Chapter 13

853 52 4
                                    

Chapter 13.

"OKAY, then. Start na tayo?"

Nakaawang pa rin ang mga labi ko sa gulat. Hindi ko pa rin ma-absorb ang sinabi ni Ken. Bakit ayaw niyang makipagpalit ng partners? Ayaw niya bang maka-partner ang girlfriend niya? I didn't want to assume things, but he's making this hard for me!

"Trisha."

Napaigtad ako at bahagyang napatili nang may marinig na boses sa gilid ko. Nang tingan, napakurap ako dahil si Ken pala at nakalahad na ang kaniyang kamay, naghihintay na kunin ko.

"B-b-bakit?" Bwiset, sobrang kinakabahan ako. Kahit ano yatang gawin ko, hindi ko maaalis ang feelings ko kung ganito naman siya.

Naglakas-loob na akong titigan ang mga mata niya na nakatitig rin sa akin. Pero limang segundo lang ang itinagal ko, ibinaba ko kaagad sa kaniyang dibdib ang paningin ko.

"Tara na sa pwesto natin. Magsisimula na ang practice," kaswal niyang sabi. Pasimple akong napalunok, bumaba ang mga mata ko sa kaniyang nakalahad na kamay.

"O-okay." Dahan-dahan kong inabot ang kaniyang kamay. Mahinang napatili ako nang siya na mismo ang humawak sa kamay ko at marahang hinila papunta sa pwesto namin.

W-w-what the hell, Ken!

Bumilis ang tibok ng puso ko at naramdaman ko kaagad ang pag-iinit ng pisngi ko habang nakatitig sa kamay niyang mahigpit na nakahawak sa aking kamay. I bit my lower lip to stop myself from smiling.

Huminto na si Ken kaya napahinto na rin ako. When I looked up at him, I blinked when he suddenly took a step closer. Ang kamay kong hawak niya ay inangat niya at ipinatong sa kaniyang balikat. Nahigit ko ang aking hininga nang lumapat ang kaniyang palad sa aking bewang, at ang isa niya namang kamay ay inangat ang bakanteng kamay ko at hinawakan.

Pwedeng huminga sandali? Kanina pa akong nagpipigil ng hininga rito dahil sa mga pinaggagawa ni Ken sa 'kin!

Sa sobrang hiya ko, hindi ako makatingin sa kaniyang mga mata. I just stared at his chest, since ka-level ng mukha ko ang kaniyang dibdib.

"Trisha," he called almost in a whisper.

Napakurap ako. "Y-yes?" I answered, still not looking at his face.

"Look at me," he commanded.

Welp. My heart just doubled its beating count. Mas lalo ring uminit ang pisngi ko.

"Look at me, Trisha," ulit niya.

Pasimple akong bumuga ng hangin para pakalmahin ang buong sistema ko bago naglakas-loob na nag-angat ng tingin sa kaniya. He was already staring at me with a serious look.

"One, two, and three..." I heard the trainor said.

Nagsimulang gumalaw si Ken at sumasabay ako sa kaniya. We were just silent while staring at each other. I could hear the fast and loud beating of my heart, I just hope he doesn't hear it because it'll be so embarrassing!

"Uhm..." I bit my lower lip, trying to look gather some courage to ask him the lingering question in my head. "B-bakit ayaw mong makipagpalit ng partners? A-ayaw mo no'n? Partners na kayo ni Margaux!"

He didn't respond. He let go of my waist and slowly spun me before pulling me again and holding my waist.

"Bakit? Ayaw mo bang ako ang partner mo?" he asked back.

Napakurap ako at napaiwas ng tingin. "H-hindi naman sa gano'n... eh, kasi, 'di ba girlfriend mo si Margaux? D-dapat lang na kayo ang mag-partners!"

Broken Strings || ✓Where stories live. Discover now