"Happy Birthday, Joan, are we late na ba?" tanong ni Phoebe.
"Ah, thanks, hindi pa naman, nasabi mo ba sa family mo?" balik na tanong ko sa kanya kasabay ng isang ngiti. Mag-isa kasi siyang dumating e.
"Yes, I told them, I'm with my Kuya nga e! Si mom kasi went somewhere and dad is in the States kaya they can't come with us," sabi niya.
"Nasaan?" tanong ko sabay silip sa likod niya.
"Kuya is so bagal kasing magbihis e, Kuya!" sigaw niya pero nando'n pa rin ang cuteness.
"Ah..." habang sinisilip kung sino nga ba ang tinutukoy niyang kuya.
Pumasok ang sinasabi niyang kapatid habang inaayos ang buhok nito.
"My gosh, kuya, you're so bagal. Nakakahiya sa may birthday," sabi ni Phoebe sa sinasabi niyang kuya niya.
"I'm here so shut up n-," natigilan siya nang makita niya ako.
"You?" tanong niya.
Si Mr. English speaking! Na-gets ko na ang resemblance. Parehas sila ng hugis ng mga mata.
"Yes, it's me, siblings pala kayo," sabi ko sa kanya habang nag-iisip pa rin sa naganap.
"Yeah, like, unfortunately," sabi ni Phoebe.
"Phoeb," saway no'ng kuya niya.
"Wow!"
"I'm Philip, in case you forgot," sabi niya sabay lahad ng kamay sa akin at tinanggap ko naman.
"And, she's Joan, kuya, you forgot to greet her, it's her birthday kaya," sabi ni Phoebe.
"Oh, happy birthday!" sabi ni Philip.
"Thank you, kumain muna kayo," sabi ko.
Lintik na 'to, nakakaintindi naman pala ng Tagalog, pinag-English pa ko no'ng minsan. Na-isahan niya ako.
Dinala ko sila sa may dining table kung saan nakahain ang aking mga handa. Dumampot ako ng dalawang plato at mga kubyertos.
Paglingon ko pabalik sa kanila ay wala na si Phoebe. Natanaw ko na lang siya sa mga nagvi-videoke, pumipili na ng kanta sa song book kaya napangiti na lang ako.
Si Philip na lang ang natira malapit sa akin kaya naman sa kanya ko inabot ang platong kinuha ko at ibinalik na ang isa.
"Puwedeng magtanong?"
"Yes?" balik tanong niya.
"Bakit hindi mo sinabing marunong kang umintindi ng Tagalog?"
"Because I wanted to test if you're going to talk to me in spite of the language barrier,"
"Ha?" naguguluhan ako sa sinasabi niya.
"I mean, some people easily get intimidated and don't want to talk when I speak," he said and smiled slightly.
"Ah, okay,"
"Taga saan pala kayo dati?"
"Wheeler," sabi niya.
"But we lived in the US for 7 years,"
"Ah, kaya pala laging English," that explains the accent and language.
Naabala ang aming pagkukuwentuhan ng ingay na nagmumula sa garden.
"Ano'ng problema mo? Umalis ka nga rito," 'yong 's' niya, tunog 'sh' na tapos sinisinok pa. Naku, si Cheska ba 'yon?
"Sino 'yon?" tanong ko.
"No idea," sabi ni Philip.
May narinig pa akong nabasag na baso kaya naman napatakbo na ako sa garden. Dinatnan ko si Cheska, halos nakahalandusay na sa isang upuan. May basag na baso sa tabi ng upuan niya.
"Ampon ako, masaya na ba kayo?" sigaw niya, halata ang kalasingan sa boses. Nilapitan ko siya agad. May narinig akong mga nagsilapitan sa amin pero hindi ko muna pinansin.
"Cheska, bakit ka naglasing? Alam mo naman na buntis ka," sabi ko.
"Huwag ka ngang makialam," sigaw niya sa akin.
"Pero hindi puwedeng uminom ang buntis, masama sa bata 'yan," hinawakan ko siya sa braso dahil tuloy pa rin siya sa pag-inom mula sa bote.
"Lumapit ka rito, Joan," sabi niya habang napapapikit pa sa sobrang kalasingan.
"Bakit?" tanong ko, paglapit ko sa kanya. Bago lumapit, sinensayasan ko 'yong mga nakatingin na okay lang, kain lang sila. Inagaw ko agad ang bote mula sa kamay niya.
"May sasabihin ako sa'yo, sigurado ako magdidiwang ka sa maririnig mo," sabi niya.
"Ha?" sabi ko.
"Hindi ako buntis," bulong niya sa akin.
"Ano? Hindi ka buntis? Ano'ng ibig mong sabihin?" sigaw ko sa kanya.
"Masaya ka na? May pag-asa na kayo ni Kenne-" at 'di na nga niya natapos ang kanyang sasabihin dahil nawalan na siya ng malay.
"Bes," nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si bes na nakatayo malapit sa amin. Narinig ni Kenneth ang lahat, lumingon ako sa kanya. Puno ng galit ang mga mata niya.
--
Author's Note:
Vote and comment. Thank you!
YOU ARE READING
It Started with a McFLOAT
RomanceNaiipit si Joan sa isang love triangle. Kahit ayaw niya ay wala siyang magawa dahil mahal niya pa ang kanyang ex. Nagsimulang umingay ang mundo niya nang may not-so-mysterious guy na nagpadala sa table niya ng McFloat, na para pala sa katabi niyan...
CHAPTER 10
Start from the beginning
