Chapter 22

905 37 3
                                    

Chapter 22


PINAGMASDAN KO LANG si Justin habang naglalakad kami. He said he's actually here for work and malapit lang dito sa café ang work niya. May park din malapit dito at doon kami papunta ngayon.

After a couple of minutes, nakarating na kami sa park. Nauna akong umupo sa metallic bench bago siya umupo sa tabi ko, pero may distansya sa pagitan namin.

"So... " panimula ko. Bumuga ako ng hangin. "Anong gusto mong pag-usapan natin?" Nagbaling ako ng tingin sa kaniya.

"Straight forward, I see." He chuckled. "First of all, how are you?"

"Are you asking about my day or my life?"

Natawa ulit siya. "Pwede both?"

"Okay." Natawa na rin ako. "Ngayong araw, stressed as usual dahil sa trabaho at sa pag-aalaga kay Mama. Ang buhay ko naman, hindi talaga okay."

Bahagyang nangunot ang kaniyang noo. "Why?"

I shrugged. "A lot of things happened."

Natahimik ulit kami pagkatapos no'n. I kept on biting my lower lip and looking around. It's so awkward. I had a lot of things to talk and say to him pero hindi ko alam kung alin ang uunahin at kung paano sasabihin sa kaniya.

"Justin," I called him.

"Hmm?"

"I'm sorry pala."

He chuckled. "What for?"

Napabuga ako ng hangin at saka napayuko sa mga hita ko. "Hindi na tayo nagkausap after ng graduation namin. Ni hindi man lang kita nakamusta. Ni hindi man lang ako nakapagbigay ng thoughts ko about sa sinabi mo dati na gusto mo ako. Hindi ako nagparamdam sa 'yo nang ilang taon."

"Adeline, it's fine," he said in a soft tone. "Hindi ka naman obligadong kausapin ako palagi. And as you've said, a lot of things happened. And we're adults now, kaya busy na tayo pareho sa mga buhay natin."

"May sasabihin din pala ako sa 'yo na dapat ay matagal ko nang sinabi." I bit my lower lip again. "Actually, while we were seeing each other before, may gusto na akong ibang tao. I thought I could reciprocate your feelings for me, kasi genuine 'yong sa 'yo, but I just realized I might be giving you false hopes by continuing whatever we had before. Dapat ay pagkatapos ng graduation namin, sasabihin ko dapat sa 'yo 'to, but something happened that made me life like this now."

"Wow." He chuckled. "My younger self would be crying for a week if you did tell this to me before."

Nagsalubong ang mga kilay ko. He seemed happy or something.

"Adeline, as I've said, it's fine." He gave me a smile. "I did not expect you to give back my feelings before anyway. And besides, that was all in the past. I think I can say I don't feel that towards you anymore."

Parang nabunutan ng tinik ang puso ko matapos marinig ang sinabi niya. Nagi-guilty ako dati kasi akala ko gusto ko na rin siya pero hindi pala. Mabuti naman palang nawala na ang feelings niya sa akin. Ilang taon na rin naman ang dumaan kaya natural lang din na mawala 'yon.

"So... should we be friends, then?" alok ko.

He nodded. "Of course."

We both laughed and the atmosphere between us suddenly got lighter, which is a good thing.

"Anyway... Hindi ba may trabaho ka pa? Hindi ka ba mapapagalitan na nagtagal ka rito?" tanong ko.

He shrugged. "Ako na bahala magpaliwanag sa kanila mamaya bakit ako nagtagal."

Broken Strings || ✓Onde as histórias ganham vida. Descobre agora