Sabi nga ni Cee, tanga raw ako, tanga na ba agad kung nagmamahal ka lang naman?
Umupo muna ako sa ilalim ng puno ng mangga o 'yong tinatawag nilang UTMT or Under The Mango Tree. Ewan ko ba kung kailan ako susuko sa laban na 'to na matagal na akong talo.
Ako lang yata ang tanging tao na lumalaban pa rin kahit sugatan na at walang armas, talo na, sumusugod pa rin. Katapangan ba 'yong matatawag?
"Miss, are you okay?" tanong ng isang lalaking bigla na lamang sumulpot sa aking tabi. Muntikan na akong atakihin sa puso.
Tumambad sa akin ang isang lalaking naka-freestyle. Naka-white polo na hanggang siko ang haba, naka-pants na black at naka-sneakers na vans. Naka-fedora hat pa siya na lalong nagpalakas sa dating na meron siya. Matangkad, mistiso, medyo malaki ang mga mata, Slim tapos mukhang matigas ang dibdib niya. Paano ko naman nasabi?
"Ayos lang, may iniisip lang naman," sabi ko sa kanya.
"Excuse me?" Whoa, English speaking si kuya. Oh my god! Nose bleed, Belle, help me!
"I mean, I'm okay, just thinking about things," sabi ko.
Yes naman! Napa-English ng wala sa oras. Sino kaya ang lalaking 'to? Parang naligaw dito sa school namin. Mukhang hindi siya rito nag-aaral dahil ngayon ko lang siya nakita at tsaka obvious naman pati dahil English speaking.
"Things like?" tanong niya. Aba! Curious siya sa iniisip ko? Ay naku! Mahirap ipaliwanag in English.
"Like who are you?" sagot ko. E kasi nga gusto ko malaman ang pangalan niya. Charot!
"Oh, I'm Philip," sabi naman niya at ngumiti pa sa akin kaya naman gumanti rin ako ng ngiti.
"I see,"
"And, you are?"
"I'm Joan," pakilala ko naman sa kanya at nakipagkamay.
"Oh, I see, Sorry for interrupting you," tapos tinanggap naman niya 'yong kamay ko.
"No worries, by the way, what brings you here?" na-curious na rin kasi ako kung ano'ng ginagawa niya sa school namin e. Malay ko ba, baka may nililigawan siya or baka may girlfriend pala siya na student dito tapos kilala ko.
"Just checking out some things," napaka-vague naman niyang sumagot ng mga tanong. 'Di ba puwedeng medyo specific?
"I see," tumunog na 'yong school bell meaning kailangan ko nang um-exit. Sayang naman 'tong cutie na 'to, gusto ko pa sanang chikahin e kaya lang panira 'yong bell. You're corny, bell!
"Hey, I need to go now. I have classes. Nice meeting you!" sabi ko kasabay ang isang ngiti.
"Oh, sure, thank you and nice meeting you, too, see you around," sagot naman niya kasabay rin ng isang ngiti.
"Hey I just met you and this is crazy but here's my number so call me maybe. It's hard to look back at you baby, but here's my number so call me maybe,"
Nag-play nang kusa sa utak ko ang kanta na 'yon kaya napangiti tuloy ako. Um-attend ako sa mga klase at pagkatapos ay dumeretso ako sa simbahan dahil kukuha ako ng lakas ng loob sa Panginoon. Umupo ako sa may parteng unahan, lumuhod sa luhuran at nagdasal sa utak ko.
"God, hello po, kumusta naman po kayo? Sana po ay okay lang kayo. Salamat po sa lahat ng biyaya na binibigay n'yo. Kahit po nasa ganito akong sitwasyon ngayon ay alam ko naman po na may dahilan po kayo. Ipagkakatiwala ko na po sa'yo ito. Pasensiya na po at nagpapakatanga ako kay Ken, hindi ko rin po kas-" natigilan ako dahil may biglang tumawag sa akin mula sa likuran ko.
"Mojow?" lumingon naman ako habang nakaluhod.
"Wait lang, 2 minutes," sabi ko at bumalik ang tingin sa Poong may kapal.
"Sige," sabi naman niya. E 'di 'yon nga tinuloy ko na ang naudlot kong dasal.
"...di ko rin po kasi maintindihan ang sarili ko minsan kahit alam ko naman na hindi na niya ako kayang mahalin sa paraang gusto ko tulad noon. Salamat pa rin po sa lahat. Alam ko po na may nakalaan para sa akin at hihintayin ko na lang po 'yong araw na masasabi ko na masaya na ako at hindi na ako apektado sa kanya, amen."
Tumayo na ako nang matapos sa pagdadasal at hinarap si Cee.
"Oh, Cee? Nandito ka rin pala," bati ko sa kanya.
"Alam mo naman, taong simbahan," sabi naman niya.
"Taong simbahan na playboy? Bago yan ah," panunukso ko naman sa kanya.
"Nagbago na ako,"
"Hoy, mahiya ka nga sa Diyos at dito ka pa nagsisinungaling," sabi ko kasabay ng isang ngiti.
"Hindi ah, kailan ba naman ako nagsinungaling sa'yo?" ngumiti rin naman siya.
"Lagi,"
"Mapang-api ka, Mojow," sabi niya tapos tumingin pa na parang nagtampo.
"Hindi ka na mabiro!" tumawa naman ako agad para iparating na nagbibiro lang talaga ako.
"Mukhang nag-Mcdo ka na ah, may dala ka pang McFloat," dagdag ko.
"Alam mo naman na ito lang nagpapa-relax sa akin," sabi niya. At feel ko na naman siyang asarin.
"Close tayo?" pang-aasar ko sa kanya.
"Oo, close na close," lumapit ba naman nang dahan-dahan ang mukha niya sa mukha ko na para bang may gagawin siyang hindi maganda. Napapikit tuloy ako nang wala sa oras.
"H'wag kang mag-alala dahil hindi kita iki-kiss kahit alam kong gustong-gusto mo," bulong niya sa akin kaya napamulat ako at nanlaki ang mga mata ko, kasabay nang pag-init ng aking mga pisngi.
"Aray!" hinampas ko siya sa braso dahil sa sinabi niya. Loko e!
"Tara, treat kita ng float, mukha ka na namang pagod," sabi niya sa akin.
"'Di ko 'yan tatanggihan lalo na at mainit ngayon," sagot ko naman. Pumunta kami sa Mcdo. Pero hindi rin kami nagtagal dahil kinailangan ko nang umuwi.
"Alam mo ba ang mabisang paraan para makalimutan at maka-move on ka sa fake best friend mo?" tanong ni Cee sa akin habang naglalakad kami.
"Ano 'yon?" ang laki ng ngiti niya.
"Mag-focus ka sa iba," sabi niya sabay kindat. Imbis na kiligin ay napatawa ako nang malakas.
"CEEra ulo ka talaga!"
Sa paglalakad ko pauwi ay may nakita akong naglilipat bahay sa katabi namin. 'Yong bagong gawang bahay na mukhang mayaman ang may-ari. Halos isang taon din kasi akong nagtiis sa ingay ng construction, mabuti naman at natapos din sa wakas.
"Kuya! Ilagay mo na your things upstairs. I'll sumbong you kay Mommy if you're not going to listen to me," sabi ng isang babae mula sa loob ng bakuran.
"Later!" sagot naman ng isang lalaki. Wow, conyo si ate. Na-excite ako bigla at mukhang may bago kaming kapitbahay.
--
Author's Note:
Vote and comment. Thank you!
YOU ARE READING
It Started with a McFLOAT
RomanceNaiipit si Joan sa isang love triangle. Kahit ayaw niya ay wala siyang magawa dahil mahal niya pa ang kanyang ex. Nagsimulang umingay ang mundo niya nang may not-so-mysterious guy na nagpadala sa table niya ng McFloat, na para pala sa katabi niyan...
CHAPTER 9
Start from the beginning
