Chapter 01

2.3K 77 8
                                    

Chapter 01.

"16TH BIRTHDAY mo na next week, anak," sabi ni Papa. "Anong gusto mong regalo?"

Napahinto ako sa pagnguya para mag-isip ng gustong regalo. Marami akong gusto, hindi ako makapili kung alin do'n ang ipapabili. Hindi naman kasi pwedeng sabihin ko kay Papa na lahat ng gusto ko ipapabili ko.

Napanguso ako. "Wala akong maisip, Pa, eh." Napakamot ako sa aking ulo. "Pwede pag-isipan ko pa? Malayo pa naman, eh."

Mahina siyang natawa. "Oo naman. Basta kapag may naisip na ka, sabihin mo kaagad."

Bumungisngis ako. Sumubo ulit ako ng pagkain.

Every birthday ko, binibigyan ako ng regalo ni Papa. I can say na malaki ang sinisweldo niya sa pinagtatrabahuan niya. He's the secretary of their company's Vice President. Parang gusto ko tuloy maging CEO at sa kompanya ko na magtrabaho si Papa.

Dumating si Mama na may dalang panibagong mangkok ng paborito ni Papa na kare-kare. Niluluto niya ito every Sunday para kay Papa. Hindi naman ako gano'n ka-pihikan sa pagkain kaya kumain na rin ako.

Umupo si Mama sa tabi ni Papa. "Ikaw, Trisha, ha. Umayos ka sa school ninyo. Nabalitaan kong nabuntis ng boyfriend 'yong anak ng kapitbahay nating si Aling Suzette. Naku! Kaya ikaw, 'wag ka munang mag-boyfriend. Saka na 'yan kapag tapos ka na sa pagç-aaral at sumusweldo na. Naku, sayang 'yong batang 'yon, talino pa naman sana..."

Tumango na lang ako kay Mama. Wala rin naman akong planong magkaroon ng boyfriend. Para sa akin, distorbo lang sa pag-aaral at sa buhay mismo ang magkaroon no'n. Kadalasan pa naman sa mga magjowa, naghihiwalay dahil hindi nasunod ang gusto ng isa sa kanila. Ayaw ko ng gano'n.

--

KINABUKASAN, halos takbuhin ko na ang distansya ng bahay namin papuntang school.

"Shit! Shit!" I kept on cursing while stretching my legs more para bumilis ang pagtakbo ko.

Kapag minalas ka nga naman. Maaga naman akong natulog kagabi. Pero dahil putol-putol ang tulog ko sa hindi ko malamang kadahilanan, alas syete ako nagising. At 7:30 AM ang klase namin! Sinaktuhan pa na walang traysikel na dumadaan, bwiset.

Hingal na hingal akong tumigil nang nasa tapat na ako ng gate ng school namin. Grabe! Tinakbo ko lang ang usually 20 minutes na layo ng school kapag tinatraysikel. Pakiramdam ko ay mamamatay na ako!

Lumapit ako sa gate at humawak doon bilang suporta para 'di ako masubsob sa semento. Napakislot pa si Manong Gaurd nang makita ako.

"M-Manong, anong o-oras na..." Hindi ko matapos-tapos ang sasabihin ko dahil sa hingal.

"Mag-aalas syete y media na. Five minutes na lang."

Nakahinga ako ng maluwag at napapikit. Nakaabot pala ako. "Salamat, Manong." Humakbang na ako papasok habang hawak ang dibdib ko.

"Oops, oops!" ani Manong kaya napahinto ako at napaharap sa kaniya. Inilahad niya kaniyang kamay. "ID mo."

Mahina akong natawa. "Oh, sorry. Nakalimutan ko na iche-check pa pala ang ID." Kinalkal ko kaagad ang bag ko para hanapin ang ID. Unti-unting naglaho ang ngiti ko at umusbong ang kaba sa dibdib ko nang 'di ko mahanap ang ID ko.

"Oh? Bakit?" tanong ni Manong nang makitang natigilan ako.

Namilog ang mga mata ko nang marinig ko ang tunog ng bell, hudyat na start na ang klase. Napaangat na lang ako ng tingin kay Manong at ngumiti, pero naiiyak na ako dahil naiwan ko pala ang ID ko sa bahay sa sobrang pagmamadali!

So I ended up filling up my name in the logbook. For the first time in my high school life, ngayon lang ako nagkaroon ng record sa logbook na 'yon! Bakit ko pa kasi hiniwalay 'yong ID sa bag ko.

Broken Strings || ✓Where stories live. Discover now