"Ayaw mo? Aalis na 'ko,"
'Di ako nakapagsalita sa sinabi niya at napatitig lang ako sa kanya.
"Puwede bang salamat na lang?" sabi niya nang tumagal ang katahimikan.
"Bes! 17 ka na!" sabi naman ni Ken nang hindi pa rin ako nakapagsalita.
"Oo nga e, grabe! ang bilis ng panahon. Ang tanda ko na!" napakamot na lang ako sa ulo habang nakatingin sa kanila.
"Mojow, puwede bang bumangon ka na at malulusaw na 'tong dala naming cake," bumaba naman ang tingin ko sa hawak niya.
Oo nga, may hawak nga siyang cake na ngayon ko lang napansin. Si Cee grabeng makatingin sa mga ganap sa kuwarto ko. Nakita niya kaya 'yong vision board ko? Kaya siguro patawa-tawa siya no' ng lumabas ng kuwarto ko.
"Ah, oo, salamat sa cake, ha? Ang aga n'yo naman," tuluyan na akong tumayo mula sa kama at sinamahan sila sa living room.
"May lakad kasi kami," sabi ni Cee habang paupo sa sofa at ibinaba ang cake sa center table.
"Saan kayo pupunta?" na-curious naman ako sa lakad nila.
"Pupunta kaming Maynila, susunduin namin si Mama sa airport," sabi ni Cee.
"Wow, mabuti at uuwi na siya," sagot ko.
"Vacation," sabi niya.
"Oo nga e, kaya si Cheska muna ang substitute namin habang wala pa kami, ayaw kasi n'yang sumama sa 'min," sabi nya uli.
"Bes, ikaw muna ang bahala sa kanya. Alam mo naman ang kalagayan n'ya kaya pagsabihan mo na lang 'pag kumain or uminom ng bawal sa kanya," sambit ni Ken.
Napalunok ako sa narinig ko dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Hindi naman kasi sikreto na hindi kami magkasundo.
Pero mukhang wala naman akong magagawa sa pagkakataon na ito. Hindi naman niya ako siguro aawayin dahil birthday ko ngayon.
Ibalato na lang niya sa akin 'to. Napakunot ang noo ko ng wala sa oras.
"Libre sabunot na 'pag inaway ka," bulong sa akin ni Cee.
Napangiti ako dahil kapatid niya 'yon pero puwede kong sabunutan which is hindi ko naman gagawin.
"Oh sige, una na kami... ah este, alis muna kami, bes," sabi ni Ken habang tumatayo.
"Sige, bes, Cee, ingat kayo," sabi ko naman at umalis na sila nang tuluyan.
Lumipas ang oras at malapit na ang gabi, dumating na ang mga bisita. Dumating rin si Cheska at may dala siyang regalo. In fairness, 'medyo' mabait siya sa akin ngayon dahil nginitian niya ako kahit alam kong wala sa loob niya, at least nag-try siya kahit ngayon lang.
Sa dami ng dumating ay hindi ko na siya masyadong nabantayan. Ayos naman ang set-up na ginawa nila para sa akin at niluto naman ng parents ko lahat ng requests ko tulad na lang ng leche flan na paborito ko.
Siya nga pala, 'yong mom ko ay isang house wife pero minsan rumaraket ng pa-order ng pagkain dahil sobrang hilig niyang magluto.
The best naman pati si Mommy sa pagluluto tapos hahaluan pa ng sweetness nila ni Daddy 'pag nagkukulitan sila sa kusina.
Si daddy ay isang Engineer sa isang magandang kumpanya na kilala na sa buong mundo. Ang mommy ko ay si Isay, ang daddy ko naman ay si Joey.
Nabasag 'yong pagtingin ko sa mga magulang ko ng may biglang nagsalita mula sa pintuan.
VOCÊ ESTÁ LENDO
It Started with a McFLOAT
RomanceNaiipit si Joan sa isang love triangle. Kahit ayaw niya ay wala siyang magawa dahil mahal niya pa ang kanyang ex. Nagsimulang umingay ang mundo niya nang may not-so-mysterious guy na nagpadala sa table niya ng McFloat, na para pala sa katabi niyan...
CHAPTER 10
Começar do início
