Chapter 39

657 33 4
                                    

Chapter 39.

HINDI MAALIS ANG titig ko sa babaeng nagpakilalang kapatid ng Mama ko. Kahit na magkamukha nga sila at medyo hawig pa ang boses, may duda pa rin ako sa sinabi niya.

She chuckled. “I know you're confused right now. Pero tara muna sa kwarto ng mama mo? I brought food with me, baka gutom ka. You look so thin.”

Tumango lang ako bilang sagot.

Napasunod na lang ako sa kaniya nang lumakad na siya papuntang kwarto ni Mama. Hindi pa rin talaga maalis ang titig ko sa kaniya.

Nabanggit nga noon ni Mama na may kapatid siya, pero hindi niya naman naipakilala sa amin. O baka naipakilala niya pero masyado pa akong bata noong nangyari iyon kaya wala akong masyadong maalala.

Mas maputi siya kumpara kay mama at mas matangkad din. Mas matangos lang din ang ilong niya kumpara kay mama at sa boses naman, medyo matinis nang kaunti kaysa kay mama ang sa kaniya.

At mukha siyang taga America sa suot niya ngayong puting dress at beige na cardigan. Mainit dito Pinas, kaya baka galing nga itong ibang bansa dahil naka-cardigan pa.

Pagkapasok namin sa kwarto ni Mama, naabutan naming tulog pa si Mama. Lumakad siya papalapit sa kama at saka siya umupo sa gilid ni mama. Hinawakan niya ang kamay ni Mama at saka niya pinisil.

Nangungulila at may awa sa mga matang tumitig siya sa natutulog na mukha ni mama. “Halos tatlumpong dekada kaming walang balita mula sa kaniya,” aniya na ang tunutukoy ay si Mama. “After our family reunion years ago, where our parents decided to migrate to America, hindi na siya nagpakita sa amin...”

Hindi ako nagsalita at nakinig lang sa kaniya.

“She was actually pregnant with you that time, at balak niyang pakasalan ang papa mo kaya ayaw niyang sumama sa amin. Our father didn't agree with her and they argued. I think it was the reason why she cut us off and lived her life with her own family.” Nagbaling siya ng tingin sa akin. “Where's your dad?”

I pursed my lips. “Matagal na siyang namayapa, noong highschool pa ako,” sagot ko. “Ang pagkawala ni Papa ang naging dahilan kaya nagkaganiyan si Mama.”

“Nakakalungkot na maabutang ganito na ang kondisyon ng kapatid ko.” She sighed. “She really loved him very much.”

“Sobra. Binalak niya pa ngang sumunod kay Papa, mabuti na lang at nadala kaagad siya rito sa hospital.”

“Does she have meds for her illness?” sa halip ay tanong niya.

Tumango ako. “Oo, pero hindi pa ako nakakabili ng para sa ngayong buwan. Ubos na.”

Ngumiti siya. “I'll buy it, then. Tell me the brand and the how much it is.”

And true to her words, siya nga ang bumili. Isang box ang binili niya bago kami tuluyang lumabas ng hospital. May kotse siya at 'yon ang ginamit namin pauwi. Habang nasa byahe, gaya ng bilin ni Justin, tinext ko nga sa kaniya na gising na si Mama. Hindi siya nag-reply at naiintindihan ko naman dahil busy siyang tao.

Pagkarating namin sa bahay tinulungan lang kami ng mga kapitbahay namin na alalayan si Mama papasok dahil may wheelchair siya.

“Kayong dalawa lang dito?” tanong agad ni Tita pagkapasok namin sa sala ng bahay. Nilibot niya pa ang paningin niya sa paligid.

Tumango ako. “Opo.”

Pagkatapos ilibot ang paningin niya sa kabuuan ng bahay, bumaba ang kaniyang mga mata sa akin. “Why don't you two come with me next week? Babalik na ako sa America. Since ang kapatid ko lang naman ang purpose ko rito, isasama ko na lang kayo. What do you think?”

Broken Strings || ✓Kde žijí příběhy. Začni objevovat