Chapter 16

872 53 4
                                    

Hi! Buhay pa pa ako, haha! Sana hindi n'yo pa nakalimutan itong story. In the last chapter, I said I was gonna update once or twice a week. Minaliit ko ang modules at online class, lol. Sorry for not updating for sooo long! Hindi ako nagkakaro'n ng time na magtipa at least one paragraph dahil sa modules huhu. Kaya ngayong may time pa ako(hurray! Natapos din ang modules ko, pero may panibagong modules na namang set, huhu) ay nagsulat na agad ako ng update. I can't promise that I can post another update this week, or maybe this month, pero susubukan ko pa ring mag-update kung may free time.

PS, I noticed that this story was so fast-paced pala. Lol, I'm so sorry! Nagmamadali si ate n'yong girl chos.

Chapter 16.

NAGBILANG MUNA ako ng ilang minuto bago ako bumalik sa loob. Ayaw ko ng gulo, ayaw ko na isipin ni Margaux na magkasama kami ni Ken kaya hindi ako sumunod agad.

When I went back to our table, sobrang saya ng lahat na para bang wala na silang ibang inaalala. Habang ako, hindi ko magawang ngumiti nang totoo. Sa tuwing inaaya ako ni Jahsmine na sumayaw kasama niya, umiiling lang ako at dinadahilan ko na masakit ang mga paa ko. I was glad when she wouldn't insist. Nanatili akong nakaupo ro'n sa aming table at pinagmamasdan silang lahat na nagsasaya.

At the corner of my eyes, I saw Ken slowly pulling Margaux up and towards the dancefloor. Kinagat ko na lang ang ibabang labi ko at pinigilan ang sariling bumaling ng tingin sa kanila.

Napabuga ako ng hangin. Kainis, akala ko ba crush lang, Trisha. Bakit ka na nasasaktan ngayon? Kainis ka.

Ken confused the hell out of me. Ang sabi niya, guilty lang siya dahil hindi niya magawang suklian ang feelings ko para sa kaniya. But some of his gestures says otherwise. And that's what confused me so much. Ayaw kong umasa kasi una, may girlfriend na siya. Pangalawa, may girlfriend nga siya. Masasaktan lang ako kung aasa pa ako.

Mag-a-ala una na ng madaling araw no'ng naisipan naming umuwi ni Jahsmine. Sinundo kami ni Papa pagkatapos kong mag-text na uuwi na kami.

--

I SIGHED AND plopped myself on my bed. Tumihaya ako at napatitig na lang sa kisame. Malapit na mag-alas tres pero hindi pa rin ako makatulog. Sobrang daming bagay ang pumapasok sa utak ko at hindi ko alam kung paano i-shutdown ang lahat ng 'yon.

Napabuga na lang ako ng hangin. Nagbaling ako ng tingin sa cellphone kong nasa side table. May naisip ako biglang gawin kaya tumagilid ako para kunin 'yon at saka bumalik sa pagkakatihaya sa kama. I opened my cellphone and tapped the Facebook app. I kept on scrolling on my newsfeed, laughing to some random memes I've seen, when a message popped up.

Napakurap ako. It was a message from Justin! Kaagad kong tiningnan ang message niya.

'Hey. Why are you still awake?'

Kaagad akong nagtipa ng reply, 'ikaw nga gising din eh' then I ended my message with a laughing emoji before sending it to him.

I bit my lower lip when I saw the three bubbles appeared a second after my reply was delivered. Wow, hindi siya busy? Nakakapag-reply kaagad, eh.

'Just doing some school works na bukas na ang due.'

I was about to type a reply when he sent another message.

'I mean, mamayang 7AM ang due. Gosh, forgot that it's already morning.'

Unti-unting gumuhit ang ngiti sa mga labi ko. Napailing ako bago nagtipa ng irereply.

'Wow, ang sipag naman. Top student ka na panigurado.'

He replied, 'Haha. Hindi sa pagyayabang, but I am a consistent top student since kindergarten. Btw, can I call?'

Broken Strings || ✓Where stories live. Discover now