THANK YOU!!!

580 24 2
                                    

AUTHOR'S NOTE

(WARNING: Medyo mahaba, haha!)

Hello! We've finally reached the ending of another story! Thank you so much for being here with me and witnessing this achievement!

Sa totoo lang, andaming pinagdaanan ng story na 'to. Three years. Almost three years na on-going ang story na ito. Dalawang beses pinalitan ang plot. Nanakaw at na-post sa ibang platform na hindi ko alam. In-unpub tas binalik.

Nawalan ako ng amor sa story na ito, tbh, kaya nga natengga ng three years. Umabot sa point na gusto kong i-delete dahil pakiramdam ko hindi ko na talaga siya kayang ipagpatuloy. Pero nasadayangan ako, kaya sabi ko sige hahayaan ko munang nakatengga lang itong story. Nap-pressure din ako kasi nga, three years nang on-going itong story, bakit ang tagal matapos. Gusto kong matapos na agad, gusto kong i-rush kaso na-trauma na ako ro'n sa BTB na ni-rush ko ang ending HAHAHA!

I watched a lot of motivational vids sa YouTube, tutorials, writing tips, even read and watched movies/anime/manhwa na related sa plot ng story na ito para lang magka-inspiration akong ipagpatuloy ito. Then I came across Ms. Demi's vid na pinag-uusapan ang tungkol sa kung paano nga ba ituloy ang story na matagal nang nakatengga, and one of the things she said there ay learn to let go raw, kung wala na talaga, bitawan na. Sabi ko, baka ito na ang sign na hindi ko na ipagpatuloy ang story.

Pero after all the overthinking and dilemma, we're finally here! EPILOGUE a 'to ng story! Ending na! Hindi man ako kasing sipag at kasing dalas magsulat ng iba, I'm still proud na nakatapos ako ng story. It's not the best I've written, but I'm proud I'm able to complete a story that's been so challenging to finish kasi imagine, three years 'tong on-going HAHAHA!

To everyone who has been with me since the beginning of the story. To those who have given me the motivation and inspiration to continue this story. At the bottom of my heart, maraming SLMT sa inyong lahat! I can't write down your names one by one, but you know who you are.

Sa mga readers na nagtiyaga sa updates kong once in a blue moon, SLMT! Kay Jahsmine na hinayaan akong gamitin ang pangalan niya (nandito ka pa ba? Nagbabasa ka pa ba? HAHAHA), SLMT din!!!

And syempre kay lodiwaps gradylicious na naging critique ko na nga at taga bigay ng suggestions😭 Will surely take note of your suggestions kasi mas gamay mo ang ganitong genre (rumans HAHSHXICIA) Salamat ulit nang marami😭♥️ Sana masarap ulam mo for 10 years😭♥️

Once again, SLMT, mga kaps!!!

See you in my next story!

Gwyn💙

Broken Strings || ✓Where stories live. Discover now