Chapter 30-Ti Amo, Amore Mio

15.3K 365 36
                                    

•KLAD'S POV•

NAGPAPAKAIN ako kay Noah at ini-enjoy ang tawa niya nang sumulpot bigla bigla si Marga nang marinig ko ang pagbukas ng pinto namin.

"Good morning, Klad and Noah-baby.." kaagad niyang inakap si Noah at pinagdiinan ng halik ang pisngi ng anak ko. Naka-corporate attire pa siya na umupo sa carpeted floor para magpantay sila ni Noah. "How are you baby?"

Inabot ng ni Noah ang mukha ni Marga at natatawa. Kinuha naman ni Marga ang dalawang kamay ng anak ko para halik halikan iyon.

"Ang cute mong bata ka..hmmm.." gigil na gigil niyang pinisil ang pisngi ni Noah.

"Hihiramin ko siya ngayon, Klad. Dadalhin ko siya kay Daddy tapos ihahatid namin siya sa mansion ni Kuya. Nandoon ka naman doon, di ba?" tumango akong tinitingnan ang wall clock namin. It is nearly six thirty already. Di na rin ako nagreklamo kasi may karapatan naman silang makasama si Noah. And my family is not against as Marga is my Uncle's girlfriend.

The question is...does he know about Noah? Maybe, Marga knows about my son because of Uncle Iñigo. And there's a possibility that Vice doesn't know.

Either ways, I hope he accepts him whole heartedly. Bahala na ang mga pangako niya noon, naiintindihan ko ang mga problema na pinagdadaanan niya dahil sa mga kasong kailangan niyang sulusyonan.

"Ang aga mo namang bumisita, Marga," nakapagpahinga nang maayos si Noah kagabi kaya maaga siyang nagising ngayon. Kami pang dalawa ang nakabangon at iyong ibang kasapi ng pamilya ko ay nakahiga pa sa kanya kanyang mga kama.

Maaga akong nagising din dahil sa excitement. Hindi ko alam kung bakit nag-uumapaw ang kaba at saya ko ngayon, knowing pupunta ako sa mansion ni Vice.

Fine. I am really excited to see him. Walang mapaglalagyan ang pangungulila ko sa kanya.

"Kung di lang dahil sa Uncle mo ay di na ako uuwi kagabi eh at dito na ako natulog. Tapos iyang Uncle mo, sobrang old fashion ang paniniwala, bawal daw matulog ang babae sa bahay ng lalaki pag di pa kasal. The heck..saan niya napulot ang pamahiin na 'yan?"

"Pagpasensiyahan mo na siya, Marga. He's too conservative," tumango lamang siyang nalunod na sa pakikipagtuwaan kay Noah.

"Manang manang ka sa Daddy mo. Ang gwapo mo..jusme!" my son giggled when Marga made hilarious faces.

"Da--da--" namangha ako sa nasabi ni Noah. Nakita ko rin ang pag-awang labi ni Marga dahilan para matuwa siya ng labis.

"Say it again, baby. Dada.." humalakhak lang ang anak kong tuwang tuwa sa hinahaplos na mukha ni Marga.

"Da--.." I can't still believe that he utter those words. Iyon ata ang mga unang salitang nabitawan niya.

"Yiee...excited na akong ipagsigawan sa opisina na may pamangkin ako. Tingnan natin, di ba lulugwa ang mata 'nong Beatrice na 'yon," tatayo na sana ako para kunin si Noah para bihisan na sana nang binulong-bulong iyon ni Marga sa sarili niya.

"Beatrice?" tanong ko upang mag-angat siya nang tingin sa akin. "Sino siya?"

Base sa nabasa kong article patungkol doon sa Business Gala na iyon, si Beatrice Enriquéz ay anak ng malaking investor ni Vice sa negosyo niya. And she would be his date in that event. Maliban doon, wala na akong ibang alam patungkol sa babae na 'yon.

"Nevermind about her, Klad. Kayang kaya ko siyang pabagsakin," tugon niya na may panggigil na tila ba ay alam ko ang pinagsasabi niya para makita ko ang galit sa kanyang mga mata.

"Ka-trabaho ba siya ni Vice?" desperado na akong malaman. It doesn't sound good to me that a lady named as Beatrice would be linked to him. Magunaw muna ang mundo bago nila maagaw ang dapat ay sa akin.

She Who Stole My Beastly HeartWhere stories live. Discover now