Chapter 23

864 34 2
                                    

Chapter 23.

NAPABUGA AKO ng hangin.

Mamaya, balik na naman ako sa ShowBT. Gabi naman na ang trabaho ko ro'n, at hindi naman palagi na makikita ko sila ro'n dahil gabi na. Coincidence lang 'yong dati. Sana hindi na maulit dahil hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin ko kapag nagkaharap ulit kami ni Ken. Awkward pa rin ako sa kaniya.

“Miss, pakibalot ng pinamili ko.”

I actually have a lot to say to him. May mga gusto akong itanong na dapat ay dati ko pa itanong sa kaniya na hanggang ngayon ay gusto kong siya mismo ang sasampal sa akin ng sagot.

Pero hindi ko pa rin talaga alam kung paano lalapit sa kaniya at kung paano siya kakausapin.

“Miss?! Nakikinig ka ba?! Sabi ko pakibalot ng mga pinamili ko?!”

Napaigtad ako nang makarinig ng malakas na dabog sa harapan ko. Nang tingnan ko, ang kamay pala 'yon ng customer na hinampas niya na sa counter dahil sa galit. Matalim siyang nakatingin sa akin at namumula na sa galit. Ang mga kasunod niya naman sa pila ay nakakunot na rin ang noo.

Napakurap ako. “I-I'm sorry.”

Kaagad kong kinuha ang basket niyang may laman ng kaniyang pinamili at saka ko 'yon tinapat sa scanner isa-isa at saka pinasok sa malaking paperbag. Nang natapos, inabot ko kaagad sa kaniya. Marahas na inagaw niya naman mula sa akin ang paperbag.

She glared at me one last time. “Ano ba 'tong store na 'to! Hindi man lang makapagserbisyo nang maayos sa customer!” At saka siya nagmartsa palabas ng store.

Saktong pagbaling ko sa malayong gilid ko, nakatitig na sa akin ang Manager na para bang sinasabihan niya akong maghanda ako dahil bubungangaan niya ako mamaya nang sobra.

Napabuntonghininga na lang ako.

Masyado akong maraming iniisip na nakakalimutan ko nang nasa trabaho pa pala ako. Nakakaperwisyo pa ako ng ibang tao.

Tinapos ko na lang ang pag-scan sa pinamili ng mga natirang customer. Nang nagsialisan na sila, tama nga ako dahil lumapit sa akin si Sir Lance, ang Manager ng store na ito.

“Trisha,” tawag niya kaya napaharap kaagad ako sa kaniya sabay yumuko ako. “Sumunod ka sa akin. Teddy, ikaw muna rito. Kakausapin ko lang itong si Trisha.”

“Opo, Sir Lance.”

Nang lumakad na si Sir Lance, nakagat ko na lang ang ibabang labi ko bago sumunod. Nang napadaan ako sa gilid ni  Teddy, tinapik niya ang balikat ko at saka ako apologetic na nginitian. Ngumiti lang ako pabalik sa kaniya bago tumuloy na sa pagsunod kay Sir Lance.

Dumiretso siya sa locker room at doon na ako sumunod sa kaniya. Pagkapasok namin, ilang segundo siyang tahimik at nakatitig lang sa akin bago nagsalita.

“Trisha, ano 'yon ha?” aniya at napakagat na lang ako sa ibabang labi ko. “Ilang araw ka nang hindi makapagtrabaho rito nang maayos. Simpleng pagbabalot hindi mo na magawa nang maayos dahil natutulala ka bigla.”

“S-Sorry po.” Pinaglaruan ko ang mga daliri ko.

Marahas na napabuga siya ng hangin. “Huling warning mo na ito, Trisha,” aniya na dahilan para mag-angat ako ng tingin sa kaniya. “Mabait akong tao pero may hangganan din ang pasensya ko. Huli mo na 'to. Kapag naulit pa, pasensyahan na rin talaga at tatanggalin na kita sa trabaho kahit part-time ka lang.”

Tumango ako sabay yuko. “Sige po. Sorry po talaga, Sir Lance.”

“Kung hindi maganda ang pakiramdam mo, dito ka na lang muna, 'tsaka ka na bumalik sa trabaho.”

Tumango lang ulit ako. “Opo.”

Ilang segundo ulit siyang tumitig sa akin bago siya lumabas. Ako naman ay napabuga ng hangin bago lumakad papunta sa locker ko at saka napasandal doon. Isinandal ko rin ang ulo ko sa locker at saka pumikit.

Kailangan kong pagbutihin ang pagtatrabaho. Kailangan ko ng maraming pera para kay Mama.

Naimulat ko ang mga mata ko nang marinig ang pagtunog ng cellphone ko mula sa loob ng locker. Kaagad naman akong umayos sa pagkakatayo at saka binuksan ang locker para kunin ang cellphone ko. Nang tiningnan ko kung ano 'yon, may iilang messages pala ako ma sabay dumating. 'Yong iba ay galing kay Jahsmine, ang iba naman ay galing kay Justin.

Jahsmine:

Bestie!!! Free ka ba ulit sa sabado? Kailangan ko lang ng kasama habang magrereview :<

Jahsmine's message was sent and hour ago.

Justin:

Hi. Good morning :D

What are you doing? Are you busy?

Ang kay Justin naman, kanina pa palang alas syete ng umaga s-in-end pero ngayon ko lang nabasa.

Nauna kong ni-reply-an si Jahsmine. Nagtipa lang ako ng simpleng 'no' na may tuldok sa dulo. Sa kay Justin naman, bumati lang ako pabalik at saka ko sinabi sa kaniya na nasa trabaho pa ako at wala pang break.

Pagkatapos ko silang reply-an, binalik ko na ang cellphone ko sa loob ng locker at saka ako lumabas ng room para bumalik na sa trabaho.

I can't afford to lose another source of income.

--

AFTER MY SHIFT in the convenience store, diretso na kaagad ako sa building ng  ShowBT. Kababa ko lang mula sa traysikel nang biglang may tumawag sa akin.

“Trisha!”

Napabaling kaagad ako ng tingin sa tumawag sa akin. Napakurap ako nang isang beses nang makitang si Alisha pala 'yon. Nakasuot siya ng itim na cardigan at puting blouse sa ilalim no'n.

Habang lumalakad siya papalapit sa akin, lumakad na lang din ako papalapit sa kaniya.

“Bakit?” tanong ko.

Humawak siya sa balikat ko at saka marahang tumawa bago nagsalita.

“Sinadya ko talagang pumunta rito nang ganitong oras dahil may gusto akong sabihin sa 'yo.”

“Ano naman 'yon?”

Inalis niya ang kamay niya sa balikat ko at saka siya nameywang.

“Para sa next shooting kasi ng Esbi, nangangailangan sila ng cleaning crew na maglilinis every after shoot. Eh naisip ko baka gusto mo rin sumama sa crew.”

Cleaning crew para sa shoot?

“Hmm? Kailan ba kailangan? At saka anong oras?”

“Sa susunod na araw,” sagot niya. “Hindi fixed ang oras dahil baka tumagal ang pag-shoot, pero dapat by 7 AM nandoon ka na sa venue ng shooting. Isang linggo lang naman 'to, eh. Ano? Payag ka?”

Tuwing 7 AM sa loob ng isang linggo? Sigurado ako na kailangan buong araw nandoon ka sa buong venue dahil cleaning crew ka.

Magkaka-conflict ito sa schedule ng mga trabaho ko kung tatanggapin ko 'to.

I sighed. “Pero, Alisha, may ibang trabaho pa ako--”

Ngumiti siya bigla. “Okay! Sige! Payag ka na. Salamat! Ililista ko na pangalan mo.”

Napaawang ang mga labi ko at saka ako napakurap. “T-Teka... hindi ko sinabing pumapayag ako!” angal ko. “May iba pa akong trabaho sa sa umaga--”

Tumalikod na siya at lumakad na paalis. Napasinghap na lang ako. “Alisha!”

Hindi niya ako pinakinggan. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad at noong hinabol ko siya, nakasakay na siya sa taxi at kumaway pa sa akin bago tuluyang nakaalis ang taxi.

Hindi makapaniwalang napabuga na lang ako ng hangin at napamura sa utak ko. Naisuklay ko na lang ang isang kamay sa buhok habang ang isa ay pinameywang ko.

Shuta. Ano na gagawin ko nito? Bwiset.


***

A/N:

Shorter word count = faster update.

Longer word count = probably more than a week for another update with the same length.

Broken Strings || ✓Where stories live. Discover now