista lahat, sure ako mga bigating tao pa rin. Eh ano lang ba ako? Ni hindi nga ako nakapagtapos ng pag-aaral. Natatakot akong baka dahil sa akin, masira ang image ni Justin. He should've chosen other girls, 'yong famous din sana or 'yong hindi siya mapapahiya!

Napabuga na lang ako ng hangin. I continued punching the numbers bago ibigay sa kasama ang lista ng oorder-in ng customer. Ngayong araw, ako muna ang cashier dahil may importanteng lakad ang cashier namin. Bukas, balik na rin siya agad. Hindi rin naman gano'n ka-busy ang cafe ngayong araw, pero marami pa ring customers.

"May make up artist ka na ba?"

Napaangat ako ng tingin kay Jahsmine at nahinto sa pag-punch ng order niya. Napaangat ako ng isang kilay sa kaniya at ginaya niya ako.

Sure akong may pasok ang isang 'to. Ano na naman ginagawa nito rito? Kakaltukan ko 'to 'pag malalaman kong nagcu-cutting class 'to.

"Bakit? Gala night 'yan, girl! Dapat maganda ka ro'n, 'no!"

Napabuga na lang ako ng hangin. Binalik ko ang atensyon sa trabaho. "Hindi na kailangan. Kaya ko namang lagyan ng make up ang sarili."

She scoffed, kaya napaangat ulit ako ng tingin sa kaniya. "Panget mo kaya mag-make up, hindi ka marunong! Ako na lang ang magme-make up sa 'yo. Bukas na 'yon, 'di ba? Ang pogi-pogi ni Justin, dapat hindi ka magmukhang bagong baliw do'n!"

Napairap na lang ako. Tapos nang gawin ang order niyang kape kaya kinuha ko 'yon mula sa barista at inabot kaagad kay Jahsmine. "Hindi ba may klase ka pa? Umalis ka na. Kakaltukan kita kapag na-late ka."

Napanguso siya. "Basta! Ako gagawa ng make up mo, ah? Pupuntahan kita sa inyo bukas!"

Tumango lang ako sa kaniya at iminuwestra ang kamay para paalisin siya. Mabilis naman siyang umalis at napasunod na lang ako ng tingin sa kaniya hanggang sa makasakay na siya ng traysikel pabalik sa school nila.

Napabuga ako ng hangin. May shift pa ako mamaya sa convenience store. Sabi ko kay Justin pwede niya akong sunduin mamayang alas singko kung hindi siya busy, syempre. Pero sabi niya, he'll make sure na makakahanap siya ng oras para puntahan ako.

Hindi ko pa alam kung ano ang disenyo ng gown. Hindi naman sinabi sa akin, pero sure akong sinabi kay Justin dahil mukhang kakilala niya ang may-ari no'ng pinuntahan naming boutique. Ayos lang din naman sa akin, kahit anong hitsura ng gown susuotin ko pa rin naman dahil pinagawa ni Justin 'yon para sa 'kin, sayang naman kung hindi ko isusuot.

Pagkatapos ng shift ko sa cafe, diretso na kaagad ako sa convenience store. Weekdays kaya maraming estudyanteng pumaparito at bumibili kaya naging busy ako sa store at nawala saglit sa isip ko ang tungkol sa gala night.

Nasa kalagitnaan ako ng paglalagay ng panibagong stocks ng coke sa ref nang nilapitan ako ng isang katrabaho ko.

"Trisha," tawag niya sa akin.

Broken Strings || ✓Where stories live. Discover now